A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Regalo (Chapter 5)

December 31, 2019 @7AM “Sir, matagal na pala itong sugat mo. Bakit ngayon mo lang naisipang pumunta rito?” ani ng doktor nang makita ang sugat. “D-dok, kaninang alas sais ng umaga lang ang sugat na iyan. Aksidenteng naputukan habang nililinis ko ang aking service firearm,” sagot ni Tsep na may pagtataka sa boses. Hindi maitago […]

Regalo (Chapter 4)

DECEMBER 30, 2019 @ 7AM Hindi lang ang pagkamatay ni Peter ang laman ng nasabing video. Maging ang kalunos-lunos na sinapit ni Mark ay kasama sa kumakalat na nasabing bidyo. Walang kaalam-alam si Clarisse sa nangyayari dahil wala naman siyang Facebook o mga social media account. Ni wala siyang cellphone, pinagbawalan siya ng tatlong lalaki […]

Regalo (Chapter 3)

December 28, 2019; 7:30 PM HINDI alam ni  Clarisse kung gaano katagal na silang naglalakad. Medyo nabuhayan lang siya ng lakas nang makarinig ng tawanan mula sa di kalayuan. Nagkaroon ng munting pag-asam ang kaniyang kalooban. Pag-asam na sana ay makatatanggap siya ng tulong mula sa pinagmumulan ng malulutong na halakhakan. Ngunit ang pag-asam na […]

Regalo (Chapter 2)

December 26, 2019; 8PM BUMALIK ang  ulirat ni Clarisse dahil sa pakiramdam na parang umuuga ang paligid. Nararamdaman din niyang may mga matang nakatunghay sa kaniya. Nais sana niyang kumilos ngunit nalaman niyang nakakadena ang kaniyang mga kamay at paa. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata, tumambad sa kaniya ang nakangising mukha ng balbas-saradong […]

Regalo (Chapter 1)

December 24, 2009 “KABUTIHANG inabuso, mga abusado ay parurusahan. Mabuting kalooban ay napuno ng pagkasuklam. Sinumang aalam, lihim ng talaan, bawat pahina ay may sumpang iiwan. Bawat pahina ay katumbas ng isang kaluluwa. Magbabayad ang masasama, dalisay na pagkatao’y mapapariwara! Sumpang binitiwan ipapataw sa taong nangangailangan. Ito’y tatalab sa taong kabutiha’y inabuso lamang. Sumpa’y maging […]

Regalo (Teaser)

“Parusang ipapataw sa masasama, ipagkakaloob ng taong puso ay dalisay. Gamit ang dugo ng mabuti, kapalit ang kaluluwa ng mga arogante. Bawat pahina ay may ganti para may maiitim na budhi.”