MAAGANG tinawagan ni Emi kinabukasan si Vicky upang ipaalam na nakauwi na siya galing sa tatlong araw halos sa ospital.
“Kamusta naman ang gen check mo?” tanong ni Vicky.
Hindi makasagot si Emi dahil sa bitbit ang apo at paulit-ulit na halik ang ginagawa. Tuwang-tuwa naman ang bata at napapahagikgik pa sa kiliti.
“Ahaha! Vicky tumatawa na! Umn! Kamukhang-kamukha ka ng ama mo!” Isang mariing halik na naman ang ibinigay sa apo. “Ang bango! Ummm!” Langhap pa sa leeg ng bata.
Napasulyap si Emi sa kaibigang tahimik lang. Napansin niya kasi na mula dumating ay tila wala sa mood magsalita.
“Speaking of ama— nasaan ang ama nito Vicky?”
“Ha? Wala— maagang umalis,” sagot ni Vicky.
“Bakit parang nakasimangot ka?”
Ngumiwi ang Vicky. Hindi na nakatiis pa at nagkwento na. “Naiinis kasi ako kay Nikko.”
Tumayo si Emi mula sa pagkakaupo sa malaking sofa, lumakad palapit sa malaking pintuan ng kusina at isinayaw-sayaw ang apo.
Naiwang nakaupo lang si Vicky at nakatanaw sa mag-lola.
“Vicky… Akala ko ba nag-usap na kayo nang maayos about sa gagawin niya?”
“Emi, kahit sinong asawa maiinis— magdamag ba naman sila magkausap ni Fey sa phone, tapos— tapos alam mo ba na pitong cakes ang nakansel na orders sa akin dahil sa nakalimutan niyang i-deliver,” mahabang kwento ni Vicky. Nagsasalubong pa ang mga kilay habang nagsasalita. “Tapos— halos ilang araw na laging umaalis na hindi ko man lang alam saan nagpupunta but— tho I know naman kung ano inaasikaso niya, pero— tch! Naiinis talaga ako, Ems!” Mas lalong nalukot ang mukha.
“Nagseselos ang nanay mo, hmn…” Humalik pa sa pisngi ng bata. “Lagot ang tatay mo, walang tabe, ahaha!” Natawang sabi ng Emi.
“Basta! Naiinis ako sa kanya!” Ihinalukipkip pa ang mga braso sabay balibag sa likod pasandal sa sofa.
Sandali pa at…
Dumating si Carlo.
“Morningss! Uy! Si negr* nandito!” bati ni Carlo pagpasok nang makita ang baby. Mabilis na inilapag sa center table ang bitbit na plastic folder. “Ma!” Humalik sa pisngi ng ina, matapos ay… “Emi— may dala akong—” Hahalikan niya sana ngunit mabilis iniwas ang mukha.
Ibinaling ni Vicky ang tingin sa ibang direksyon. Hindi nagpahalata na nakita niya ang naganap na isnaban ng mag-asawa.
Nang ibalik ang tingin ay nakita ni Vicky na nilalaro ni Carlo ang kapatid habang ang mga mata ay nasa asawa. Hindi kasi siya tinatapunan ni Emi ng tingin kahit pa tutukan na ang mga mukha, kunwari’y nasa bata ang atensyon. Sandali pa at kinuha na ni Carlo ang bata para kargahin.
Mabilis na tumalikod si Emi at lumayo matapos ibigay ang batang karga.
“Umn! Ang bango-bango ni negr* ah! Amoy pang-batang kalapati!” Halik pa sa pisngi ng kapatid.
“Carl, iyung mga bigote mo, magkaka-rashes na naman ‘yan!” saway ng Vicky.
“Hmn! Kiss lang! Ang ganda pa ng suot naka-cover all! Pink pa! Ahahay! Angat na angat ang kulay! Ang init-init!” Halik na naman sa pisngi ng kapatid. “Ayaw pagalusan ng nanay mo ang makinis mong balat! Umn! Puti-puti pa naman niyan!” Halik na naman sa kapatid na pinanggigilan na talaga.
Natatawa na lang si Vicky sa kalokohan ni Carlo. Madalas niya kasing asarin ang kapatid dahil sa may kaitiman ang balat nito na nakuha sa amang si Nikko.
Bumalik na si Emi sa sofa at naupo katabi ni Vicky.
Simpleng bumulong si Vicky, “Magkagalit ba kayo ni Carlo, Ems?”
Napasulyap tuloy si Emi. “Hindi ah!” dagliang tugon nito sabay bawi sa tingin.
Umusog pa ang Vicky upang mas lumapit. “Eh, halos mabali ‘yung leeg mo kaiiwas na hahalikan ka sana, hinde?” bulong nito.
Hindi nakakibo si Emi. Pinagmamasdan lang nilang dalawa si Carlo na isinasayaw ang kargang kapatid habang pinupupog ng halik ang buong mukha.
“Ma, anong sabon ni negr*? Pampaputi ba ‘to?” tanong bigla ng Carlo. “Ang bango eh!”
Sasagot na sana ang Vicky nang biglang dumating si Nikko.
“Sabi na nga ba eh! Wala ka sa bahay ha!” masayang bungad nito nang makita ang anak na karga ni Carlo.
Lumapit na muna siya sa ina at asawa na parehong nakaupo sa sofa. Hinagkan si Emi sa pisngi at halos itulak naman siya ni Vicky na akmang hahalikan niya matapos ay tumayo, lumakad diretso papunta sa kusina.
Nagkatinginan ang mag-ina sa nangyari habang si Carlo naman ay p*t*y-batang humalik sa kapatid na bitbit upang iwas pahiya sa kanya ang kaibigan.
Tumayo na lang si Nikko para lapitan ang anak na karga ni Carlo.
“Hello baby… Nangangapit-bahay ka na naman ha!” Halik sa noo ng anak.
“Bro, magkagalit ba kayo ni Mama?” naisingit bigla ni Carlo.
Sumulyap sa kanya ang kaibigan, namulsa at… “Hindi ako kinakausap brader,” pabulong na wika ni Nikko.
Sumulyap ang Carlo sa dalawa na magkatabi na ulit sa sofa.
“Dahil kay Fey,” sabi uli ng Nikko na may panakaw-nakaw pang tingin kay Vicky.
“Ah… Ngseselos, ako nga rin eh!” sagot ni Carlo.
Mabilisang lingon ang ginawa ni Nikko. “Ha? Ikaw din?”
Tumango-tango si Carlo. “Three days kami sa ospital tapos isang tanong isang sagot lang, bilang na bilang ko sa daliri kung ilan ang tanong niya,” kwento na nito sa kaibigan. “Lagi nakaangil.”
“Nagseselos brad? Kanino?” Nakunot-noo pa si Nikko. “May— may nahuli ba, may— may bago kang chics?”
Mabilis naman ang naging reaksyon ni Carlo. “Baliw! Anong nahule— anong bago! Wala akong chics! Bago kasi ‘yung doktor niya, bata pa tapos—”
Singit agad ni Nikko, “Maganda ano?”
Napakabilis namang sumagot ni Carlo, “Super brad! Pang-mis unibers ang beauty!”
Napamulsa ang Nikko. “Talaga? Insecure si Emi! Ahaha!”
Napasulyap ang mga asawa sa kanila.
“Ang harot eh, pero pretty talaga siya, Niks, saka seksi!” Nandilat pa ang mga singkit na mata ni Carlo.
“Sino mas maganda?” Titig ni Nikko.
“Aba siyempre nanay mo!” mabilis pa sa alas-kwatrong sagot ni Carlo sabay halik sa bitbit na kapatid. “Nag-iisa lang ‘yan sa mata ko brad!” Halik na naman sa kapatid na karga-karga.
Simpleng napahagikgik ang Nikko.
Kumislot ang bata. Umingit at nagsimulang mairita sa karga ng kapatid na panay ang halik.
“Nagugutom na ‘yan, Carl, akin na!” Kukunin na sana ni Nikko ang anak nang biglang…
“Ma! Nagugutom na si negr*!” tawag sa inang si Vicky.
Kinapa ni Vicky ang dibdib at doo’y naramdaman na basa na ang damit dahil sa gatas na tumatapon na mula sa s*so niyang punong-puno. Tumayo na ito upang lapitan at kunin ang anak.
“Akin na, inaantok na ‘yan.” Kukunin na sana ang bata nang biglang inilipat kay Nikko.
“Diyan ka sa tatay mo!” sabi pa ng Carlo.
Tiningnan siya nang masama ni Vicky. Hindi na nakaiwas at nakaharap kay Nikko.
“Sa taas mo na lang muna ihiga ‘yan,” sabi kay Vicky habang marahang inaabot ang anak na hindi nilulubay ang titig, tila nanghihingi ng awang tapunan siya ng tingin.
Nang biglang…
“Magkagalit ba kayo?”
“Carl?”
“Ma, magkagalit ba kayo ni Nikko?”
“Carlo tumigil ka!” saway ni Vicky. “Uwi na kame.”
“Dito na kayo mag-lunch! Magluluto ako— medyo maaga pa naman,” sabi naman ng Emi. Tumayo na ito at sa kusina nagtungo.
Nagkatitigan ang Vicky at Nikko.
“Iakyat mo na si negr* sa kwarto Ma, antok na ‘yan! Tingnan mo singkit na!” Halik pa ulit ni Carlo sa kapatid. “Mmmm! Ang bango-bango! Amoy away! Mmmn!”
Hinambalos pa ni Vicky ang nang-aasar na anak. “Umn! Manahimik ka!”
Nagpusa-pusa na ng mukha niya ang bata sa inis. Kanina pa kasi nilalamukos ni Carlo ang maliit na mukha nito.
“Carlo tigilan mo nga! Kapag ‘yang anak mo lumabas na kita mo lang!” singhal ni Vicky.
“Hindi ko papahawak sa ‘yo! Binigyan mo ako ng tip! Ahaha!” tawa pa ni Carlo.
Lumakad na si Vicky para umakyat sa itaas.
“Sundan mo na!” Siniko pa ni Carlo ang kaibigan. “Bilisan mo!”
“Ikaw din! Puntahan mo na!” Suntok kunwari ng Nikko sa dibdib ni Carlo.
Natataranta ang dalawang nanunuyo sa mga kabiyak na nagtatampo. Magawa naman kaya nilang mapasuko ang dalawa?
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




