AFTER TWO weeks nakarating na sina Chari at Clyde sa Manila. Hindi na nag-aksaya ng oras si Chari, kinabukasan ay kaagad niya nang dinala si Clyde sa ospital para sa general check-up at observation muna dahil kailangan stable lahat before siya ibiyahe papuntang Japan.
Mula nang dumating sila ay isang beses pa lang nagkita sina Clint at Clyde dahil sa abala din sa pag-aasikaso sa anak niyang si Tejie na kasalukuyang naka-sched din ang operasyon.
Naintindihan niya naman ito kaya hindi na rin siya naghihintay. Kahit pa nasa iisang ospital lang ang dalawa ay hindi magkita.
Kasalukuyang nasa information desk siya sa ibaba ng may makatagpo.
“Chari?” Bulalas ng lalaki mula sa likuran niya.
Napalingon naman agad si Chari dahil sa malakas na pagkakatawag sa kanya. “Jet?”
Agad siyang nilapitan ni Jet. “God! It’s been a while! Hahaa! Kamusta ka?” sabi nito kasunod ang tingin kay Chari mula ulo hanggang paa. “You haven’t change Cha! Still pretty and cool!” May paghangang sabi niya.
Hindi naman nakapagsalita agad si Chari. Nangiti lang ito.
“Can we sit for a minute Cha? Ang tagal nating hindi nagkita! Wala akong naging balita sa iyo ah!” sabi ni Jet matapos ay inalalayan pa ang braso ni Chari para maupo muna.
Naupo sila sa mga upuang bakal na nakahilera sa pasilyo.
“Hi Jet, kamusta ka na? Parang ang pangit naman na dito pa tayo nagkita uli, sino ang pasyente mo rito?” tanong ni Chari.
“Ugh! Pa—Pamangkin ko, ooperahan kasi siya,” naaantal pang sagot ni Jet.
“Ah okay…” maikling sagot ni Chari.
“Ikaw? Why are you here Chari?” tanong ni Jet.
“Umn… Anak ko ang nandito Jet,” sagot ni Chari.
“Anak mo? Bakit ano nangyari? And! Kailan ka pa nandito sa Manila? Galing ka ba ng ibang bansa? Napakatagal na mula nang magkita tayo!” Sunod-sunod na tanong ni Jet na napapahawak pa sa braso ni Chari.
“Aah… One week pa lang kami dito sa Manila, Nasa Camiguin ako nakatira,” sagot ni Chari.
“Camiguin? Nakapag-asawa ka ba ng taga-roon? That’s really a nice place to settle, anyways, where’s your husband? Is he with you now?” Nakangiting tanong ni Jet.
Ngumiti muna ang Chari. “I’m a solo parent since Jet.”
Nalukot ang mukha ni Jet, kapansin-pansin sa mga titig niya na may paghanga pa rin kay Chari.
“Napakagago naman ng lalaking iyon Chari! Iniwan ka! Ako nga halos magmakaawa sa iyo balikan mo lang tapos siya iniwan kayo ng anak niya,” seryosong sabi ni Jet.
Hindi kumibo si Chari. Ayun na naman ang nagui-guilty niyang pakiramdam dahil sa itinago na naman niya si Clint na kadalasan ay lumalabas talagang masamang tao sa lahat ng mga nakakausap niya.
“Saan kayo nakatira ngayon? Are you okay? I mean, your situation. You need help?”
Mabilis na iling ang ginawa ni Chari. “Okay naman na lahat Jet, salamat na lang. We’re good naman so don’t worry.”
“Chari kahit kailan ganyan ka, matigas pa rin hanggang ngayon,” sabi ni Jet na seryosong nakatitig sa mga mata ni Chari.
Nahiya naman si Chari kaya tumingin sa ibang direksyon. “Ah, kamusta ang pamilya mo? Mga bata?” tanong niya para maiba ang usapan.
Umayos ng upo si Jet at napabuntung-hininga pa. “Ayos naman sila, malalaki na rin ang mga bata. Ikaw? Ilang taon na nga pala ang anak mo, lalaki ba o babae?”
“Eight na siya Jet, lalaki,” mabilis na sagot ni Chari.
“And nasaan ang tatay?” Matatas na pagkakasabi ni Jet.
Hindi naman nakakibo si Chari. Ngumiti lang.
Sandali pa at biglang tumunog ang cellphone ni Jet.
Tumayo na rin si Chari para magpaalam. Hindi na rin niya kasi gusto pang madugtungan ang pag-uusap nila ni Jet.
May iniabot na maliit na papel si Jet kay Chari. “Call me if you need anything Cha, I would be very happy to help you, okay? Anything Chari! Pera, bahay, sasakyan! Lahat ng kailangan mo Chari! Basta para sa iyo kahit ano…” Mayabang na sabi ni Jet. Hindi pa rin nawawala ang pagkahambog nito.
Ngumiti lang si Chari at tumango. Matapos ay mabilis na naglakad si Jet papuntang elevator na akala mo may hinahabol habang may kinakausap sa cellphone.
Nakatingin lang sa kanya si Chari hanggang sa makasakay na. Hindi pa man nagtatagal ay ang cellphone naman niya ang nagring.
“Aaah.. Hmmn…” Buntung-hininga ni Chari.
Hindi niya sinagot ang tawag at halata naman na hindi iyon ang pangalan na gusto niyang makita sa screen ng cellphone.
Lumakad na rin siya papunta sa elevator. Panay pa rin ang ring ng cellphone niya kaya at… “Hello Josh?” sinagot niya na, si Josh ang tumatawag mula pa sa Camiguin.
SAMANTALA…
“I told you not to call me again and again Trina! See? Tapos dito tayo mag-uusap sa mabahong pasilyo na ito? Ginawa mo naman akong vendor!”
Nasa isang may kadilimang pasilyo kasi sila banda sa top floor ng ospital. Walang masyadong tao dahil sa puro laboratory na lang ang nandoon.
“Alam ko naman ang emergency na iyan! Just call me if you need anything hindi iyong gusto mo lang maglambing! Baka may makakita pa sa akin dito at malaman pa ni Jillie, baka magtanong iyon kung sino ang pinupuntahan ko sa ospital!”
“Jet, bakit ba nagagalit ka sa akin?” Malambing na tanong ni Trina. Yumakap pa ito sa braso ni Jet.
“Because you been so careless these days Trina! Napapadalas na ang pagtatanong ng asawa ko at isa pa nasa Manila na si Clint at anytime pwede magkrus ang landas namin dito sa ospital! Hindi mo ba naiisip iyon? Tsst! Alam mo namang mainit ang dugo sa akin niyang asawa mo mula nang ibinenta sa akin ni Chari ang coffee shop!” sagot ni Jet.
“Clint will be leaving next week for Japan, and staying there for a month din. Siguro naman pwede tayo magsama no’n. Namimiss na talaga kita Jet.” Lambing ni Trina.
“Kapag okay na si Tejie, tapusin muna natin ang operasyon niya. Then— then lets have a vacay for a week. Hongkong mas malapit, just to relax Tejie,” sagot ni Jet.
Nangiti naman si Trina sa sinabi ni Jet. Humalik pa ito sa pisngi sabay akap sa beywang.
“Just please Trina! Iwas muna tayo, if ever you need me just tell Maggie okay? Dadaan lang ako kunwari sa salon.”
At sa huli ay nakuha pang maghalikan ng dalawa.
HATINGGABI NA gising pa si Chari. Nasa bahay na siya at inaayos ang ilang mga gamit na kailangan nila pag-alis papuntang Japan.
Panay ang ring ng cellphone niya dahil sa tumatawag si Josh, hindi naman niya sinasagot dahil wala siya sa mood. Wala pa rin kasi siyang maayos na tulog at pahinga mula nang dumating sila ni Clyde sa Manila. Hindi pa rin nga niya nailalabas sa maleta ang ilang mga dalang gamit mula bumiyahe sila.
Tahimik ang paligid. May mga ilang sasakyan na dumadaan at ilang taong naglalakad. Tumayo muna siya saglit at lumabas ng harapang pinto ng bahay.
Tumanaw sa kabuuan ng makipot nilang bakuran sabay napangiti. “Namiss ko itong lugar na ito,” bulong ni Chari.
Walang ipinagbago ang bahay. Naroon pa rin ang maliit niyang hardin na may mga namumulaklak na halaman. Kahit napalitan na ang mga nakatanim doon ay kitang-kita naman na pilit binuhay ang ganda ng lugar. Ang maliit nilang swimming pool sa likod bahay at ang paborito niyang sementadong lamesa na madalas tambayan kapag may inuman.
Maayos pa rin ang mga haligi ng bahay. Matitibay pa rin ang pundasyon at maayos pa rin ang mga bubong na napalitan na rin. Naroon pa rin ang ilang mga tukador niya sa kusina at ang bookshelf na talaga namang naingatan.
Napabulong tuloy siya. “Ang galing mo talaga Clint, hindi mo pinabayaan ang bahay natin.”
Maya-maya pa ay hindi namalayang tumutulo na pala ang luha niya.
“Hindi mo pinabayaan ang lugar kung saan tayo nagsimula. Uhump! Hindi ka umalis, hindi mo iniwan,” muling bulong ni Chari.
Sandali pa at…
“Wala naman talaga akong balak umalis at iwan ang lugar na ito, Ma…” sabi ni Clint na kasalukuyang nakatayo na sa likuran ni Chari.
Mabilis na pinunasan ni Chari ang mukha. “O? Clint! Bakit—bakit nandito ka? Baka hanapin ka ni Tejie,” sabi ni Chari.
Nilapitan siya ni Clint at niyakap. “Bakit umiiyak ka, Ma?”
“Wala, sa tagal na kasi namin na nandito ngayon ko lang napansin ang bahay e, ngayon ko lang nakita na lahat pala dito maayos pa.”
“Inayos ko talaga ito, Ma. Dito ko every weekend. Sanctuary ko kaya ito Ma. Kapag nandito ako sobrang gaan ng pakiramdam ko, tapos pupunta ako sa kwarto mo, mahihiga ako sa kama mo, iiyak hanggang sa makatulog na ako.” Malambing na pagkakasabi ni Clint sabay halik sa noo ni Chari.
Magkayakap pa rin ang dalawa na sumasayaw-sayaw pa.
“Galing nga pala ako kay Clyde kanina, Ma.”
“Talaga? Nagkausap kayo?”
“Oo. Dinalahan ko siya ng paborito niyang pagkain. Tuwang-tuwa nga siya eh, lalo naman ako syempre. Maganda ang mood niya kanina, Ma. I’m so happy to see him recovering quickly.”
“Nakita ka kasi kaya masaya, lagi ka nga niyang tinatanong eh,” sabi ni Chari.
Kasalukuyang naglalambing si Clint nang biglang nagring ang cellphone ni Chari na nasa bulsa pala ng short na suot nito.
“O! Sino iyan?” tanong agad ni Clint.
Nang ilabas ni Chari ang cellphone at makita ang pangalan ng tumatawag ay… “Hindi ba titigil iyang hinayupak na iyan?” naiinis na sabi ni Clint.
Kaagad nitong inagaw ang cellphone kay Chari.
Nakipag-agawan din naman si Chari. “Clint akin na iyan!” Sabay hablot sa braso ni Clint.
Mas lalo naman inilayo ni Clint ang cellphone. Matapos ay pinindot ang end call para mamatay ito. “Chari! Hindi ka pa rin ba nakipagbreak sa kanya?” Nagsalubong na ang dalawang kilay niya.
Umiling lang si Chari. “Mabuti pa nga iyan eh, hindi lang tatlong beses sa isang araw kung tumawag mula nang mismong araw na dumating kami rito ni Clyde.”
Mas lalong nagsalubong ang may kakapalang kilay ni Clint, napabuntung-hininga pa sa inis. “So? Ano ibig mo sabihin?”
Kinuha ni Chari sa kamay ni Clint ang cellphone. “Umuwi ka na Clint, gusto ko na magpahinga.” Lumakad na papasok sa loob ng bahay.
“Ma, sorry. Alam ko na hindi ako nakakatupad sa usapan. Sana, bigyan mo pa ako ng palugit, naaawa lang din ako kay Tejie dahil sa tuwing aalis ako, umiiyak siya e. Hindi ko alam pero—ito kasi ang unang pagkakataon na naging ganyan siya kalambing sa akin.” Paliwanag ni Clint.
Huminto si Chari sa paglalakad. “Kapag natapos na ang surgery ni Clyde, babalik na rin kami agad sa Camiguin para atleast hindi ka napre-pressure.”
Lumapit naman si Clint. “Bakit? Akala ko ba? Dito na kayo titira habang nasa recovery mode si Clyde? Bakit ba pabago-bago ka ng isip Chari? Saka—pinipilit ko naman hindi ba, Ma?”
“Pagod ako Clint! Ito lang ang oras ko para makatulog so umuwi ka na lang muna!” Naiinis na sabi ni Chari matapos ay malakas na ibinagsak ang pintuan.
Hindi na ginusto pang kumatok ni Clint. Naiinis din kasi siya sa nalamang hindi pa pala nakipagkalas si Chari sa boyfriend nitong si Josh.
Uuwi na lang muna siya.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





One Response
Sabi na i smell something fishy