Sa Aking Kaarawan (Kabanata 3)

Hindi na bago kay Beatrice ang pang-aapi at pananakit na ginagawa ng kanyang mga kaklase sa kanya. Grade seven pa lang ay namulat na siya sa pagmamalupit sa kanya ng ibang tao, lalo na ng kanyang sariling ama. Tanging ang kanyang ina lang ang naging sandalan niya sa lahat ng problema at ito lang ang nag-iisang nagpapanatag ng kanyang loob. Ngunit, kagaya niya, wala rin itong magagawa dahil may kapansanan ito. Nang mamatay ang kanyang ina dahil sa isang aksidente, nagbago ang buhay ni Beatrice. Mas lalong tumindi ang mga naranasan niyang pananakit ng iba at hindi na niya nakayanan ang pagmamalupit sa kanya ng kanyang ama. Hanggang sa sumapit ang kanyang ikalabing-walong kaarawan, at dahil sa isang kahilingan, nagbago ang lahat. Labing-walong buhay ang mawawala dahil sa kagustuhan niyang maghiganti. Subalit, ipagpapatuloy niya ba ang pagkitil sa buhay ng iba sa tulong ng multo ng kanyang ina kung sa huli ay may kabayaran pala?