The Adventure of Neneng Batongbato and the hidden secret of Ibong Adarna – Finale

Ang sarap sa tenga. Alam na alam ni Neneng ang huni ng mga ibon sa kakahuyan, pero hindi siya pamilyar sa awit ng ibon na pinariringgan niya ngayon. Lumaki siya sa kakahuyan pero ni minsan hindi niya pa narinig ito. Tila may hindi maipaliwanag na mahika itong dala kaya parang may iba siyang nararamdaman habang pinakikinggan ito.
“Kaloy, naririnig mo rin ba ang naririnig ko?” Pikit-mata niyang tanong sa binatang kasama pero wala itong nakuhang sagot.
Idinilat niya ang mga mata para kunyatan ito, pero isang malaking bato na may dimples ang bumungad sa paningin niya.
Si Kaloy, naging bato!
The Adventure of Neneng Batongbato and the hidden secret of Ibong Adarna – Chapter 3

Patuloy ang paglalakbay ng ating mga patungo sa mahiwagang bundong Tabor.
“Tapos na akong umihi. Pero wala akong narinig na kokak ng kolokoy. Sinilip ko siya sa kabilang panig ng malaking bato na inukluan ko para umihi pero walang Kaloy akong nakita, “luh. Nasa’n na ‘yon?”
Naglakad ako sa paligid ng talon para hanapin siya, “Kaloy?” tawag ko pa rito pero wala akong nakuhang sagot.
Nagbakasali ako sa kabilang panig ng talon at doon ko nakita ang mga damit niyang nakatambak sa gilid.
“Abah! At may gana pang mag-swimming ang loko,” bulong ko sa hangin nang makita kong umahon ang hari ng mga tsokoy mula sa pagkakasisid.
“Neng!” Tawag niya sa’kin at may pakaway pa sa gitna ng malinaw na sapa na binabagsakan ng tubig mula sa talon.
Kitang-kita ng makasalanang mata ko ang nangingintab niyang malapad na dibdib. Shemay! Tukso ‘to sa namumukadkad kong gumamela, eh!
“Halika! Ang sarap ng tubig!” Anyaya niya, habang pinapasadahan ng mga daliri ang basa niyang buhok. Nakakasilaw ang kaputian ng balat niya sa tubig. Kinagandang lalaki niya lalo ang buhay niyang nunal sa may dibdib.
Shutabels! Masyado na niyang minomolestiya ang birhen kong pagkatao.”
Dito na ba mangyayari ang hinihintay na pagsasanib pwersa?
The Adventure of Neneng Batongbato And The Hidden Secret of Ibong Adarna – Chapter 2

Malapit na kami sa bahay nila nang biglang may sumulpot na matandang lalaki sa harapan namin.
“Ineng, sumama ka sa ‘kin.” Anito, sabay hatak sa isang kamay ni Neneng.
Alerto lang ako. Sa tanda niyang ‘yan, alam kong hindi niya masasaktan si Neneng. Baka siya pa ang ibalibag nito kung nagkataon.
Kumalas si Neneng sa pagkakahawak nito at sunod-sunod na nagtanong, “ano, ho? Teka, bakit? May ipapagamot ka? Ano ho, almoranas?”
Natawa ako sa gilid. Joker talaga ‘tong love ko.
“Hindi! Wala akong almoranas! Bastos kang bata ka!” Banas na reaksyon ni Tatang.
“Ay! Hehe! Sorry na, ‘Tang. Eh, bakit ko kailangang sumama sa inyo?”
“Basta. Halika na.” Walang maisagot na detalye ang matanda, sabay hawak ngayon sa braso ni Neneng.
Sa puntong ‘to na ako sumingit, “teka naman, ‘Tang. Walang hawakan.” Sabay tabing ko with respect sa kamay nito palayo kay Neneng.
Sinalubong ako ng masamang tingin ng matanda. Bigla akong hinintakutan. Kilala ko ang mga pares ng mga mata na ‘yon. Kilala ko kasi siya ang may gawa ng pagkaligaw ko sa lugar noon. Siya ng matandang ermetanyo sa lagusan.
Nangangatal kong kinalabit si Neneng. “Neng, alis na tayo rito,” determinado kong sabi sabay hila sa kanya.
“Teka, hoy!”
Pero bago pa man kami makagawa ng isa kahit isang hakbang, bigla kaming nanigas sa kinatatayuan namin. At sa pagtapik ng matanda sa hawak niyang tungkod sa lupa, bigla kaming kinain ng nakakasilaw na liwanag.
Anak ng–!
Napapikit na lang ako.
The Adventure of Neneng Batongbato and The Hidden Secret of Ibong Adarna – Chapter 1

“Neng my labs, seryoso? Kailangan talaga may durâ?” Tanong ng pakialamerong si Kaloy, na manliligaw at sidekick ng fake na albularya of all season, na si Neneng Batong-bato. Kalasalukuyan kasing naghahalo ito ng halamang gamot na kanyang ibinebenta. “Naman! ‘Yan ang special ingredients ano?! Mas epektib pa kung medyo malapot-lapot ang laway. Yung nakababatang […]
The Adventure of Neneng Batongbato And The Hidden Secrets of Ibong Adarna (Teaser) – COMPLETED

Meet Neneng Batongbato, ang kaapu-apuhan ni Mang Kepweng: The Legendary Mambabarang ng Sitio Maipot, na sa kasamaang palad hindi niya nakuha ang super powers ng matanda. Pero hindi ito alam ng iba, tanging ang sidekick niya lang na si Kaloy ang nakakaalam na isa siyang PEKE!
Bagaman, sa kabila ng panlilinlang na ginagawa ni Neneng sa mga ginagamot niya upang masustentuhan at buhayin ang Nanang niya na may sakit, totoong-totoo naman ang tinatago nitong pag-ibig kay Kaloy na bukod sa pagiging kanang kamay niya eh, nanliligaw rin ulit sa kanya. Oo, ulit. Dahil kahit mahal man ni Neneng itong si kolokoy kailangan niyang magpabebe dahil minsan na siyang sinaktan nito.