Dear Self Stay Single (Chapter 18)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

18 | Surprises

 

Dear Self,

I know you have what it takes to rule and be queen. You’ve made bad decisions and mistakes, but don’t underestimate yourself. You can do better than that and you know it deep in yourself. Make your weakness as your strength.

 

Love,

Savannah

***

 

“Teka, may lakad ka ba?” tanong ni Jena habang mabilis kaming naglalakad papunta sa elevator. “Nagmamadali ka yata?”

“Alam mo namang nag-two hours OT tayo,” pagod kong sagot sa kanya sabay pindot sa arrow down sa elevator. “I want nothing but a quick getaway.”

Thursday ngayon at nag-file ako ng vacation leave hanggang Pasko. Pareho kami ni Jena at agad naman kaming pinayagan ng boss namin. Ang last request niya lang ay ang mag OT sa last day namin bago ang bakasyon.

“E kamusta pala yung reunion niyo last weekend? Nakakuha ka ba ng love life sa mga dati mong college friends?” usisa niyang tanong.

Pumasok kami sa loob nang magbukas ang elevator. Ang totoo e tinawagan ako ni Sabel kanina para sabihing nagpunta sa bahay si St. Pierre para ipagpaalam ako sa date. Nagkataong wala si Papa dahil nasa resort sa Pansol. Agad namang pumayag ang kapatid ko. Hindi ko lang alam kung seryoso ba siya dahil paulit-ulit niyang sinabi na oras na raw para kiligin ako muli.

Napangiti na lang ako sa sarili ko.

“Uy, anong ngiti yan?” tugon ni Jena, nakaturo sa akin. “Oh-my, Savy, may date ka ngayon ‘no? College friend? Ex? New guy?”

Bumukas ang elevator at nauna akong lumabas kay Jena, hindi sinasagot ang mga panunukso niyang tanong.

Bumungad sa amin si St. Pierre na kumportableng nakaupo sa lobby area. Halata kong sinundan ng tingin ni Jena ang tinitingnan ko. Siniko niya ako at ngumuso sa direksyon ni Dax.

“Kilala mo?” bulong niya.

“Shh, wag ka munang maingay,” sabi ko. “I’ll introduce you.”

“Hello Sevannah,” bati ni Dax, nakapaskil ang maaliwalas na ngiti sa labi.

“Si Jena, friend ko,” pakilala ko naman agad.

“My name’s Dax. It’s a pleasure to meet you,” nakipagkamay siya. Laging napakapormal.

“Hi,” matinis na sambit ni Jena. Tinitigan niya si Dax. Iginala ang mata mula ulo hanggang paa. “Are you gonna date Savannah?”

“Yes, if that’s okay,” sagot niya agad.

Tumahimik ako sa pwesto ko at pinanood lang muna silang dalawa.

“I’m not sure if you two have plans today, and I don’t want to be rude, but I really want to take her with me. This is just the third time we’ve seen each other after four awful years.”

Napakagat ako ng labi. Bossy and demanding. Pareho sila ni Jena. Sino kaya ang susuko?

Muli, siniko ako ni Jena at bumulong, “Mukha ‘tong may lahi. Phil-Am ba ‘to? Nakakaintindi ba ‘to ng tagalog?”

Nagpigil ako ng tawa. Hindi blonde ang buhok ni Dax at hindi rin blue ang mata. Pero dahil may kataasan siya, matangos ang ilong, may ere siyang dala na nagsasabing ‘foreigner’ang kanyang ama. Dahil na rin sa slang niyang ingles.

Ngumiti si Dax, halatang narinig niya si Jena. “My mother’s Filipina. My father’s French,” sagot niya. “At, oo, nakakaintindi ako ng tagalog,” tuwid niyang sinabi sa wikang Filipino.

“Shemay, akala ko mauubusan ako ng ingles pag pinagpatuloy ko ang pakikipag-usap sa ‘yo,” sambit ng kaibigan ko. “Go and have fun sa date niyo. Make sure you’ll take care of her.”

Nag-salute sa kanya si Dax. “Yes, ma’am.”

Bumeso sa akin si Jena, may ngiti sa labi. “Girl, ang gwapo niyan,” bulong niya at saka kami iniwan.

“Anong balak mo?” tanong ko.

Sabay kaming naglakad papunta sa labas ng building.

“Ang pasayahin ka,” banat niya.

Umikot ang mata ko sa sagot niya. “Ang cheesy mo.” Pero aaminin kong napangiti ako.

Tumawa siya sa reaksyon ko at sumakay kami sa kotse niya. Sa highway pa lang, grabe na ang traffic. Kaya naman nagulat ako at kinabahan nang sabihin niyang pupunta kami sa beach sa Quezon.

“Seryoso ka ba?”

“Oo,” sagot niya. Nagpatugtog siya habang stuck kami sa traffic. “Relax ka lang. Dito lang naman ang traffic, sa express way, hindi na.”

“Pero ano ang gagawin natin sa beach?” tanong ko, may kaba sa dibdib. “Tayong dalawa lang ba?”

Inayos ni Dax ang rear view mirror niya at saka sumulyap sa akin. “Gusto mo ba may kasamang iba?”

Hindi ako agad nakasagot. Puro pintig ng puso ko ang tangi kong naririnig.

“Hey, Sevannah, relax ka lang. Magliliwaliw lang tayo sa beach. Ibabalik kita sa inyo bukas. Kaya nga ipinagpaalam na kita kay Sabel since wala yung dad mo kanina.”

“I get that part,” sagot ko. “Pero bakit tayong dalawa lang?”

Ngumiti siya. “I want some alone time with you.”

Naloloko na ba ‘tong mokong na ‘to?!

Tumawa siya sa nakitang reaksyon sa mukha ko. “Nagbibiro lang ako,” sambit niya. “Totoong pupunta tayo sa beach pero dahil ‘yon sa ipapakilala kita sa family ko.”

Tinuro ko ang sarili ko. “Ako?!”

Kumunot ang noo niya. “Oo, ikaw, Sevannah. May iba pa ba?”

Pinalo ko siya sa braso. Parang ang bilis naman ata ng progress namin? “H-hindi mo pa naman ako girlfriend, e… Bakit meeting the parents agad?”

Napaisip siya saglit. “E di ipapakilala kita bilang isang babaeng nililigawan ko. Ayaw mo ba?”

“Gusto,” pabulong kong sagot.

“Then stop being so nervous,” sabi niya. “Seryoso ako nung sinabi kong hanggang ngayon gusto kita. At tingin ko hindi na dapat tayo nagsasayang ng oras.”

“I’m  not nervous.”

Nagpigil siya ng tawa. “Alright, then.”

Nakaraos kami hanggang makarating sa toll gate. Pero kahit sa express way, masyadong marami ang sasakyan kaya naman mabagal ang takbo ng bawat isa. Kahit na ganoon, hindi ko rin napansin ang ilang oras na byahe dahil sa kwnetuhan namin ni Dax sa loob ng sasakyan niya.

  • – – –

 

9:00 pm.

Pinapasok kami ng guard at agad nakipag-usap si Dax sa receptionist. Rinig na rinig ko ang alon na nagmumula sa dagat. Tanging Christmas Lights sa magkakalayong coconut trees ang nagsisilbing liwanag sa beach resort. Sa di kalayuan ay naaninag kong mayroong bonfire at ilang grupo ang nagsasaya sa tabi ng dagat.

Inihatid kami ng isang matandang babae sa cabana. Napapaligiran ito ng kurtina sa bawat haligi. May isang malaking kama sa gitna at may nakahandang puting kulambo sa taas.

“Naka-check in sina Mama sa kabilang side. Mas malaking cabana. Naka-reserve sa atin ‘tong medium-sized cabana.”

“Dito tayo… matutulog?” paninigurado ko.

Tumango lang siya at inilapag ang bag ko at mga gamit niya sa loob. Wala pang isang minuto ay may dumating na isang babae.

“Dax, anak?”

Hinawi agad ni Dax ang kurtina na nagsisilbing pinto ng cabana.

“Ma,” sagot niya. Lalong sumaya ang mukha niya nang masiguradong Mama niya nga ang nasa labas. Humalik siya at nag-mano.

Agad naman akong sumunod kay Dax sa labas. Magaan siyang umakbay sa akin at ipinakilala ako sa kanyang Mama. Bilang respeto, nag-mano rin ako.

“Good evening po,” bati ko.

Kumapit siya sa bewang ko, may ngiti sa labi. Sa maliit na sinag ng liwanag, pansin kong pareho ang ngiti nilang mag-ina. Tanging iyon lang ang nakuha ni Dax sa kanyang Mama, bukod sa itim niyang buhok. “Nako, excited na silang makilala ka. Walang ibang bukambibig itong anak ko kundi puro ‘Sevannah’.”

“Ma- “ pag-aawat ni Dax. Tinawanan lang siya ng kanyang Mama.

Dumiretso kami sa isang bahagi ng resort kung saan may ilang hanay ng kainan. Napayakap ako sa sarili ko dahil na rin sa malamig na hangin. Pumasok kami kung saan nakalagay ang ‘Seafood Haus’ sa bungad pa lamang at pina-upo ako ng kanyang Mama sa bakanteng upuan. Nakita ko si Migs sa kabilang dulo, may ka-holding hands na lalaki. Kumaway siya sa akin bilang pagbati.

Hindi ko inasahang halos buong angkan nila ang naroon. Ipinakilala ako ng Mama ni Dax sa bawat isa. Lahat sila ay nakangiti. Lalo na si Celestine na kakambal ni Dax. Naka-wheel chair siya, halatang may dinaramdam, pero hindi nagpadala at kinausap ako ng kinausap tungkol sa mga romance novels kahit paos na ang kanyang boses at hirap magsalita.

Ramdam na ramdam ko na welcome ako sa pamilya niya. Nakakainit ng puso, sa totoo lang. Dahil hindi ko gaano naranasan ang magkaroon ng ina. At ang bawat himas ng Mama ni Dax sa akin, bawat ngiti, bawat kwento, bawat pag-aasikaso, nakaramdam ako ng pangungulila sa sarili kong ina.

Nang matapos ang saglit na kamustahan at kainan, bumalik na kami ni Dax sa cabana na talagang Mama niya ang nag-reserve para sa amin sa pag-aakalang nobya na raw ako ng anak niya. At malaki na raw kami para pagkatiwalaan.

“Nabigla ka ba?” tanong niya habang inaayos ang puting kulambo palibot sa malaking kama.

Napahimas ako ng batok sa sobrang pagod sa araw na ito. “Sobra,” sagot ko. “Hindi mo man lang sinabi na buong clan niyo pala ang ipapakilala mo. Akala ko mama mo lang at si Tine.”

Ngumiti siya at umupo sa tabi ko. Pinabaunan siya ng kapatid ko ng pamalit na damit, kasama ang pantulog. At ang pantulog na ibinigay ni Sabel e maikling silk dress, peach ang kulay. Halatang binebenta na niya ako kay St. Pierre kahit alam niyang malamig ang panahon.

“Reunion kasi to sa side ni Mama,” sagot niya sa akin. “Sorry if I caught you off guard. Gusto lang talaga kitang ipakilala sa mom ko.”

Niyakap ko ang unan na si Dax mismo ang nagdala para na rin takpan ang sarili ko. “Okay lang yun. Actually, nakaka-overwhelm kasi lahat sila pinaramdam na welcome ako.”

Tumingin siya sa akin. Iyong tingin na handa siyang makinig sa kung ano man ang sasabihin ko.

“You know what,” panimula ko, “I am thankful na pinakilala mo ako sa kanila. Especially to your mom. Muntik ko na makalimutan yung pakiramdam na may nanay.”

Alam kong nabibiyak na ang boses ko. Hindi ko naman ginustong maging ma-drama sa harap niya. Pero sobrang nangungulilala ako kay Mama. Ang nakalulungkot lang, hindi ko na siya maipinta sa isipan ko. Blurred na ang mga alaala ko sa kanya.

Hinalikan niya ako sa noo.

Naramdaman ko ang pagsikip ng tiyan ko.

“It’s fine not to be always ‘okay’, remember?” bulong niya sa akin.

Tumingin ako kay Dax. Pinagmasdan ko ang makapal niyang kilay, ang mahaba niyang pilik-mata at ang malambot niyang labi. Hindi ko maipaliwanag pero sa kanya ko lang kayang gawin ang makipagtitigan ng hindi nahihiya o naiilang.

Pabiro ko siyang sinampal ng mahina. “Ayan ka na naman sa halik mo,” pagsita ko sa ginawa niya.

Umiwas ako ng tingin at niyakap ang binti ko, nakapatong ang baba sa tuhod.

“Hindi ‘yon kiss, Sev,” diin niya.

“Hinalikan mo ‘ko sa noo. Ano ang tawag mo dun?”

Nagkibit-balikat siya. “Greetings.”

Ibinalik ko ang tingin sa kanya. “Greetings?”

“Oo, parang beso.” Confident ang tono ng boses niya. “Ganun ang beso nating dalawa.”

“It’s not,” pagpipilit ko. “Kiss ‘yon kahit ano pa ang sabihin mo.”

Ngumiti siya. Kita ko sa mga mata niyang may gusto siyang gawin. Ikinulong niya ang mukha ko sa malaki niyang mga kamay at hinalikan ako sa magkabilang pisngi. “Anong tawag dun? Beso,” sagot niya sa sariling tanong. Tapos ay mabilis niyang dinampi ang labi niya sa labi ko.

Lalong nanikip ang tiyan ko. Hinalikan na naman niya ako.

At hindi ka na naman pumalag, sambit ng utak ko.

“Again, it’s a form of greetings,” pagsasadula niya.

Pinalo ko ang kamay niya para bitiwan ang pagkakakulong sa mukha ko. “’Yan ka na naman, Dax. Halik ang tawag doon!”

Tumawa siya sa reaksyon ko.

“Umamin ka nga, bakit mo ‘ko hinalikan noong naglaro tayo sa rooftop?”

Tumaas ang kilay niya. “Because I want to kiss you.”

“Akala ko ba hindi yon type ng kiss? Kasasabi mo lang!” pangungulit ko.

“Bata pa ako nun, so, hindi ko pa masyadong alam. Still not a real kiss, though.”

“Uh,” napabuntong hininga ako sa mga sinasabi niya. May oras na gustong-gusto niyang nakikipagtalo sa akin. Tulad ng mga sandaling ito. “At ano ang real kiss para sa ‘yo?”

“French kiss, since I’m half French,” walang pagdududa niyang sagot. “Passionate kiss, pwede rin. But not just a smack.”

“Alam mo, St. Pierre, inaantok ka na siguro,” sabi ko sa kanya. Napakagat siya sa labi habang nakatingin sa akin.

“Alam mo, para maintindihan mo, willing akong i-demo sa ‘yo yung differences nila.”

Ako naman ang natawa. Na may kahalong kaba. “Hindi na kailangan.”

Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya naman napa-atras ako. “Why? You don’t know how to?”

I know he’s throwing it as a challenge.

“Grabe, ibang-iba na yung confidence mo ngayon, Dax,” natatawa kong sagot. “Gusto mo lang ako halikan siguro,” diretso kong pagtataray sa kanya.

Dahan-dahan siyang tumango. “I do want to kiss you right now,” mahina niyang sagot.

Natigilan ako ng ilang segundo. “Okay,” kabado kong sambit.

Siya naman ang hindi agad nakasagot. “Okay? ‘Okay’ like I can kiss you right now?”

Tumango lang ako bilang sagot bago pa ako mahimasmasan at umatras na lang ulit. Pumikit ako nang papalapit na siya sa akin.

Naghintay ako habang pinakikiramdaman ang tila naghahabulang pintig ng pulso ko.

Naramdaman ko ang labi niya. Doon tila huminto ang oras at ang mundo ko. Unti-unti, dahan-dahan, naramdaman ko ang init ng bibig niya lalo’t naglapat ang aming dila, nagsasayaw sa musikang tanging kami lang ang nakaririnig. Ramdam kong hinawakan niya ang gilid ng aking mukha, malambot na haplos ng mga daliri niya ang dumadaloy sa aking leeg. At habang sinusundan namin ang ritmo ng halik, kasabay noon ang pagkalma ng dumadagundong kong puso. Mabigat pa rin ang bawat pintig, pero hindi na kasing bilis tulad ng kanina.

Madiin ang naging halik niya. Para bang pinupunan ang uhaw na nararamadaman. Numinipis ang bawat paghinga ko. Ramdam ko ang mabigat na dagundong ng pulso niya nang ibaba ko ang kamay ko sa kanyang dibdib. Ibinaling niya sa kanan ang kanyang ulo para halikan ako sa ibang anggulo at saglit nagtama ang aming ilong. Alam kong nanlamig ang mga palad ko, ngunit hindi ko masagot kung dahil ba sa panahon o dahil sa sabik sa puntong ito.

Ang totoo, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng halik.

At nasagot ko na rin ang tanong ko dati habang tahimik na magkalapat ang labi namin ni Dax dahil sa dare game. Ganito ang pakiramdam ng isang tunay na halik. It’s wet and it’s messy but it feels really good.

 

Next to: Dear Self Stay Single (Chapter 19)


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Dear Self Stay Single (Chapter 18)

One Response

  1. Ang tamissss🤣🤣🤣kinikilig aq shete😝 naalala ko unamg sagupaan namin sa laplapan ni hubby nung magbfgf palang kami bwahahaha eng sherep😝

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.