A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

One-Shot Compilation Episode 1 : Ligaw Tingin

Episode 1 : Ligaw Tingin (True Story From Mystery Writer) “What’s your plan?” tanong ko kay Banjo na hindi ko na inaasahan pang bibigyan niya ng magandang kasagutan. Mataas ang kanyang pangarap. Gusto niyang makilala at marinig na tinatawag siyang Sir Banjo Dominguez. Mula nang maging boyfriend ko siya, wala na siyang bukambibig kung hindi […]

Hiling (First Flash Fiction Writing Contest Entry #2)

Lunar Eclipse, ang pinakahihintay naming lahat dito sa planetang Moonlight. Panahong nababalot kami ng kakaibang kapangyarihan. Magagawa naming maglakbay sa ibang mundo sa isang iglap. “Ron, handa ka na ba?” tinig na nagpalawak lalo ng ngiti sa aking labi. Sabay-sabay kaming naupo sa ilalim ng liwanag ng buwan. Buong konsentrasyong pumikit at humiling sa Haring […]

Mr. Critic (Chapter 11 Finale)

NAGISING ako sa mga haplos sa aking mukha. “Rapunzel . . .” saad ko. Napapikit akong muli. Hindi siya maaalis sa aking isip kaya maging sa panaginip ay kasama ko siya. Naramdaman kong muli ang pagbigat ng aking pisngi. Mas ramdam ko ang haplos na tila totoo. Mahapdi man ang aking mga mata, pinilit kong […]

Chances (Teaser) – A SHORT STORY

Action speaks louder than words, but you can’t judge the book by it’s cover. Dahil iba ang nakikita sa naririnig.

Everybody deserves another chance, hindi lang para itama ang pagkakamali, kung hindi upang ipakita ang totoo sa hindi.

Stella Fuentas, naniniwalang puno ng sakripisyo ang pag-ibig. Mahuhulog ngunit ‘di magpapasalo sa isang Vince De Claro dahil may pamilya na ito.

Paano kung ‘di siya makawala sa anino nito? Bibigyan kaya niya ng pagkakataon ang sariling maranasan ang ibigin kahit alam niyang may masasaktan? O tutunawin ang nararamdaman at pipigilan ang pagtibok ng puso para dito.

Sundan kung paano kokontrolin ni Stella ang kanyang buhay pag-ibig.

I Love You Like A Love Song (Teaser) – A SHORT STORY

Kay sarap umibig at ibigin, lalo na kung walang balakid. Pagsilbihan ka na tila isang prinsesang nakaupo sa tasa.

Bagay na tinatamasa ni Thea sa piling ni Hans. Nalunod siya sa pagmamahal nito at ibinigay sa binata ang lahat-lahat. Bumuo ng mundo at nangarap kasama ito.

Ngunit ‘di pa man, sinubok na siya ng tadhana nang masaksihan ang pag-alok ni Hans ng kasal sa sariling kapatid. Saan pa siya kakapit kung ang taong inaasahan niyang bubuo ng kanyang pangarap ay kinasangkapan ng taong sinisi niya sa pagkamatay ng kanyang ina?

Makakaya kaya niyang magsimulang muli ngayong dalawa na silang mangngapa sa kawalan?

Silipin ang tagpong maghahatid kay Thea sa mundo ng pag-ibig na puno ng pagsubok at pasakit.

Mr. Critic (Chapter 10)

KINABUKASAN nagpasya akong ‘di umuwi ng bahay. Tumuloy akong muli kina Rapunzel. “Daddy!” sigaw ni Precious. Patakbong niyakap niya ako nang mahigpit. Bahagyang nabura ng paslit ang lungkot sa aking puso. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama sila. “Morning, baby,” ganting bati ko. Pilit kong ipinapaskil ang ngiti sa aking labi. Pero naglaho rin kaagad […]

Mr. Critic (Chapter 9)

Sa isang resort sa Anilao, Batangas ang punta namin. Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang huminto ako sandali sa isang grocery store. “Hintayin mo ako rito, may bibilhin lang ako.” Tumango siya at ngumiti. Tinawagan ko na rin ang katiwala ko sa rest house na maghanda ng pagkain namin. Kaagad akong bumalik sa sasakyan […]

Stuck In The Middle (Teaser) – A SHORT STORY

I now pronounce you husband and wife. Hudyat na selyado na ang seremonya ng kasal. Ihaharap sa mga saksi ang pinagbuklod na kapwa may ngiti sa labi. Ganap na laging nasasaksihan ng lahat.

Pero taliwas sa ipinakita ni Trixie na nakayuko at walang emosyon. It’s not that she don’t love his childhood friend na si Drew, na ngayo’y asawa na niya. It’s because she’s not ready yet. There’s a dream that she wanted to fulfill ngunit imposible nang mangyari dahil kasal na siya.

She didn’t regret that wedding but she blame herself for ignoring her husband. She was left alone in the middle of the night. And Drew is nowhere to be found.

Paano haharapin ni Trixie ang susunod na mga araw? Yayakapin ba niya ang pagiging asawa ni Drew kahit naglaho ito? O magpapatuloy at paninindigan niya ang pagiging malaya upang tuparin ang kanyang pangarap?

Mr. Critic (Chapter 8)

MADILIM pa nang ako’y magising. Halos hilahin ko ang haring araw upang magliwanag at makarating agad sa opisina. Excited akong makita roon si Rapunzel. Malayo pa lang tanaw ko na siyang tinuturuan ng aking sekretarya. Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang pagngiti. Pinilit kong maging pormal at umaktong ‘di naapektuhan sa presensiya niya. […]

Mr. Critic (Chapter 7)

MAAGA akong gumayak papuntang opisina kinabukasan. Bitbit ang mga dokumento na ‘di ko na nagawa pang i-review. Magiliw akong nakipagbatian sa mga empleyado. Magkahalong saya at kaba ang namamayani sa aking dibdib. Masaya dahil sa nangyari sa amin ni Rapunzel kahapon at kaba dahil kay Reid. Hindi ko isusuko si Rapunzel sa kanya, pero ‘di […]