ONE YEAR LATER…
The restaurant bar that Alex dreamt of has been built. Hannah was also pregnant with Alex’s child. Christian and Rose never left them. They became close friends. The couple partnered with Alex to make the beach resort even bigger. They even built a house, like Alex’s resthouse. Nagdesisyon silang apat na mamuhay ng tahimik at masaya.
“Don’t get too tired! You might suddenly give birth,” bulong ni Rose kay Hannah, habang sila ay nasa reception. “Kahit malapit na akong manganak kaya po naman,” sagot na lang ni Hannah. Saka biglang pumasok si Alex habang bitbit nito ang pinamili niya na gagamitin nila para sa decoration ng kanilang theme.
“Tingnan mo ang asawa mo, hindi ko talaga akalain na mag-click kayong dalawa,” panunukso ni Rose. “Maraming namamatay sa maling akala, Rose. Lagi mong tatandaan ‘yan!” ‘Saka pinagmasdan ni Hannah si Alex, habang ito ay nakaupo at sinusuri ang pinamili. Naalala na naman ni Hannah ang pinakamasayang araw na nangyari sa kanyang buhay.
Hannah couldn’t imagine na darating ang araw na ikakasal siya. Sa tatlong buwan na pagsasama nila ni Alex, hindi siya binigo nito. Alex kept all his promises. Nagsumikap ito para ang resulta ng kanilang relasyon ay maayos. Silang dalawa ang halimbawa na magpapatunay na ang pag-ibig ay walang pinipiling oras o araw. Maluha-luha ang mga mata ni Hannah, habang nilalakad niya ang buhangin, habang siya rin ay nakayapak. Hawak niya ang simpleng bouquet na tumiterno sa suot niyang puting bestida. Simple lang kasal nila ni Alex. Ang importante ay ang pareho nilang tunay na nararamdaman. Hinawakan kaagad ni Alex ang kamay niya nang makalapit siya.
“Tama ako, di ba? Don’t be afraid to fall in love again. Mas nakakatakot ang mabuhay ng walang pag-ibig sa puso. Mas nakakatakot ang mag-isa sa buhay. It is okay to feel pain or frustration. Dahil sa mga salitang iyan, diyan tayo natututo, tumitibay at patuloy na lumalaban. Please don’t forget what I told you. I will be with you in any sitwasyon. Mapa-pangit man ‘yan o maganda. Basta sabay natin laging harapin ang bagong bukas at sabay natin labanan ang mga pagsubok na darating,” wika ni Alex bago magsimula ang seremonya. Tumango lang ang ulo ni Hannah at ngumiti ang kanyang mga labi.
“Hay!” tanging sambit ni Hannah at nagpakawala siya ng hininga.
“Oh, ano ang nangyayari sa ‘yo? Sabi ko naman na magpahinga ka na lang. Kaya na namin ito,” sumbat ni Rose. Narinig naman iyon ni Alex. Binitawan nito ang kanyang mga hawak na decoration. Lumapit siya sa kanyang asawa. Niyakap at hinaplos niya ang malaking tiyan ni Hannah.
“Rose is right! Hayaan mo na kami ang mag-ayos para sa theme natin ngayong summer. If you really want to work, just sit there next to me and answer all the emails for reservations. Okay, my love?” Sabay halik ni Alex sa noo ni Hannah.
“My gosh! Ayan na naman sila. Where is Christian? I envy the affection of these two again. Nakakaloka! Parang laging bagong kasal o bagong relasyon,” daldal ni Rose. Alex and Hannah laughed out loud.
“What?” pagtataray ni Rose. Dumating na rin si Christian. Sinalubong siya ni Rose.
“Babe, oh! Look at them, iniinggit at pinagtatawanan na naman nila ako. Hug me and kiss me! Flirt with me!” utos ni Rose kay Christian habang nagdabog-dabog ang kanyang mga paa. Umiling-iling lang ang ulo ni Christian, habang siya ay napapangiti.
“Hay, hindi ka na nagbago Rose. Ang mabuti pa e, tulungan mo na lang ako doon muna sa labas. Doon na lang din kita lalambingin,” sagot ni Christian. Para namang naging kiti-kiti si Rose sa kilig. Para rin siyang isang ahas na kung paano siya pumalupot sa braso ni Christian. Tuluyan na nilang iniwan ang mag-asawa na sina Alex at Hannah, habang ang mga ito ay abala na sa kani-kanilang mga ginagawa.
Pinatunayan lang ni Alex na, love was the most powerful weapon of all the pain a person experiences. Na hindi masama na buksan muli ang puso, no matter how much pain it felt. Na pwedeng mabago ang lungkot sa ligaya. Ipinakita naman ni Hannah, na hindi kailangan maging makasarili sa nararamdaman. Hindi dapat pangunahan, labanan, at pigilan ang tunay na emosyon na dumadaloy sa kaibuturan ng puso. Na nasa iyo pa rin ang pagdedesisyon, whether you choose to be sad or be happy always.
While Christian, proves that it is better to let go of the things that he can no longer claim. Kaysa sa makagawa pa ng mali o kasamaan. Na pangalagaan, mahalin at maging kuntento kung ano ang meron sa buhay. And Rose showed that relationships are important. Kahit hindi niya alam ang magiging resulta ng isang sitwasyon, mas pinili niyang magpakatotoo para magkaroon ng magandang pagsasama at pagkakaisa.
All of them demonstrated that love was life all about. Ika nga ng Bibliya, “If I give all I possess to the poor and give over my body to hardship that I may boast,[a] but do not have love, I gain nothing.” – 1 Corinthians 13:3
Exactly! Aanhin nila ang lahat ng bagay sa mundo, kung wala naman silang pag-ibig sa puso. Kung hindi sila marunong magmahal at magpatawad. Kung hindi sila marunong tumanggap ng totoong sitwasyon na nangyayari. Kahit ano ang iwas nila sa mga balakid sa buhay, patuloy lang silang babalik-balikan. Why? Because they have not yet learned the most important lesson, and that was LOVE. Ngunit, pinili nilang harapin ang problema na naka-konekta sa kanila. Upang maliwanagan, magpatawad, at mabuhay silang masaya’t payapa. Iyan ang kanilang itinanim, kaya tiyak na maganda ang kanilang aanihin sa buhay.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





4 Responses
Hindi ko akalain na ganito kaganda T.T thank you for this wonderful story, Ma’am. Part two yung aawra naman si Brenda HAHAHAHAHAHA charor!
Maraming salamat din po sa pagbabasa niyo kahit po paid content na ito. Again, thank you so much po. And I hope, mabasa niyo rin po ang mga free stories ko. 💙
Maraming maraming salamat po sa pagbabasa. Maraming salamat po talaga. Kung nais niyo pong manggigil sa mga characters ko try niyo po ang My Bird-Brain Fake Wife, may impakta at impakto po doon, haha! Charot! Kung gusto niyo naman po ng serious type at drama na tipong gusto niyo pong umiyak, may on-going din po ako Winter’s End. Thank you po ulit sa time niyo po sa kwento ko. Have a blessed day ahead po.💙
Nabitin Ako Kasi di umawra SI Brenda at Ang pinsan para humingi Ng tawad Kay Alex para magkaron din Sila Ng payapang Buhay pero nagkahiwalay din siguro dahil sa nangyari nun, buntis na din siguro SI Hannah Bago Sila ikasal ni Alex hahaha mahilig aq sa time frame hahahaha well smooth and good Ang kwento swak Naman at maganda Ang katapusan at Yung aral bongga Ang pagkakapunto I love it hahahaha