Panyo (Teaser) – ONE SHOT STORY

Isang hindi inaasahang pangyayari ang maglalapit kay Mira sa dalawang estrangherong may kaugnayan sa kaniya.
Isang babaeng una niyang nakasalamuha sa hindi magandang paraan, at isang lalaking tanging lumapit upang tulungan siya sa nangyari.
Marami nang isipin pa si Mira, ang inang laging balisa na tila hindi na siya pinapansin, at ang mga gawaing hindi niya magawa-gawa, dumagdag pa ang mga ito.
Estranghero.
Hindi niya kailanman naisip na makatatanggap siya ng ganoong trato at tulong mula sa mga taong hindi niya kilala.
Panyo.
Isang panyo ang natanggap buhat nang tulungan siya na siyang naging rason upang maibsan ang nararamdamang sakit.
Paano kung ang bawat engkuwentro ay planado na pala?