Lucky in Love (Chapter 3)

[ai_playlist id="654"]

Subscribe to read this story

Unlock exclusive stories with premium subscription today

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

“MOMMY!”

Napukaw ng matinis na boses ni Miko ang daloy ng alaala ni Carmela. Hindi niya halos namalayan na nasa tapat na siya ng gate nila. Agad na binuksan ni Aling Minerva—ang kanyang ina ang gate habang si Miko ay nanghahaba ang leeg para silipin siya.

Kumaway siya rito at sinenyasan na huwag sasalubong habang ipinapasok niya ang sasakyan sa garahe.

Agad na tumakbo si Miko palapit sa kanya nang napatay na niya ang makina ng kotse. Sabik din niyang sinalubong ang anak.

She hugged and kissed  Miko. “How’s my baby boy? Good?”

“Opo.”

Ngumiti siya. Paano ba naman niyang makakalimutan si Ahmir gayong lahat ng facial features nito ay nakuha ni Miko? Ang deep set eyes, makapal na kilay, tan na kulay. His moustasche was always neatly maintaines. Lahat ay nakuha ni Miko kay Ahmir. Pati ang mannerism nitong pagkagat sa pang-ibabang labi kapag nag-iisip ay nakuha nito sa Emirating ama.

Natatandaan pa niya  kung paano niya lihim na sinusulyapan si Ahmir noon habang nagmi-meeting sila. She liked his mannerism of biting his lower lip. Gustong-gusto rin niyang tinitingnan ito kapag inaayos ang Gutra nito sa ulo. Ang Gutra ay ang head dress ng mga lalaking Arabo.

Ahmir was westernized United Arab Emirates locale. Sa Amerika ito nagtapos ng kolehiyo kaya fluent ito sa English. Gayunman, palagi itong nakasuot ng Kandura at Gutra sa opisina bilang pagsunod sa kultura ng Arabo.

“Mommy, you have pasalubong?” tanong ni Miko habang hila-hila ang kanyang kamay.

Gusto niyang mapahiya na inokupa na naman ni Ahmir ang kanyang utak sa saglit na panahon. Yumuko siya at ginulo ang buhok ng anak. “Tomorrow is Saturday. Pareho tayong walang pasok. I’ll just treat you out. Busy si mommy the whole day. I forgot to buy something for you.”

“Okay po.”

“Good boy ka ba sa school today?”

“Opo.” Itinaas nito ang kamay at ipinakita ang tatlong star marks sa likod ng palad.

“Wow! Eh, deserving naman pala talaga ng pasalubong.” She kissed Miko in both cheeks. “Galing talaga ng baby boy ko.”

Nakangiting lumapit si Aling Minerva. “Kaya nga pinagluto ko siya ng favorite ulam niya. Fried chicken and chopsuey.” Tumalikod na ito. “Sumunod na kayo sa aking mag-ina. Ipinahanda ko na kay Simang ang mesa.”

Isa pang mahigpit na yakap at sunod-sunod na halik ang ginawa niya kay Miko. She would surely miss her little boy. Hindi muna niya sasabihin dito na aalis siya dahil alam niyang malulungkot ito. The longest time that she was away from  him was two weeks. Sa loob ng dalawang linggong iyon, araw-araw niya itong kinakausap sa telepono at Skype.

She had mix emotions. Muli siyang yayapak sa Dubai.

HINDI  nagpahatid kina Aling Minerva at Miko sa airport si Carmela. Ipinasundo siya ni Missy sa driver nito at ipinahatid sa airport. Walang pick-up service ang Emirates sa Pilipinas pero may drop off service sa Dubai para sa mga business class at first class seats passengers.

 It broke her heart seeing her son crying when she left home. Nang nasa kotse na siya ay saka siya umiyak dahil ayaw niyang ipakita kay Miko iyon.

Siyam na oras ang direct flight mula Pilipinas hanggang Dubai. Nakaabang na ang chauffer service ng airlines na maghahatid sa kanya sa Jumeirah Lake Towers.

Hindi maipaliwanag ang kabang lumulukob sa kanya habang binabagtas ang kahabaan ng Sheik Syed Road patungo sa Jumeirah. She knew it was also in Jumeirah where Ahmir’s villa was. Alam na alam niya ang address nito dahil sa tuwing nagta-travel ito ay doon ito nagpapa-pick-up at drop sa Emirates Chauffer Service. At paano niya malilimutan ang lugar na iyon samantalang doon naganap ang isang pagkakamali? Pagkakamaling sumugat ng matindi sa kanyang puso gayunma’y naging naging dahilan din para magkaroon siya ng anak na nagsilbing lakas niya para harapin ang bukas.

Her thoughts brought her again to the past.  

DALAWANG  araw nang hindi nagre-report sa opisina si Ahmir. Mayroon daw itong flu ayon sa personal assistant nitong si Ian.  Hindi maiwasang mag-alala ni Carmela. Ni hindi ito tumatawag o nagte-text sa kanya. Wala namang problema sa operation sa opisina. She along with the Operation Manager was handling things well. Naisip niya, kung hindi lang nalamatan ang magandang working relationship nila dati, sana puwedeng-puwede niya itong i-text para kumustahin. Ngayon ay wala siyang magawa kung hind ang makibalita kay Ian in such a way na hind nito mahahalata ang pag-aalala niya.

She was just hoping that tomorrow, Ahmir would be fine and report to work. Kahit naging very formal at istrikto ang pakitungo nito sa kanya nitong mga nakaraang, kahit minsan ay nasisigawan siya nito, sapat nang nakikita niya ito sa araw-araw.

Bandang alas singko ng hapon nang mag-ring ang kanyang mobile. Nang makita niyang si Ahmir ang tumatawag ay sumasal ang pintig ng kanyang puso. Kinailangan muna niyang huminga ng malalim bago pindutin ang answer key niyon.

“S—sir?” Gustong-gusto niyang kumustahin ang pakiramdam nito pero pinigil niya ang sarili.

“I want you to come with Ian.”

“Where, Sir?”

“Here. In my villa.”

Mas lumakas ang kabog ng kanyang puso. “W—why, Sir?” Wala siyang maisip na isagot o itanong maliban doon.

“Work of course.”

Supalpal siya. Ano pa nga bang dahilan para ipatawag siya nito kung hindi dahil sa work-related issues?

“Print two copies of Stock Movement Report and Stock Availability Report of our top five international suppliers. Send me the soft copy now so I can review prior to your arrival here. Bring your lap top so I can tell you what to order. I might not be able to come to work in the next few days.”

Ibig sabihin, maysakit pa rin ito? “O—okay, Sir. I’ll just wait for Ian.”

Excitement and nervousness filled her heart. Habang sakay siya sa unahan ng kotse na minamaneho ni Ian ay maya’t mayang humuhugot siya ng buntong-hininga.

“Okay ka lang po, Ma’am Carmela?” tanong ni Ian sa kanya.

Nilingon niya ito. “Oo naman. Bakit?”

“Para kasing hindi kayo mapakali.”

“F—first time ko lang kasing makakarating sa bahay ni…si Sir.”

“Mahigit isang taon na rin po akong personal assistant ni Sir, ngayon lang may pinapuntang babae sa villa niya,” anito bago sinundan ng tawa.

“Mag-mi-meeting kami,” depensa niya.

“Sabi nga po niya sa akin.”

“Girlfriends ni…ni Sir? Hindi niya dinadala sa villa?”

“Hiwalay naman po kasi ang quarter ko sa villa mismo kaya hindi ko alam kung may dinadala siyang babae.”

She should know her boss’ calibre when it came to women. Usap-usapan sa opisina na magaganda ang idini-date nitong babae. Ang tipo nito ang hindi papatol sa basta-basta lang. Kaya nga nasabi nitong “silliest thing” ang nagawa nitong paghalik sa kanya.

“Ma’am, ida-drop ko lang kayo sa villa kasi kailangan kong umalis agad para ipag-drive ang mama ni Sir. Sabi naman ni Sir baka raw abutin ng tatlo hanggang apat na oras ang meeting ninyo. Ako rin kasi ang maghahatid sa inyo pabalik sa Deira. Nagpabili na rin po ng pagkain si Sir, nariyan sa likod ng kotse. I-hi-heat na lang sa oven kung kailangan.”

“G—ganoon ba?” Ano naman kayang pag-uusapan nila sa loob ng tatlo hanggang apat na oras? Kapag nagmi-meeting sila sa opisina, it normally took only thirty minutes to discuss important matters. Baka naman maraming gustong ipagawa sa kanya si Ahmir.

Gusto niyang sabunutan ang sarili sa kagagahang naglalaro sa utak niya ngayon. She would be with her boss alone in his villa for three to four hours. It would be very awkward situation for her. She would not know how to act with him alone. Sa opisina, bagama’t may awkwardness sa pagitan nilang dalawa matapos ang kissing incident na iyon, nagagawa niyang kumilos ng maayos.

Bahala na!

Nakakalula sa laki at rangya ng villa ni Ahmir. Sa pagkaalam niya ay nasa Sharjah ang mas malaking villa ng pamilya ng mga ito. Ang villang iyon sa Jumeirah ang bachelor’s place ni Ahmir.

Sinamahan siya sa loob ni Ian. Bumungad sa kanya ang marangyang garden at ang hindi kalakihang swimming pool pagkapasok na pagkapasok ng gate. Kulay asul, berde at pula ang hilera ng bricks na nagsisilbing walkway papasok sa main door. The inside of the house was amazing. Naglalakihan ang mga antique jars sa kabuuan ng salas. The staircase was fabulously designed. Bawat anggulo at muwebles  ay nagpapakita ng karangyaan.  It was more of American set-up than an Arabic house.

“Ma’am, maiwan muna po kita rito. Dadalhin ko lang sa dining room itong food.”

Tumango lang siya. Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng malawak na sala habang yakap-yakap ang folder ng print-outs na ibinilin ni Ahmir. Sa kanang balikat ay ang shoulder bag at sa kaliwang balikat ay lap top bag. Itinuon niya ang paningin sa makukulay na isda sa malaking aquarium.

“So, you’re here.”

Pagkarinig sa malagom na boses ni Ahmir ay sumasal ang tibok ng kanyang puso. When she turned, muntik na siyang mawalan ng panimbang. First time niyang makita si Ahmir na hindi nakasuot ng Kandura at Gutra. He was wearing a white round neck shirt and jeans. He was damn sexy and handsome. At hindi naman ito mukhang maysakit.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Lucky in Love (Chapter 3)

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?