In Bed with Him (Chapter 19)

Bookmark (1)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

HINDI pa nasu-solve ang problema nila kay Archie ay isang mas malaking dagok ang hindi inaasahan ni Savannah na mangyayari. Isang malagim na aksidente ang kinasangkutan ni Trevor. Si Jennifer ang nagbalita sa kanya  na labis niyang ikinabigla at ikinabahala. Napanood daw nito iyon sa Flash News sa  TV. Naganap ang aksidente sa South Expressway malapit sa Magallanes  bandang alas diyes ng  umaga. Ayon sa initial report ay nawalan ng preno ang minamanehong Porsche ni Trevor at bumangga iyon sa sa isang bus. Yupi ang unahan ng sasakyan at isinugod sa Makati Medical Center si Trevor. Ayon pa sa ulat ay malubha ang kalagayan nito.

Tarantang-taranta si Savannah. Hindi niya magawang umiyak. Napaupo na lang siya sa gilid ng kama habang nanginginig ang buong katawan.

Buong magdamag silang magkasama ni Trevor. Alas otso na ng umaga ito umalis upang umuwi lang sa Alabang, magbihis at pumasok sa opisina. He even called her before he left the house and told her not to report to office. Ayon dito ay umalis daw si Archie sa bahay. Baka kung ano na naman ang mangyari kapag nakita siya nito sa opisina. Gagawan daw nito ng paraan na makausap ng maayos si Archie. Binilinan din siya nito na huwag itong papasukin sa unit niya sakaling magtungo ito roon. Sinabi pa nitong hindi sila sigurado kung anong tumatakbo sa utak nito sa kasalukuyan. Archie’s state of mind was currently unstable so it would be better to avoid him for the meantime. Magulo ang utak nito at walang gustong pakinggan.

Ikinuwento rin nito ang tungkol sa ipinagtapat ng papa nito tungkol sa katauhan ni Archie kaninang umaga habang nagkakape sila.

Nang nahimasmasan ay saka tumulo ang kanyang luha. Napahagulgol siya saka taimtim na nagdasal na sana’y walang masamang mangyari kay Trevor. Ikamamatay niya kapag nawala ito. Hindi niya kakayanin.

Tinawagan niya si Jennifer. Kailangang makita niya si Trevor. Kailangang masiguro niyang ligtas ito.

Hindi siya halos makapagsalita nang sumagot si Jennifer sa kabilang linya. “C-come with me please. I… I need to see him. I need to see Trevor.”

“Okay. I’ll be there in thirty minutes. Susunduin kita. You can’t drive,” ani Jennifer.

Medyo na-pacify na siya nang dumating ang kaibigan. Niyakap siya nito nang mahigpit.

“Everything is gonna be alright,” anito.

Muling nag-ulap ang kanyang mga mata. “That’s what I am praying for, Jen. At sana huwag akong biguin ni God.”

Nang nasa sasakyan na sila ay hinayaan lang siya ni Jennifer na tahimik na lumuha. Nakatingin siya sa labas ng bintana ng kotse at binalikan ang simula ng pagkaka-kilala nila ni Trevor hanggang sa nagka-aminan sila ng totoong nararamdam. And last night was as memorable as the past being with him, being in bed with him. Payapa at magkayakap silang natulog pagkatapos ng paulit-ulit na pagniniig. Sinabi sa kanya ni Trevor na walang sinuman o anuman ang makakapigil sa kanilang pagmamahalan.

Paano kung ang pagkawala pala ni Trevor ang katapusan ng kasisimula pa lang silang relasyon? She sobbed. Napahagulgol na naman siya sa isiping iyon.

“Sav…” Hinaplos ni Jennifer ang kanyang likuran. “Lakasan mo ang loob mo, girl. May awa ang Diyos.”

Pilit niyang kinonsula ang sarili. This was just one of the trials she and Trevor should go through.

Naabutan nila si Miss Blesilda sa labas ng operating room. Agad na tinanong niya ito. Hindi man niya ipangalandakan ay malamang na alam na nito na may higit pa sa  employer-employee relationship na namamagitan sa kanila ni Trevor dahil sa pamamaga ng kanyang mata at sa labis niyang pag-aalala.

Mangiyak-ngiyak na nagkuwento si Miss Blesilda. “He’s in comatose stage due to Epidural hemorrhage.”

Muli ay parang gustong mag-break down ni Savannah. Kinailangan niyang hawakan ang kamay ni Jennifer para umamot ng lakas mula rito. “A-anong dapat gawin? Anong sabi ng doktor?” magkasunod na tanong niya kay Miss Blesilda.

“Bleeding daw iyon sa labas ng skull.  Kailangan niyang ma-operahan sa lalong madaling panahon. Hindi ko naman ma-kontak si Archie. Unreachable ang mobile niya. Wala raw sa bahay.  Parating na si Don Quiel para pumirma ng waiver. Sana lang ay okay ang matanda. Stroke patient siya. Kung saan naman kasing lupalop naroon si Archie,” puno ng pag-aalalang  wika ni Miss Blesilda. “Pandagdag pa sa problema ang lalaking ‘yon.”

Pakiramdam ni Savannah ay nasa gilid siya ng bangin at anumang oras ay maari siyang mahulog. Isa iyong napakasamang panaginip at gusto na niyang magising. Ayaw niyang mauwi iyon sa bangungot.

Mahigit tatlumpong minuto ang lumipas bago dumating si Don Quiel. Tulak-tulak ito sa wheelchair ng private nurse nito. Sa larawan lang ito nakita ni Savannah at ngayon niya napatunayan ang resemblance nito kay Trevor. Mas matangkad lamang ang binata kaysa ama.

Kalmante ang matanda ngunit maaaninag sa mga mata nito ang labis na pag-aalala. Saglit nitong kinausap ang doktor at pinirmahan ang waiver.

Nang bumalik ang  doktor sa operating room ay matamang tiningnan siya nito. Sinenyasan nito ang nurse. Itinulak ng nurse ang wheelchair nito palapit sa kinauupuan niya.

Nakangiti ito nang magsalita pero malungkot ang mga mata. “Savannah, right?” anito.

Tumango siya.

“Ako ang Papa ni Trevor.

“Kilala ko na po kayo sa pangalan at ipinakita sa akin ni Trevor ang picture ninyo,” aniya. “I am pleased to meet you, Sir, but…” Kailangan niyang maglinis ng lalamunan dahil tila may batong biglang bumara doon… “not in this kind of situation.”

“Alam ko, hija. Mas mainam sana ba nakilala kita sa magandang pagkakataon. We both feel the same. Kagabi lang ay pinag-usapan ka namin ni Trevor. Mahal na mahal ka ng aking anak.”

“M—mahal na mahal ko rin po siya.” Napaiyak na naman siya.

“Hang on. Panghawakan ninyo ang pagmamahal na iyan. May awa ang Diyos at malalampasan ni Trevor ang krisis. Alam kong gugustuhin niyang makita ka pagkatapos ng operasyon at bumalik ang malay niya.”

Saglit pa silang nag-usap pagkuwa’y nagpaalam na ito matapos magbilin kay Blesilda na tawagan agad ito kung anumang balita. Nakiusap din itong subukang tawagan si Archie.

Sumunod na ring nagpaalam si Jennifer nang umalis si Don Quiel dahil may importante itong pupuntahan.

Silang dalawa ni Miss Blesilda ang matiyagang naghihintay sa resulta ng operasyon. Niyaya siya nitong magtungo sa cafeteria. Sumama naman siya. Kailangan niya ng makakausap sa mga sandaling iyon.

“Natutuwa akong malaman na…na ikaw pala ang dahilan sa mga ngiti at saya ni Mr. De Rosales,” ani Miss Blesilda.

Pilit ang ngiti niya. “Inililihim muna namin sa opisina.”

“Dahil kay Archie…”

Tumango siya.

“Eversince ay wala nang ginawa si Mr. De Rosales kung hindi ang unawain ang kapatid niya.”

“Una kong nakilala si Archie.”

“Pero hindi mo siya ginusto. Si Trevor… si Mr. De Rosales ang nagustuhan mo.”

Ngumiti siya. “Wala naman sigurong hindi magkakagusto sa kanya.”

Ngiting-ngiti rin si Miss Blesilda. “Ramdam ko na ‘yan noong una pa lang na nakita ko kayong magkasama. May kakaibang spark sa mga mata ninyo…may chemistry. Masaya ako talaga para sa inyo lalo na para kay Mr. De Rosales. Sa wakas ay natagpuan na rin niya ang babaeng nagpabago ng tingin niya sa pag-ibig. At sana pagkatapos ng operasyon ay magising na siya.”

“S—sana nga.”

Pagkatapos nilang magkape ni Miss Blesilda ay sa hospital chapel siya nagtuloy habang si Miss Blesilda ay bumalik na sa waiting lounge ng operating room. Doon ay taimtim siyang nagdasal.

Pagbalik niya sa waiting lounge ay hindi nag-iisa si Miss Blesilda. May kasama itong matangkad at seksing babae na pamilyar sa kanya pero hindi niya ma-recall kung sino.

“And who is she?” tanong nito nang palapit na siya. Matangkad na siya sa height na limang talampakan at limang  pulgada pero hanggang tainga lang siya ng babae.

“Siya si Savannah,” pagpapakilala ni Miss Blesilda. “Savannah, meet Izza Fabon.”

Parang dinunggol ang  ni Savannah. Minsan lang nilang napag-usapan ni Trevor si Izza at in-assure nito na magmula nang maging sila ay wala na itong naging ugnayan sa babae bagay na pinaniwalaan naman niya. She nodded at her. Itinaas niya ang kanang kamay. “Nice to meet you.”

Tinanggap nito ang pakikipag-kamay niya. “Are you a relative of Trevor or employee?” tanong nito.

Si Miss Blesilda ang sumagot. “Girlfriend siya ni Mr. De Rosales, Izza.”

Nanlaki ang mga mata ni Izza. “No way! Ako ang girlfriend ni Trevor.”

Hindi sanay si Savannah sa ganoong uri ng komprontasyon kahit pa ilang kontrobersiya na ang kanyang nalagpasan. “Totoo ang sinabi ni Miss Blesy, Izza. I am Trevor’s girlfriend.”

Tumaas ang kilay ng babae. “And me? How about me?”

Kung selos o sobrang pagmamahal ang umatake sa kanya ay hindi niya alam. Comatose si Trevor at handa niyang ipaglaban ng patayan. “When did the last time Trevor see you  or call you? Kasi ako, I was with him last night. And had been with him every time for the last two months or so…”

Hindi ito agad nakasagot. Luminga-linga ito. “Where’s Archie?” tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya.

Si Miss Blesilda ang sumagot. “Wala rito si Archie. Hindi nga namin siya makontak. Wala siya sa bahay. Hindi niya pa nga alam na naaksidente ang kuya niya.”

“Strange. He’s the one who called me. Sinabi niya sa akin na naaksidente si Trevor.”

Nagkatinginan sina Savannah at Miss Blesilda.

“Nasaan daw siya?” tanong ni Miss Blesilda.

“I don’t know but I want to see Trevor,” anito bago tinapunan nang matalim na sulyap si Savannah.

“He’s in comatose stage. Inooperahan pa,” aniya. “Huwag kang mag-alala. Kapag nagkamalay si Trevor, hahayaan kitang makita at makausap niya. Nasisiguro ko sa iyong sasabihin niyang ako ang girlfriend niya at wala ng iba.” Puno ng kompiyansa ang bawat linyang binitiwan niya. Ganoon na kalalim ang tiwala at pagmamahal niya kay Trevor.

Matalim na irap ang sagot nito bago nagsalita. “I know how Trevor plays with girls. Isa ka lang sa pinaglalaruan niya,” anito. “Babalik ako. At sa harap mo, ipakikita ko kung paano ako halikan ng sinasabi mong boyfriend mo.” Tumalikod na ito at umiindayog ang balakang na humakbang palayo.

Bumigat ang kanyang kalooban pero inalo siya ni Miss Blesilda.

“Huwag kang maniwala sa babaeng iyon. Tawag nga iyan nang tawag kay Mr. De Rosales pero hindi kinakausap,” anito. “Naniniwala ako na ikaw lang ang mahal ng boss ko. Ikaw lang ang babaeng nagpabago ng takbo ng isip at buhay niya.”

“S—salamat.”

“Pero nasaan kaya si Archie?” biglang tanong ni Miss Blesilda na may pagtataka. Kinuha nito sa bag ang mobile at sinubukang i-dial ang numero ng lalaki pero unattended pa rin iyon. Ibinalik nitong muli ang mobile sa bag. “Wala talagang maasahan sa lalaking ‘yon. Magkaibang-magkaiba sila ng kuya niya.”

Hindi siya sumagot sa sinabi ni Miss Blesilda pero sa totoo lang ay medyo kinakabahan pa rin siya kay Archie.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Do you prefer to subscribe using G-cash instead?

Click Here

In Bed with Him (Chapter 19)

One Response

  1. Hahaha ano to me manesia pang magaganap aba malapit na matapos ang kwento may ganung twist pa tas taguan ng anak hahaha nakakatawa pag ganun nga ang nangyari sana hindi hahaha kasi lahat ng me ganiyang kaek ekan laging ganun ang lumalabas amnesia keme tago baby jusmeee sana iba to

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?