NAPATIGIL sa paglalakad si De-rek nang matanaw ang papalapit na si Jessica. Hindi pa siya na-kikita nito dahil nakayuko ang ulo nito habang naglalakad. Puwede pa siyang lumihis ng daan pero hindi niya ginawa. Ibig niyang makita ang reaksiyon ng asawa oras na makita siya.
Siguro, hindi man magulat ay maiinis ito. Sana naman ay hindi siya sumbatan o angilan nito dahil magtataka ang mga kasama nila sa oras na gawin iyon ng kaniyang asawa. Maaari rin namang hindi siya pansinin nito gaya ng paniniwala ni Frank.
Ilang metro na lang ang layo nila sa isa’t–isa ni Jessica nang magtaas ito ng paningin at nag-tama ang kanilang mga mata. Kinabahan siya at ilang saglit na nahigit niya ang hininga sa takot na gumawa ito ng eksena. Kaya labis siyang nagtaka nang ngumiti ito. Pasimple siyang lumingon sa likuran pero wala namang kahit sino roon na maaaring ngitian ng kaniyang asawa.
“Hi, Derek!” wika nito. Naka-ngiti talaga ito.
Hindi agad siya nakasagot sa pagkabigla. Mahina siyang hi-nampas ni Jessica sa dibdib.
“Kumusta ka na?” tila walang ano mang tanong nito.
Mabilis niya itong napasa-dahan ng tingin. Hindi niya maikakailang napakaganda pa rin ni Jessica. Ibig nga sana niya kurutin ang sarili dahil tila siya nananaginip habang nakatitig sa maamo nitong mukha. Itong–ito si Jessica noong mga panahong nabaliw siya rito. Ang nangu-ngusap nitong mga mata, ang katamtaman sa tangos nitong ilong, sadyang mapupula at tila perpektong mga labi at higit sa lahat ay ang mga biloy nito sa ilalim ng mga mata, sa mismong cheekbones nito, itong–ito pa rin si Jessica!
“A–ayos naman…” nauutal niyang sabi na hindi maiwasan ang mapalinga. Sa mga mata ng mga naroon ay sigurado siyang katawa–tawa ang reaksiyon niya nang mga sandaling iyon. “Ikaw, kumusta ka na?” nagawa niyang idugtong.
“Ayos naman. Dito na nga pa-la ako namamasukan. Hindi ba nabanggit ni Frank?” masigla pa rin nitong tanong na tila ba hindi siya nito binubulyawan noon.
“Ah eh…”
“Anyway, dito na nga ako. Nagpapasalamat nga ako sa kan-ya na tinanggap niya ako dito kahit kulang ang experience ko. Napakalaki ng utang na loob ko kay Frank at handa kong bayaran iyon sa ano mang paraan na kaya ko.”
Napatitig siya sa magandang mukha nito. Hindi maiwasang may malisyang pumasok sa isip niya nang maalala niya ang napag–usapan nila ni Frank pero pilit niya iyong iwinaksi sa isip. “Pinaputol mo?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang buhok nito. Bahagya pa niyang naimostra dito ang sinasabi sa pamamagitan ng paghaplos sa sariling ulo. He actually wanted her hair long and straight.
“Oo. Maganda, ‘di ba?” tila bata nitong tanong na hinaplos pa ang sariling buhok.
Hindi niya alam pero tila may nagbangong inis sa dibdib niya. Matagal na pinahaba ni Jessica ang buhok nito dahil na rin sa kagustuhan niya. Pero wala na sila nito. Tapos na ang relasyon nila bilang mag–asawa kaya bakit pa nga nito panananatilihing ma-haba ang buhok nito? Natural ay balewala na rito ngayon ang lahat ng gusto niya.
Hindi niya napigilang sulya-pan ang mga kuko ni Jessica at lalo na siyang naunsyami nang mapagtantong mahahaba na at well-manicured pa ang mga iyon. Ganoon rin ang mga kuko sa mapuputi nitong mga paa. May design pa ang mga toe nails nito na ibig niyang ikairita.
Ano ba ang dapat niyang i-pagtaka? Bukod sa sarili ay wala nang ibang iniintindi sa buhay si Jessica ngayon. Wala na rin ang mabibigat na pantalon na dati ni-tong nilalaban. Hindi na rin nito kailangang pahirapan ang sarili sa pagluluto at paglilinis dahil wala na siya sa buhay nito.
“Maganda pero mas maganda ang mahaba,” hindi niya napi-gilang ikomento.
“Sa’yo siguro, but I think it’s about time I need to change some of my preferences. We both need to move on, right?” tugon nito na sinundan ang hinahayon ng kaniyang tingin.
Wala sa loob na napatango siya. Ilang sandali nang wala sa kaniyang harap si Jessica ay hindi pa rin niya mapaniwalaang nag-kausap sila nang kaswal nito. He suddenly missed her. Kailan ba hindi? Kaya lang ay parati niyang nilulunod ang sarili sa alak sa tuwing sasapitin ang bahay. Kailangan niya iyon para hindi siya dalawin ng mga alaala nito sa gabi. Pero ngayon ay duda siyang magagawa niya ulit iyon.
MALAKAS na tawanan nina Do-rie at Rina ang pumuno sa ka-buuan ng silid ng bahay na inu-upahan ni Jessica. Inilahad niya sa mga ito ang reaksiyon ni Derek sa una nilang engkuwentro sa opisinang pinapasukan. Ang totoo ay alam niyang nakita siya nito, maging noong unang araw na nagpunta siya sa opisina ni Frank. Nagkunwari lang siyang hindi niya ito nakita at dire–diretso siyang pumasok sa opisina ng sadya. Halos mag-tumbling siya sa tuwa nang hindi pa siya nagta-tagal sa loob ay pumasok na sa loob ang secretary ni Frank at may naghahanap daw rito sa labas na tila ayaw naman nitong sabihin kung sino.
Alam niyang si Derek ang naghahanap at gustong kumau-sap kay Frank. Alam din niyang tungkol sa kaniya ang pinag–usapan ng mga ito. Natural, hindi magugustuhan ni Derek na ma-kita siya araw–araw. Baka nga kinumbinsi pa nito si Frank na huwag siyang tanggapin kaya laking pasasalamat niya nang nakangiting nagbalik sa loob ng opisina ang lalaki.
Wala itong ano mang nega-tibong sinabi. Bukod sa nature ng trabaho at suweldo ay wala na itong ibang i-d-in-iscuss sa kaniya. Gayon man ay hindi nito nali-mutang imbitahan siyang luma-bas para kumain na magalang naman niyang tinanggihan. Ang sabi niya ay may nauna na siyang kausap pero bukas siya sa mga susunod na araw para rito. Nasiyahan naman ito sa sinabi niya at nakangiting ipinahatid siya sa sekretarya nitong si Melba.
“Parang nakikita ko na kung paanong nanlaki ang butas ng ilong niya sa panghihinayang sa’yo, sis!” sabi nang natatawang si Dorie.
“Sinabi mo! Aba eh sino ba ang hindi manghihinayang eh tingnan mo naman ang sister natin, kagandang babae!” sudlong naman nang sumesenyas–senyas pang si Rina.
Natawa siya. “Hay naku, e-wan ko ba kung bakit ako nakiki–ride sa topak ninyo! Kung ako lang siguro eh malamang na umuwi na lang ako ng Taguig gaya ng nauna kong plano.”
“At ano ang gagawin mo doon? Magmama–asim?”
Sabay na napakunot ang noo nila ni Rina. “Anong magmama–asim?”
“Magbuburo!”
Kinuha niya ang isang unan at pabirong inihagis kay Dorie.
“Pero puwera biro Jess ha, ano ang tingin mo kay Frank? He’s a good catch, I guess…”
“Ako ba ang sasagot o ikaw?” natatawa niyang tanong. “Any-way, Frank is a good man. Wala akong masasabi sa kaniya liban sa kaibigan siya ni Derek.”
“At ano naman ang ibig sabi-hin noon?”
“Natural, nakakailang pa rin na sumama sa kaniya kasi kai-bigan nga niya ang asawa ko.”
“Kung makaangkin ka naman, akala mo may aagaw sa Derek na iyan! Naku, kung ako sa’yo sis, i–consider mo na itong si Frank at big fish din ‘yan. Imagine, may sariling business ang pamilya at napaka–gentleman pa!”
Napaisip siya at napatitig sa kinikilig na si Rina. Kinutusan naman ni Dorie ang kaibigan.
“Ganyan ka nang ganyan, kita mo at single parent ka tuloy nga-yon!” anito.
“Bakit? Ikaw, hindi ka ba nagaguwapuhan kay Frank? Sige nga, sige nga!”
“Tama na nga ‘yan!” awat niya. “Guwapo nga si Frank pero mas guwapo naman si Derek hindi ba? What do you think?”
“Teka, may competition ba?”
Napailing na lang siya sa birong iyon ni Dorie. Nakakatawa pero may punto ito. Bakit ba niya isinisingit sa usapan si Derek gayong si Frank ang pinag–uusapan nila?
“Para sa akin ay pasado na si Frank para sa’yo Jess. Mabait, maginoo, guwapo at mayaman. What else do you want? Halos perpekto na siya eh.”
“Pero kasal pa rin kami ni Derek,” tugon niya sabay bun-tong-hininga.
“Sa ngayon ay oo pero soon, magiging pormal na ang hiwa-layan ninyo kung gugustuhin ninyo.”
Natahimik siya. Ilang saglit na kinapa sa damdamin ang senaryong sinabi ni Rina.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




One Response
Ouch nman