A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Anastacia Quinn (Teaser) – COMPLETED

Paano mo masasabing ang simula ay ang wakas? At ang wakas ay ang simula? Sa buhay ng bawat nilalang, may kahinaan kahit na pilit ipinapakita ang katapangan. Pero sa magulong buhay ng isang Anastacia Quinn, paano niya mapapagtanto ang mga bagay na tulad nito kung wala siyang maalala sa nakaraang hindi niya alam na isinabuhay niya? Makatutulong nga ba ang mga nilalang sa kaniyang paligid o lalo pa nitong palalalain ang sitwasyon? Sino nga ba siya sa nakaraan at sa kasalukuyan?
Maraming bumabagabag sa kaniyang isipan. Sino ang matandang nagbigay sa kaniya ng kuwintas? Paano siya napunta sa panahong iyon?