One Hellish Love (Teaser) – A SHORT STORY

Lyndl Canales is madly in love. Ang mundo niya ay umiikot lang sa iisang lalaki – si Kenneth Morales. Sa madaling salita, nawala ang pagmamahal niya sa sarili nang mahalin niya ang lalaki.
Lingid sa kaalaman ni Lyndl, kinaiinisan ni Kenneth ang ugali niyang iyon. Sa paparating na pasko ay uuwi na siya.
Paano haharapin ni Kenneth ang girlfriend niyang obsessed sa kanya lalo pa’t plano niyang hiwalayan ito ng tuluyan? Hahayaan ba ni Lyndl na tapusin ni Kenneth ang pinagsamahang binuo nila sa loob ng limang taon?
One Hellish Love – (A Short Story)

PABAGSAK na napaupo si Lyndl. Nagtinginan ang ilang pasahero sa kanya dahil sa pag-ungot ng upuan ng lumang bus. Napasandal siya at agad naramdaman ang pagod at antok. Ilang araw siyang puyat sa excitement, at pagod sa pagtayo at paghintay ng isang oras sa bus. Unti-unting bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata ngunit […]