Besties (Chapter 8) Confessions

2 pregnant women leaning back against each other

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

NAKATAYO si Carlo habang si Emi naman ay naka-upo. Hinawakan pa nito magkabilang kamay ang mukha ni Emi.

Pilit itinutulak ni Emi ang katawan ng binata ngunit hindi nagpa-awat ang binatang mainit na talaga sa mga oras na iyon.

“Carl! Umn!” Pilit niyang itinutulak ang binata habang marahan naman nitong inilalapat ang likod niya sa malaking sofa kung nasaan sila. 

Kahit pa mapilit ay hindi niya kayang salungatin ang malalakas na bisig ng binatang mainit.

At nang makuhang kumawala ng labi ay…

“Umn! Carl anong ginagawa mo?” sigaw ni Emi. Isang huling malakas na tulak ay naialis niya si Carl na kasalukuyang kumukubabaw sa kanya. Matapos ay mabilis siyang tumayo kahit na masakit ang paa. “Lumayas ka! Alis! Layas!” Singhal niya sa binata.

Parang natauhan naman si Carlo. Napatakip ng kamay sa kanyng bibig.  “Tita Ems, sorry—- ugh! Sorry!!” Napakapit pa sa kulot niyang buhok. “Lgot ako ky—Nikko neto kapag nalaman!” 

“Umalis ka na Carlo, sige— sige na!” Nangangatal ang buong katawan ni Emi. Hindi niya malaman kung maawa ba siya o magagalit, dahil sa…

“Tita Ems huwag n’yo po sasabihin kay Nikko! Please! Magagalit po sa akin ‘yun! Sorry— sorry pero—-” Pinagdikit pa nito ang dalawang palad para magmakaawa at humingi ng paumanhin.

Napatakip si Emi sa bibig niya, naiiyak na. 

“Pero matagal na kitang gusto, matagal na matagal na, ayoko lang—- kasi magagalit sa akin si Nikko,” sabi ni Carlo. Naluluha na rin ang mga mata.

“Carlo, ano ba sinasabi mo?” 

Dinampot ni Carlo ang sandong nailapag niya sa sofa, at, “Sorry, tita— pero—- mahal kita, matagal ko na inililihim ang nararamdaman ko sa ‘yo kasi—- alam ko magkakagulo tayo eh, maga— magagalit si Nikko sa akin,” nauutal na sagot niya.

Hindi nakapagsalita si Emi. Tumuloy na lang siya sa paglalakad.

“Tita Emi!” Habol ni Carlo. “Emi mahal kita! Sabihin mo ng bastos ako pero totoo! Matagal ko na ‘tong pinipigilan pero habang tumatagal lalo lang ako nahuhulog sa ‘yo eh!”

Huminto si Emi pagdating sa ikatlong baitang. “Bakit Carl? Bakit ganoon?” 

Pinunasan ni Carlo ang mga mata. “Mahirap pala— ayoko masira kami ni Nikko kaya hanggang kaya kong pigilan tinitiis ko, pero—- ang hirap eh! Lalo na kapag nakikita kita na may kasama!” Malakas na boses nito. “Kulang na lang sabihin ko kay Mama na huwag kang bigyan ng lalake kasi nga mahal kita! Mahal nga kitaaa!”

Halos maiyak na si Emi. Naghahalo ang emosyon niya sa mga oras na iyon. Hindi siya makapaniwala na nagtapat sa kanya ang binata.

“Sorry… Sorry—- kung—- mali ba…” Sandali pa at umalis na lang bigla si Carlo.

“Carlo…” Parang gusto niyang habulin ang binata. “Carl..” 

Dahil sa..

“Mahal din kita… Uhumph! Vicky— sorry…”

LONDON…

HINDI maipinta ang mukha ni Vicky. Maaga pa lang ay nakasimangot na ito habang nakapamintana.

“Bakit?” tanong ni Nikko na kasalukuyang nag-aayos na ng gamit. “Nag-usap na tayo hindi ba?”

Hindi naman kumibo si Vicky. Hindi kasi natuloy ang pagiging tattoo model niya. Kumuha ng iba si Nikko, eksakto namang may kaibigan silang British National na willing sumabak sa tatuan.

Nilapitan tuloy siya ng binata, at, “Huy! Galit ka ba?” tanong nito matapos ay niyakap ang balakang mula sa likuran. “Ngayon naintindihan ko na si Jocas,” bulong niya. “Totoo pala ang sinabi niya na hindi ka papayag na dumihan ang balat ng gf mo.” Hinalikan niya sa buhok si Vicky.

Matabang naman na sumagot si Vicky, “Gf? Sira ka na talaga Nikko,” sabi nito. “Pag-uwi natin sa Pilipinas sa tingin mo mahahawakan mo pa ako ng ganito?”

“Bakit naman hindi?” mabilis na sagot ng binata. “Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan, and if mangyari man ‘yun sure ako na ikaw ang iiwas!”

“Oo naman! Paano kapag nalaman ni Carlo? Ano gagawin natin?” seryosong sabi ni Vicky, inalis niya pa ang pagkakayakap ni Nikko sa beywang.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Nikko.

“Ayokong magalit ang nanay mo sa akin,” sabi ni Vicky.

Namulsa si Nikko.

“Nagu-guilty ako sa nangyari,” sabi uli ni Vicky. “Dapat nagpigil tayo.”

Hindi kumibo si Nikko, bagkus niyakap lang siya sabay hinalikan sa noo, at, “Halika na, baka ma-late tayo,” sabi nito matapos ay hinawakan ang kamay ni Vicky.

Binawi ni Vicky ang kamay sa binata. “Hindi na ako sasama, dito na lang ako,” sabi niya. “Wala naman akong gagawin doon eh!”

Napatapik si Nikko sa noo niya sabay mabilis na kamot sa mahabang buhok ang ginawa.

“Umalis ka na! Baka mahuli ka, sleep na lang ako dito!” Ismid pa ni Vicky.

“Hooooh!” Hinga ni Nikko. “Ito naman eei!”

Tinitigan siya nang masama ni Vicky.

Tumiklop agad ang binata. “Sige na nga! Baka pagbalik ko nasa Pilipinas ka na ah!” sabi pa nito.

Inirapan lang siya ni Vicky.

“Sige na! Sige na! Lab yu na! Umn!” malambing na sabi ni Nikko sabay halik sa labi ni Vicky.

Simpleng napangiti naman siya. Hindi niya maitatanggi ang nararamdaman sa binata at alam niya sa sarili na mali nga ngunit gusto niya rin.

PHILIPPINES, 11:00 PM

HINDI nakatiis si Emi na hindi umalis ng bahay. Kailangan niyang mai-deliver lahat ng orders at dahil sa mga regular customers ay hindi dapat ma-delay. Kaya at kahit na sobrang hirap ay wala siyang nagawa.

Gabi na rin sila nakatapos at nakauwi. Sinamahan at hinatid pa rin siya ni Carlo kahit na ayaw niya. 

“Aah.. sakit,” bulong ni Emi. Naupo agad siya sa sofa, iniunat ang namimitig na paa.

Naroon lang si Carlo at tahimik na nag-aayos ng mga gamit na inuwi nila. Nang matapos ay nakita niyang halos malukot ang mukha ni Emi sa sobrang sakit ng paa, agad niya itong nilapitan.

“Masakit pa ba?” tanong niya sabay luhod para abutin ang paa ni Emi upang hubarin ang suot nitong manipis na sandals.

“Ugh! Carl…” Babawiin pa sana niya ang paa sa binata, ngunit sumagi sa isip niya ang nangyari kanina. Nakaramdam siya bigla ng awa.

Sa buong maghapon kasi ay hindi talaga sila nag-usap.

Nang maialis ni Carlo ang mga sandals ay marahan niyang iniikot ang bandage sa kanang paa ni Emi na apektado. Tahimik lang ang dalawa. Kahit pa iwasan ay hindi magawa ni Emi, kusang bumabaling ang mga mata niya sa bawat kilos ng binata. Hanggang sa..

“Ikukuha lang kita ng hot compress, stay mo lang siya na nakapatong dito sa lamesa,” mahinang pagkakasabi ni Carlo.

Tumango lang si Emi. Lumilipad ang isip niya sa mga sandaling iyon, hindi niya makalimutan ang naganap kaninang umaga. 

Idagdag pa na kakaiba magsalita si Carlo sa mga oras na ‘to. Malambing maging ang mga kilos nito.

“Umn…” Bigla siyang napahaplos sa mga labi. Naalala niya ang mainit na halik ni Carlo kanina.

Sandali pa at bumalik na si Carlo dala ang hot compress bag. “Lagyan lang natin nito para mawala lang pagod niya.” Lumuhod na ulit. “Napagod lang ‘yan.”

Marahan niyang iniangat at ipinatong sa tuhod niya ang kanang paa ni Emi.

“Aah.. Sarap,” bulong nito.

Nakatuon lang ang atensyon ni Carlo sa ginagawa habang si Emi naman ay pinagmamasdan lang siya. Nakapusod pataas ang kulot na buhok nito kaya kitang-kita ang magandang hilatsa ng mukha.

“Ayan tita, mahiga ka na muna para makapagpahinga. After an hour pwede mo na ipaligo ‘yan.”

Marahang inilapat ni Emi ang likod sa sofa. Inalalayan naman ni Carlo para maiangat ang kanang paa niya.

At muli; nagtama ang kanilang paningin. Hindi malaman ni Emi kung ano ba ang tumama sa kanya at natagpuan niyang sinasalubong niya rin ang nakakaakit na titig sa kanya ng binata.

Sandali pa at nang mailapat na ni Carlo ang likod ni Emi sa sofa ay…

“Emi…”

“Ugh! Carl—-“

Itinukod at ikinulong ng binata sa dalawang braso niya si Emi na kasalukuyang nakahiga habang siya ay nasa itaas nito dahilan upang maging tutukan ang mga mukha na halos isang dangkal lang ang pagitan.

“Carl—- umuwi ka na…” Pilit niyang iniiwas ang mga mata sa nakatutunaw na titig ng binata.

Ngunit…

“Emi… Papayag ka bang maging girlfriend ko?”

Napaigkas si Emi paupo, nagkauntugan pa sila. “Carl— ano ba pinagsasabi mo? Kanina ka pa—-“

Hindi niya na naituloy pa ang sinasabi dahil sa isang mariing halik na ang itinugon ng binata. Sa pagkakataong ‘yon; hindi na siya tumanggi pa.

Muli siyang inihiga ng binata at ikinulong sa mga bisig habang ibinibigay ang maiinit niyang halik.

Sandaling nagbitiw…

Nagkatitigan…

At…

“Carl— anong ginagawa natin?” Hinawakan pa ni Emi ang mukha ng binata. “Lagot tayo sa nanay mo—“

“Ako rin naman… Lagot ako sa anak mo…”

Muling nagdikit ang mga labi nila.

Hindi na rin napigilan ni Emi ang sarili. May nararamdaman din siya kay Carlo at hindi niya naman maipagkakaila.

“Umn.. Carl… Lagot tayo sa mama mo…”

“Huwag na nating pigilin pa, mag-ingat na lang tayo…” Tumitig kay Emi. “Hindi ko na kaya pa… Hindi na ako papayag na hindi matutuloy ‘to… Mahal kita… Emi— mahal kita…”

Ibinaba ni Carlo ang maiinit at mahihigpit na kapit sa katawan ni Emi. Habang magkadikit ang labi ay malayang dinadama ng mga kamay ng binata ang bawat parte ng katawan na magpapaligaya sa kanila.

Hanggang sa…

Tumayo ang binata. “Akin ka muna buong magdamag…” 

“Carlo—- jusko po!”

Halos hindi nakagalaw si Emi nang tumambad na ang matipunong katawan ng binata sa harapan niya.

“Jusko—- Carl— Vicky—-“

Ang naudlot na sandali kanina ay nadugtungan na. Mga katawang nanabik sa mainit na kapit ng isa’t isa ngayo’y matitikman na.

At sa huli…

“Vicky… Sorry…”

Nakalimot na sila.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Besties (Chapter 8) Confessions

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.