Besties (Chapter 14) At Sa Huli, Tayo Pa Rin Ang Magkakampi

2 pregnant women leaning back against each other

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

HALOS nawala sa sarili niya si Emi. Nagkapit ang mag-ina habang ibinubuhos lahat ng sama ng loob at halo-halong nararamdaman sa mga oras na ‘yon.

Sandali pa at biglang kumalas si Emi sa bisig ng anak at tumayo.

“Kailangang malaman ni Vicky na alam ko na lahat ng kalokohan n’yo!” malakas at matigas na pagkakasabi nito.

Tumayo si Nikko. “Ma… Baka pwedeng—- huwag na lang muna…” sabi nito sa nagmamakaawang boses.

“Anong huwaaaaaag??? Naririnig mo ba sinasabi mo Nikkoooo??? —- ano’ng ginawa n’yo!!!!” galit na galit na bulyaw ni Emi sa anak.

“Ma…”

Nang biglang…

PAK!

PAK!

Dalawang malalakas na sampal ang ginawa ni Emi sa kanang pisngi ng binata.

“Sa tuwing aalis pala si Vicky at—- magsasabi sa akin na may—- aggggghhhhh! Ummmmm!” Paulit-ulit na hinatak at winagwag ni Emi ang damit ng anak. “Sinungaling! Manloloko kayoooooo!”

Napa-upo na lang si Nikko. Umiyak nang umiyak.

“Ano na ngayon? Kapag nalaman ni Carlo ‘yan mag-aaway kayo! Alam mo kung gaano niya kamahal si Vicky! Hmmnn…” Umiiyak na rin ang Emi. Napatukod sa lamesa at gigil na ikinapit ang magkabilang kamay sa mga placemat na nandoon, sabay… “Umn! Umn! Agggggggh! Nikkoooo! Ano’ng ginawa moooo!” Pinaghahagis niya lahat ng mahawakan kay Nikko. “Bakit pinakialaman mo si Vicky!!! Aaaggggggh! Pati ba naman pagka-playboy mo in-apply mo sa kanyaaaa! Aaagggggh! Paano na ngayon????” 

Tumayo si Nikko upang awatin ang nagwawalang ina. “Ma! Ma!” Niyakap niya ito upang hindi na makagalaw. “Ma!”

“Aaaaaah! Nikko! Aaaaahhhh! Hmmmmn! Ano na ngayon gagawin natin?” Tinitigan niya ang anak. “Magagalit si Carlo sa ‘yo…”

“Ma… Alam ko po… Handa naman ako sa lahat ee, handa ako—- kung ano ba gagawin ni Carlo sa akin… Hindi po ako tatakbo— haharapin ko siya, mahal ko ang nanay niya at ready naman ako sa lahat Ma…” paliwanag ni Nikko.

Muli siyang tinabig ng ina. “Bal*w ka! Naririnig mo ba ang sinasabi mo??? May kausap kang tao na pakakasalan mo! Nakakompromiso ka!! At aalis ka ng bansa para kamo sa pangarap mo! Ano na ngayon???? Anooooo????” sigaw ni Emi. “Kaya pala biglang nagbago ang isip mo na umalis—-dahil—- dahil kay Vicky????”

“Ma! Kaya ko naman kunin lahat dito ‘yon hindi pa ako malalayo sa ‘yo!”

“Nikko! Sa akin ba talaga???? Ako ba talaga ang ayaw mong iwan???”

“Ma… Please… Ma, please… Ngayon lang po ako nagkaganito… Ma…Alam n’yo po kung gaano ako kal*ko sa babae, kaya—- please….”

“Nikko! Ang laki ng agwat ng edad n’yo! Sino sa tingin mo ang magiging kawawa pagdating ng araw?? Kawawa naman ang kaibigan ko!”

“Ma! Walang magiging kawawa!”

“Sabi mo lang ‘yan! Katagalan maghahanap at maghahanap ka ng kaedad mo!!!”

“Ma… Ano ba sinasabi n’yo?”

“Sana—- naglaro na lang kayo ee! Sana— pinanindigan n’yo na lang ‘yang init ng katawan na ‘yan! Pero sana!!! Sana—- nag-ingat kayooo! Anak—-ano ba???”

“Ma… Suportahan mo na lang po ako…”

“Suportahan??? Bakit kasi????”

Naputol ang pagtatalo ng dalawa nang mag-ring ang cellphone ni Emi.

“Si—- si Vicky na ‘yan…”

Tiningnan ni Nikko kung sino nag tumatawag, si Vicky nga.

“Aalis na kami!”

“Ma! Ma—- anong aalis?? Ma!”

“Wala akong magagawa Nikko! Kilala mo kapag nagdesisyon ang tita Vicky mo!” Inayos na ang sarili, pinunasan ang mukha na basa ng luha.

“Ma, naririnig mo ba ang sarili mo?” Nilapitan ni Nikko ang ina. “Ma, anak ko ‘yon… Ma… Anak ko ‘yon…”

Nagkatitigan ang mag-ina. Kitang-kita sa mga mata ni Emi ang awa sa anak na bakas naman din sa mga titig nito na seryoso siya sa mga sinasabi niya.

“Ma… Ilihim na lang muna natin lahat, basta—- basta huwag mo pabayaan na alisin niya ang bata…”

“Hmn? Paanong—-“

“Ma, bahala ka na… Pipilitin kong makausap siya tungkol doon but for the meantime, please, Ma… Huwag n’yo po siya pabayaang gawin ‘yon…”

Kumalma ang Emi. “Paano? Eh, aalis na kami ngayon!”

“Sabihin n’yo po cancel, wala— wala kamo ang doktor! Ma, please… Kukuha lang po ako ng tyempo! Kakausapin ko siya kung ano ba ang kondisyon niya para lang ituloy niya ‘yung pagbubuntis na ‘yun… Ma… Please, tulungan n’yo po ako… Mas kilala n’yo ang ugali niya kaysa sa akin…”

Muling lumukot ang mukha ni Emi. “Nakita mo itsura mo ngayon?? Ha??? Nikkooo?? Akala mo kaya mo si Vicky??? Eh, napakatigas ng ulo no’ng imp*kta na ‘yun!”

Sandali pa at naging maaliwalas na ang lahat sa mag-ina. Humupa na ang tensyon at ngayo’y nagtutulong pa sa pagpaplano kung paano ikakansela ang lakad.

Walang tigil sa katutunog ang cellphone ni Emi.

“Ma, sagutin n’yo na po! Baka nakaempake na ‘yun! Alam n’yo naman si gala ‘yun!”

Umirap ang Emi. “Galing noh?? Kaya pala ganoon na lang reaksyon mo! Ikaw pala tatay!”

Napahagikgik ang Nikko, niyakap ang ina. “Ma, naman… Ikaw talaga…”

“Hmn! Ngayon may sabwatan pa tayong dalawa??? Hmp! B*set na ‘yan!”

Niyakap ni Nikko ang ina sabay hinalikan sa noo. “Lab yu, Ma… Lab yu…” Hindi niya napigilang umiyak tuloy.

Sa huli ay tumupi rin ang ina. Kahit kailan ay hindi kayang tiisin ng magulang ang mga anak lalo na kapag may luha ng kasama ang sitwasyon na nangangahulugang; seryoso na ang kalagayan.

SAMANTALA…

“Bakit kaya ayaw sagutin ni Emi—- eh anong oras na? Anong oras pa kami aalis?”  paulit-ulit na dial ni Vicky sa cellphone.

Sandali pa at…

“Saan ka ba kasi pupunta talaga, Ma?” biglang sulpot ni Carlo mula sa likuran niya. 

“Ah… Aalis nga kami ng tita Vicky, mag—- mag-aalis lang muna ng stress anak, medyo—- tumatanda na ako lalo ee!” Ngisi pa kunwari ng Vicky, sabay iwas ng tingin sa anak.

Naupo si Nikko sa tapat niya. “Kailan pa naging stress ang blessing, Ma?” Tinitigan siya ng anak.

“Ble— blessing?” Kunot-noong tanong ni Vicky pabalik.

Inayos ni Carlo ang salamin sa mata. “Bakit kailangan mong alisin ang stress na ‘yan—- eh—- may buhay ‘yan…”

Namutla si Vicky sa tinuran ng anak. “Ugh! H—Huh?”

Marahang inilabas ni Carlo ang puting sobre sabay dahan-dahang itinulak papunta sa harapan niya.

“Sino— sino ang tatay niyan, Ma? Si— si Jocas ba?”

Halos manginig ang buong katawan ni Vicky sa nerbyos. Malakas ang kabog ng dibdib na abot hanggang tenga niya rinig.

Itutuloy…

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Besties (Chapter 14) At Sa Huli, Tayo Pa Rin Ang Magkakampi

2 Responses

  1. Naku Po pano kung sabihin ni Vicky na oo Kay jocas to paktay kang Bata ka for sure mahaba na ganap hahaha pero sa latest update me surrender eme aq nabasa o give up ahh Basta basa next chap hahahaha

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.