A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Teen Agents Generation (Chapter 25) Finale

KEILA MADILIM ang gabi, walang bituin sa kalangitan. Kakaunti na lamang ang mga sasakyang nadadaanan namin sa gitna ng walang katapusang palayan. Kung makarating na kami sa magubat na parte, hudyat iyon na malapit na kami sa Chains Org. Kung naghanda kami ni Lea noong nagpunta kami sa library, mas lalo kaming naging handa dahil […]

Teen Agents Generation (Chapter 24)

KEILA “DITO ka lang.” Naglakad palapit si Lea, pareho na sila ng lalaki na naiilawan. Ang anino nila ay parehong nag-aabang sa isa’t isa. Ngayon ko lang napansin na nakasuot din ng mask ang lalaki. Blue ang suot nitong longsleeves at fitted jeans. Puti naman ang sapatos niya. Kung hindi siya nagsalita, aakalain kong estudyante […]

Teen Agents Generation (Chapter 23)

KEILA NAPAHAWAK ako sa bookshelf na nasa tabi. What was that? Where did that came from? Winter? Winter ba ang pangalan ko? Si Genesis… siya iyong nagpunta sa bahay namin sa bukid ilang buwan na ang nakalipas. Ang sinabi niya ay kaibigan siya ni Tatay. Kaya pala pamilyar siya sa akin! Hinawakan ko ang ulo […]

Teen Agents Generation (Chapter 22)

KEILA MAAGA akong nabulabog dahil sa ingay na nagmumula sa living room. Kusot ko pa ang mga mata ko nang lumabas. Naabutan ko si Lea na bihis na bihis na at may dalawang babae at isang lalaking pinapaupo sa sofa. Halos malaglag ang panga ko dahil unang beses ko lang siyang nakitang ngumiti habang kinakausap […]

Teen Agents Generation (Chapter 21)

KEILA DAHAN-DAHANG binuksan ng bida sa pelikula ang baul kung saan niya itinago ang bali-baling katawan ng namayapa niyang asawa. Nagsigawan kami nang mag-iba ang anggulo ng camera at nakikita na ang kaluluwa ng lalaki na nasa likod ng babae, handa nang atakihin. Hindi ko mapigilang matawa ng palihim dahil sa mga hitsura ng mga […]

Teen Agents Generation (Chapter 20)

LEA MABIBIGAT ang hakbang ko at alertong nagmasid sa paligid. Madilim at malamig sa first floor. Wala ang receptionist at walang umaaligid na guards. Hindi na nakakapagtaka, malamang ay ginawan na ito ng paraan ng lalaking kahaharapin ko ngayon. Nasa harapan ko na ang glass door ng gym. Hindi ko maaninag kung may tao sa […]

Teen Agents Generation (Chapter 19)

LEA HINDI ako makahinga habang nakatitig kay Jaime. May simbolo siya. Simbolong pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung susugurin ko ba siya at tatanungin ko isusumbong ko ito kay Kuya Dario. Nais kong kunin ang cellphone ko pero naalala kong naiwan ko ito sa unit namin. Napansin ni Jaime ang titig ko. Tila nag-iba […]

Teen Agents Generation (Chapter 18)

LEA HINDI ako nakatulog noong gabing iyon. Masyado akong binagabag ng lalaking iyon. Nakakapagtaka na may makakakilala sa akin dito sa MEM-U. Mas lalong nakakahinala dahil kilala niya si Ate Suzie bilang Genesis. Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil sa pagtunog ng alarm. Ito na ang ikalawang beses na nangyari ito at false alarm lang iyong […]

Teen Agents Generation (Chapter 17)

LEA GUSTO ko sanang magtanong kay TJ tungkol sa artwork ko na binili ng tiyuhin niya pero sa tuwing nag-a-attempt akong kausapin siya, sumusulpot si King na siyang iniiwasan ko kaya naisipan kong isantabi na lang muna. Magkakaroon din ako ng tsansa. Huwebes na at ngayon ay pupunta kami sa bulding ng Judo at Tae […]

Teen Agents Generation (Chapter 16)

LEA SECOND semester na at may gaganaping Art Gallery Walk two days from now. Ito ang event ng course namin para sa Intramurals. Hindi naman kaming lahat ang pwedeng makasali sa Gallery Walk. Sa dami ng students na naka-enroll sa kurso na ‘to, sinala kaming lahat para piliin ang two hundred deserving students na makakasali […]