Antigo Collection Book 1: Salamin (Chapter 7)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

NAKAALIS na ang tatlo subalit nakatulala pa rin si Cindy. Kahit ang pinsang si Kuya Jack at ang tatlong kabarkada nito ay pawang nasa malalim na pag-iisip.

“Si Ate Carol kaya ang tinutukoy na anak na babae na naabutan ng mag-asawang walang malay diyan sa loob?” tanong niya kay Kuya Jack.

“May kapatid na babae si Carol pero ang alam ko nasa ibang bansa ito naka-base. Kaya malamang ay si Carol nga ang tinutukoy ng babae. Isa pa, hindi ba at nabanggit naman ni Carol sa atin na nawalan nga siya ng malay at kalalabas niya lamang ng ospital kamakailan lamang din,” sagot ni Kuya Jack.

“At nasa ospital pa siya when you received a call from her, right?”

Tumango ito.

“Oops, ano ito? Simula na ba ito ng horror sa buhay natin?” pagbibiro ni Jerico.

Nakatikim ito ng batok mula kay Kuya Jack.

“Namatay ang dalawang kaibigan ng ex mo…nasa ospital pa siya the time she called you…why?” si Ryan na tila naguguluhan.

“Paanong why?” si Kuya Jack.

“How was she when you talked to her that time?” tanong ni Ryan.

Biglang napaisip si Kuya Jack sa tanong na iyon ni Ryan. “She seemed okay. She sounded okay to me. Kumustahan…mga ganoon,” sagot ni Kuya Jack pagkalipas ng ilang sandali.

“See? Ang odd, hindi ba? For someone na namatayan ng dalawang kaibigan sa bahay-bakasyunan na pag-aari nila nagawa niyang makipagkumustahan sa iyo. Hindi kaya may hidden agenda siya kaya ka niya tinawagan?”

“Hidden agenda?”

“I agee with what Ryan just said,” pagsang-ayon niya. “Iyong mga panaginip ko…sa panaginip ko humihingi ng sorry si Ate Carol,” aniya.

“But why?” kunot-noong tanong ni Kuya Jack.

“Dahil inimbitahan niya tayo rito sa bahay-bakasyunan nila where all the tragedy happens?” si Benjie.

“Ibig bang sabihin talagang may demon spirit na nakatira dito?” si Jerico.

“Pero hindi ba at nasabi rin sa atin ng gasoline boy at kanina na haka-haka lamang naman ang tungkol sa evil spirit na iyan. May mga nagbakasyon daw naman na walang masamang nangyari. Baka may nangloob lamang kina Carol noong naririto sila,” pangangatwiran ni Jack.

“Hay naku, ang ex-girlfriend mo lamang ang makakasagot niya. Why don’t you call her again?” utos ni Ryan.

Sumunod naman si Kuya Jack. Pero kagaya pa rin kanina ay can’t be reached ang numero ni Ate Carol.

“I just needed you to call you that time. I just needed you to come…” Agad na nagrewind iyon sa utak ni Cindy. Napansin niyang may sense of urgency sa mga katagang binitawan ni Ate Carol. Pero bakit? Ano ang nangyari rito at sa mga kaibigan nito? Si Martin? Isa ba ito sa namatay na kaibigan nito? Ang mga nakita niya ba sa kanyang panaginip ay mga nangyari na ba ang mga iyon o mangyayari pa lang?

“May contact ka ba ni Martin, Kuya Jack?” she asked.

“Why?”

“Gusto kong malaman kung isa ba siya sa namatay na kaibigan ni Ate Carol. At kung hindi naman, baka isang warning iyong nakita ko sa panaginip ko,” aniya.

“After kasi naming magbreak ni Carol, almost all of her friends blocked me,” kakamot-kamot ng ulong wika ni Kuya Jack. Napatawa sila sa winikang iyon ni Kuya Jack. “Pero try ko iyong cellphone number niya.” Hindi naman nagtagal ay may sumagot sa kabilang linya. Nakipag-usap si Kuya Jack. Matagal din itong nakipag-usap. Hanggang sa nakita niyang namutla ito. Napapalunok pa ito matapos itong makipag-usap sa cellphone.

“Why? What’s wrong?” tanong niya sa pinsan.

“Martin’s dead,” sagot nito.

“Uh-oh,” si Benjie na pumeke ng ubo.

“Masama ito ah,” naiiling na komento naman ni Jerico.

“Saan daw namatay itong Martin? Dito ba?” tanong ni Ryan.

“Apparently, isa si Martin sa dalawang magkaibigan na natagpuang namatay dito,” sagot ni Kuya Jack.

She gasped.

“Pero hindi lang iyon ang nalaman ko,” pakli ni Kuya Jack. “Anim na kaibigan ni Carol ang namatay after nilang manggaling sa bakasyon dito. And all of them died in a freak accidents. The two died here nang magbalik sila rito sa bahay-bakasyunan. May nabanggit daw itong Martin na kailangan ng mga itong malutas kaya nagbalik ang mga iyon dito.”

She gasped again. Kaya ba sa tingin niya ay may nabago kay Ate Carol sapagkat may mabigat itong pinagdadaanan? At iyon nga ay ang pagkamatay ng mga kaibigan nito. Pero ano ang kailangang lutasin ng mga ito na siyang dahilan kung bakit nagbalik ang mga ito rito sa bahay-bakasyunan?

“Ano naman ang kinalaman ng bahay-bakasyunan na ito sa freak accident na pagkamatay ng mga kaibigan ng ex mo?” kunot-noong tanong ni Jerico.

“Iyan nga ang inaalisa natin ngayon e,” palatak ni Ryan.

“Tanging si Carol lamang ang nabuhay sa siyam na nagpunta rito,” pakli pa ni Kuya Jack.

“May mali nga talaga!” si Ryan. “All of her friends died. Six died in a freak accidents. Iyong dalawa dito sa bahay-bakasyunan kung paanong namatay we don’t know yet. But, you suddenly received a call from her and invited you here while she was still in the hospital,” patuloy sa pag-aanalisang sabi ni Ryan.

Once again, she agreed with him. “Iyong attic!” sambit niya.

“Attic?” sabay-sabay na tanong ng mga ito sa kanya.

“Remember yesterday nang makita niyo kami doon ni Ate Carol sa attic? I heard her crying…sobbing. I was about to ask her the reason why she was crying pero napunta sa ibang bagay ang atensiyon ko,” she answered.

“And? What about the attic?”

“Iyong lolo kanina, nagbigay siya ng babala na huwag na huwag daw tayong pupunta sa attic?” “May nananahan doong masamang espiritu. Dapat ay hindi ninyo makita ang bagay na iyon doon.” Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ng matandang lalaki kanina. “Sa attic nakatira ang masamang espiritu. Dapat daw ay hindi natin makita ang bagay na iyon doon sa attic. Iyon ang sinabi ng matandang lalaki kanina bago kayo lumapit sa amin.”

“Anong bagay sa attic ang hindi natin dapat na makita?” si Kuya Jack.

“Salamin. Ang antigong salamin!” she exclaimed. Wala namang ibang bagay na naroroon maliban sa mga kahong nagsalansan at ang isang luma at inaagiw na katre.

“Now it make sense kung bakit naroroon iyon sa attic at hindi dinala ng dating may-ari nang ipagbili nila itong bahay-bakasyunan,” si Ryan.

“So, nakita natin ang salamin…ibig bang sabihin may mangyayari sa ating masama?” nakangiwing tanong ni Jerico.

“We need to cut this vacation asap,” wika ni Kuya Jack. Tumango sila bilang pagsang-ayon.

“Pero wala si Manong Gido, dala niya ang sasakyan,” aniya. Nagpaalam si Manong Gido na dadalaw daw muna ito sa relatives nitong nakatira sa Tagkawayan Quezon. Pinayagan naman ito ni Kuya Jack dahil nga isang linggo naman silang mananatili roon at may fortuner naman if ever kailanganin nilang gumamit ng sasakyan kung sakaling may bibilhin sila.

“I will call him para makabalik agad siya. As soon as makabalik siya tatapusin na natin ang bakasyong ito. Meanwhile, iwasan na nating umakyat muli sa attic. We also need to look for each other. Hindi dapat tayong mag-isang palakad-lakad kahit pa sa loob lamang tayo ng bahay.”

“Ikaw ang magsabi sa kanila,” susog niya kay Kuya Jack.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito pagkatapos ay tumango ito.

Nang pumasok sila ay agad na tinawag ni Kuya Jack ang mga pinsan niya. Nasa mukha ng mga ito ang pagtataka sapagkat nakabakas sa mukha ni Kuya Jack ang pagkaseryoso.

“May pa-meeting si Mayor,” Romano cracked a joked. Sinaway niya ito at pagkatapos ay pinandilatan. Nag-peace sign naman ito.

Nang magsimulang magsalita si Kuya Jack at sinabi nito ang na-analyzed nila pati na ang natuklasang pagkamatay ng mga kaibigan ni Ate Carol ay nahihintakutan ang mga ito. Kung naririto nga lamang marahil si Manong Gido ay agad-agad na nag-alsa balutan na sila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Antigo Collection Book 1: Salamin (Chapter 7)

One Response

  1. Ang exciting part Dito sino Ang unang mamamatay sa kanila sa pagkakaalala ko di tumingin si Manong Gido sa salamin dahil nag ayos Siya Ng sasakyan that time so next chap na hahaha

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.