“DOROTHY, confirm the booking with Emirates Airlines for Carmela. Make sure she’ll be comfortable in the best window seat.” Hindi na hinintay ni Missy na sumagot ang kausap na sekretarya.
“Sabi mo confirm? Ibig sabihin, na-book na ni Dorothy?”
“Just this morning I told her to book for a fare bago tayo nag-meeting.”
That was how confident Missy was. “Sure na sure ka na papayag ako ha?”
“I just told myself, I will do anything para mapapayag ka. Promise, hindi ka magsisisi.”
Ano pa nga bang magagawa niya? Ito na nga siguro ang tamang panahon para tuldukan niya ang nakaraan. Tama si Missy. For practical reasons, walang dahilan para tanggihan niya ang magandang alok. Isa pang punto kung saan tama si Missy, paniguradong hindi man lang siya sumagi sa isip ni Ahmir sa loob ng anim na taong nagdaan, so, walang dahilan para hindi siya bumalik sa Dubai. Hindi siya dapat magpatalo sa emosyon na matagal na lumamon sa kanyang pagkatao.
Ngunit ano nga kaya kung malaman nitong nagbunga ang minsang pagkalimot nila? Ipinilig niya ang ulo. Ayaw niyang magulo ang buhay nito. Kaya nga pinili na lang niyang lumayo at huwag ipaalam dito ang kanyang kalagayan noon.
Habang nasa gitna ng traffic sa EDSA, hindi maiwasan ni Carmela na bumalik sa alaala ang unang pagtungtong niya sa Dubai. She went there on a tourist visa. In-sponsor siya ng kanyang pinsang si Margie. Nagtungo siya roon dahil gusto siyang i-console nito makaraang ma-heart broken siya sa kanyang first love at boyfriend for four years. Hanggang sa nakumbinsi siya ni Margie na subukang mag-apply ng trabaho roon.
Madali naman siyang natanggap bilang Executive Assistant ng may-ari ng Maximum Mobile Care. Bumalik lang siya sa Pilipinas para mag- exit at mag-resign formally sa pinapasukang advertising agency.
There she met Ahmir, the son of the owner who joined the company three months after she joined. Dahil nagkasakit si Mohammad, ang ama nito, si Ahmir ang pumalit sa puwesto mula sa pagiging Commercial Managing Director ng chain of hotels and restaurants ng mayamang angkan ng mga ito sa pagiging CEO ng Maximum Telecom.
Ahmir took the breath away of every single female staff of the company. He was every inch a handsome man. Una pa man, aminado siyang nabihag nito ang kanyang puso. She had never felt the same feeling with her ex-boyfriend na kung saan iniyakan niya nang sobra nang lokohin siya nito. Bagama’t nakasuot ito ng Kandura palagi, hindi pa rin naitago niyon ang angkin nitong kaguwapuhan.
Ngunit inilihim niya ang pagtinging iyon. Seryoso si Ahmir. Nang unang araw ng pagpasok nito ay sinabi nito agad ang mga katagang “I don’t mix business with pleasure.” Sinabi rin nito sa kanya na na-a-annoy ito sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa lalaki. Dalawang sekretarya na raw nito ang napatalsik dahil sa tahasang pagpi-flirt ditto. She took those words as clear warning na dapat ay alam niya ang kanyang limitasyon at katayuan bilang Executive Assistant nito. Kaya naman ingat na ingat siya na mahalata nito ang kanyang nararamdaman.
Dahil na rin siguro sa naging kampante ito sa kanya, naging maganda ang working relationship nila sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan. Napaka-workaholic nito at nahawa siya sa kasipagan nito. She did not only secretarial job. Naging partner na rin siya nito sa pagpa-purchase ng mga mobile accessories sa international business partners ng kompanya. Kapag dumadalo ito ng mga exhibits sa kung saan-saan bansa, nag-uusap sila palagi sa Skype.
Her secret feelings for him grew. Hindi lamang pisikal na aspeto ang hinangaan niya kung hindi ang determinasyon nitong mapalago ang negosyo. Sa loob ng mahigit isang taon ay nakapagtayo sila ng dagdag na limang retail outlets.
It was purely business for almost one year and a half until one night, nang napagsolo sila sa opisina, bigla na lang siya nitong hinalikan. She felt she was about to die that moment. Ang bagay na pinapantasya lang niya ay naganap. That kiss was the sweetest kiss she ever had but the words he uttered hurt her the most.
“This is the silliest thing I ever made in my whole life,” anito nang nahimasmasan. “Forget this happened. And I don’t want anyone to know about this otherwise you will know the consequences,” tila may pagbabantang sabi nito. “Besides, you should have stopped me and not kissed me back.”
Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa sinabing iyon ni Ahmir. Siya pa ang lumalabas na may kasalanan. Krimen ba ang suklian ang halik nito? Anong konsekwensiya ang tiutukoy nito kung sakaling ipagkalat niya na hinalikan siya nito? Hindi naman siya baliw para gawin iyon dahil alam niyang walang maniniwala. Bago pa siya nakapagsalita ay tinalikuran na siya nito.
Magmula noon ay nagbago ang pakitungo sa kanya ni Ahmir. Obviously, he wanted to put barrier between them. Harap-harapan nitong ipinaramdam sa kanya ang agwat ng katayuan nila. Kung dati-rati ay hindi ito nag-uutos sa kanya ng mga personal na bagay gaya ng pagpapa-book ng restaurants kapag may date ito, siya na ang pinagawa nito niyon bagay na nagdudulot ng matinding kirot sa kanyang puso.
Kaya para maibsan ang sakit na nararamdaman, pinilit niyang umakto ng normal. Nakikipag-kuwentuhan siya sa mga staff at sumasamang lumabas sa mga ito kapag weekends. But the agony did not stop there. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit kailangang magbago ang lahat dahil lamang sa pinapanstasya niyang halik nito?
Ang masaklap pa, kung dati-rati ay hindi siya nito pinapagalitan, lagi na lang mainit ang ulo nito kahit wala namang matinding dahilan. Gaya na lamang minsang ma-delay ang shipment ng mga produktong inaasahan nila mula China.
“You’re not doing your job, right!” bulyaw nito. “How come you did not anticipate this thing? We need those accessories urgent and you told the China Office to send it through sea cargo?”
Hindi na siya nakapangatwiran para hindi na humaba pa ang usapan. Kapag sinabi niyang ang Purchase Manager ang nag-desisyon niyon, siya pa rin ang may kasalanan. “S—sorry,” mahinang bulong niya. Palaging iyon na lang ang sinasabi niya. Marahil kung nag-sorry siya sa pagganti sa halik nito, baka sakaling hindi nito siya tinatrato ng ganoon ngayon.
“Call China Office. Tell them to send ten pieces per SKU of our orders not later than tmorrow morning via air cargo. I want them in the main branch as soon as possible. Undesrtood?”
Tumango lang siya. Hindi na niya kayang magsalita dahil siiguradong pipiyok siya dahil sa pinipigilang luha. Bago pa ito muling sumigaw ay tinalikuran na niya ito dahil nag-iinit na sulok ng kanyang mga mata.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
One Response
Ayyy iwas pusoy si ahmir after the kissing scene na siya ang nag umpisa sana sinapak mo aguuuyyy…