Si Nathan ay nakilala ni Trina nang ito ay magbakasyon sa kanilang probinsiya. Mula nang makilala ito ay hindi na maintindihan ni Trina ang sarili. Sa murang edad ay ngayon lang siya nakaramdam nang ganito.
Ito na ba ang tinatawag na first love? Tila magic na hindi mo maipaliliwanag at marahil ay tanging ang dalawang taong nagmamahalan lamang ang makauunawa nito.
Subalit bakit tila mapagbiro ang tadhana, kung kailan niya ito naramdaman ay saka naman ito mawawala sa kanya. Hindi niya kaya ang mapalayo sa taong minamahal. Sobrang sakit. Walang tigil sa pag-iyak si Trina nang kailangan na nitong bumalik sa Maynila matapos ang pagbabakasyon sa kanilang probinsiya.
Paano niya maipaglalaban ang taong minamahal na si Nathan? At willing naman kayang maghintay ang binata para sa kanilang pag-iibigan?
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





