Momma’s Boy (Chapter 51) – Angel in Disguise

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

ABALA SI Chari sa harap ng bahay niya.

Nagtayo siya ng maliit na stall sa harapan ng bahay. Nang makipag-break kasi siya kay Josh ay nag-resign na rin siya sa shop nito.

Wala pa siyang trabaho sa kasalukuyan kaya nagtinda muna siya ng mga pagkain at kung ano pa sa harapan ng bahay niya, swerte at pumapatok naman dahil sa bukas na ang eskwelahan na malapit lang sa lugar niya. Halos puro estudyanteng bagets ang mga kostumer niya.

Alas-otso na kasi ng gabi at iyon ang oras kadalasan na dumadagsa ang mga kumakain at nagkakape. Kahit na pagod na ay hindi pa rin niya nakakalimutang ngumiti sa mga kostumer. Magiliw niyang sinasalubong ang mga ito, pati na rin sa pagsisilbi, si Nanay Mira ang katulong niya at isa pang kapitbahay nila na binabayaran niya na lang.

Kasalukuyang nakamasid si Nanay Mira sa abalang Chari. “May napansin ako,” sabi nito.

Kaagad namang huminto si Chari nang matapat kay Nanay Mira. “Daming tao ngayon, Nay.”

Nangiti si Nanay Mira. “Oo, saka halos puro kabataan ang narito ngayon, mas lamang ang lalaki kaysa babae, hmn? Pansin mo Chari?” Puna ni Nanay Mira.

Napatingin naman si Chari sa buong paligid. “Napansin ko nga rin po Nanay Mira, nagbukas na rin po kasi ang bagong school malapit dito kaya siguro, parang puro college students po eh.”

Tumayo pa sandali ang dalawa. Masayang pinagmamasdan ang paligid. At sandali pa ay..

“May bisita ka, Chari,” sabi ni Nanay Mira, napangiti pa ito. Isang dilaw na kotse ang pumarada sa kabilang kalsada katapat ng tindahan niya.

Nagsalubong agad ang kilay ni Chari nang makita kung sino. “Huwag naman sanang dito tumuloy iyang impakto na iyan! Nakakahiya ang daming tao ngayon!” Naiinis na sabi ni Chari.

“Hindi mo mapipigilan iyang impakto na iyan! Haha!” Natawa pang sagot ni Nanay Mira. “Ayan na!”

Pagbaba pa lang sa sasakyan ay nagtama na ang tingin ng dalawa. Si Clint na may dalang isang pumpon ng red and white roses, nakasuot lang ng simpleng white na t-shirt, itim na pantalon at ang paborito niyang white shoes. Nakapusod ng mataas ang mahabang buhok. Sandali pa muna itong tumayo.

Hindi naman maiwasang magtinginan ang lahat ng mga kumakain nang makita siya. Kapansin-pansin naman kasi ang pagdating ni Clint. Sino ba naman ang hindi magugulat at mapapangiti kapag nakakita ka ng lalaking may bitbit na isang bungkos ng mga bulaklak.

At nang makalapit na kay Chari ay… “Hi, Ma…” Hindi malaman kung ngingiti ba siya o iaabot na agad ang bitbit na bulaklak. “Ma, for you.”

Hindi naman nangingiti ang Chari at hindi rin inabot ang bulaklak. “Ano ‘yan Clint? Nakakahiya ka talaga kahit kailan!” May gigil sa tono ng salita nito kahit na pabulong lang.

Nilingon ni Clint ang buong paligid. “Ano naman nakakahiya dito, Ma? Mahal kita eh!” sabi nito sabay ngiti. “Tanggapin mo naman, Ma! Alam ko hindi ka mahilig sa ganito pero kahit ngayon lang naman please.”

Pilit na pinipigilan ni Nanay Mira ang pagtawa. Nakakatawa kasi ang itsura ni Clint na mukhang tatanga-tanga na nagmamakaawa kay Chari na tanggapin ang bulaklak. Napansin din ni Nanay Mira na simpleng nagtatawanan ang mga bagets na nakakasaksi sa ginagawa ni Clint.

“Ikaw Clint puro ka kalokohan! Alam mo na wala akong kahilig-hilig sa ganyan! Nakakahiya ang daming tao rito! Umalis ka nga!” Tulak pa ni Chari.

“Aray naman, Ma! Makatulak naman!” sagot ni Clint na pilit bumabalik akap-akap pa rin ang bungkos ng bulaklak.

Sa inis ay umalis si Chari at pumasok sa loob ng bahay niya. Napatingin naman si Clint kay Nanay Mira na parang nagpapaalam. Sinenyasan lang siya ng matanda at ngumiti.

Sinundan ni Clint si Chari sa loob ng bahay.

“Ma! Ma! Kausapin mo naman ako!” Habol ni Clint na bitbit pa rin ang bulaklak.

Sandali pa at inabutan niya.

“Ano ba Clint!” Sgaw ni Chari sabay hatak sa braso niya. “Nakakahiya ka talaga eh! Pati paghahanapbuhay ko pinepeste mo!”

Sunod-sunod na kamot sa buhok naman ang ginagawa ni Clint. “Ma! Hindi kita pinepeste! Mano bang abutin mo naman ‘tong ibinibigay ko sa ‘yo, tapos— bahala ka kung ano gusto mong gawin.”

Hinablot ni Chari ang bulaklak sa kamay ni Clint at ibinalibag. Nagulat si Clint sa ginawa niya.

“Ina ka talaga Clint! Kahit kailan ka! Ang tanda ko na Clint para sa mga flowers-flowers na ‘yan! Ano baaa?” Gigil na gigil siya.

Kalmado lang si Clint. “Ano ba meron sa putang inang edad na ‘yan at lagi ko naririnig sa ‘yo?” Simpleng pinunasan ang mata. “Asawa kita—may pagkakamali ako kaya kita sinusuyo.”

Mas malakas na ang boses ni Chari. “Clint naririnig mo ba sinasabi mo? Hindi mo ako asawa para magkaganyan ka! Kaya pwede ba? Stop acting like one!”

Mas lalong nagsalubong ang makakapal na kilay ni Clint. “Hindi kita asawa? Eh bakit nandito pala ako ngayon sinundan ka? Saka bakit may anak ako sa iyo?”

“Feeling mo lang iyon! Ayoko maging kabit!”

“Ma, ano ba sinasabi mo? Nasasaktan naman ako sa mga sinasabi mo eh! Anong kabit?”

Tuluyan nang nagtalo ang dalawa.

Hindi na mapigilan ni Chari ang sarili. “Saka— bakit ka pa ba sumunod dito? Ano para guluhin na naman kami ng anak ko! Ayoko na Clint! Ayoko na!”

“Ma—ano ba sinasabi mo? Nagpunta ako rito para sa iyo, sa inyo ni Clyde. Hindi mo man lang ba ma-appreciate iyung effort ko? Bumili ako ng flowers kasi nagbakasakaling mapa-smile kita agad, tapos— tapos— iyan sasabihin mo sa akin! Ang sakit naman, Ma… Huwag naman ganyan.” Nakakunot-noong sabi ni Clint. Halos maluha na talaga.

“Masakit? Alam mo ba kung ano iyung masakit?” Sigaw ni Chari, hindi na talaga nito napigilan pa ang sarili. “Masakit iyung bumalik ka pa! Masakit dahil paaasahin mo na naman kami ng anak ko! Iyun ang masakit Clint!”

Hindi agad nakakibo si Clint. Hindi niya na rin napigilan ang pagluha. “Ano ba iyan Ma… Ano ba iyang mga sinasabi mo…” Garalgal na ang boses niya. “Bumalik nga ako hindi ba? Kaya nga ako bumalik kasi ayokong paghintayin pa kayo ni Clyde dahil alam ko na sumama na naman ang loob mo sa akin, kaya huwag mo naman ako pag-isipan ng ganyan, please…” Matapos ay pinunas ang pisnging inagusan na ng luha.

“Umalis ka na Clint! Nakakaistorbo ka lang sa amin! Hindi ka namin kailangan! Hindi ka kailangan ng anak ko!” sabi ni Chari sabay talikod na kay Clint. Ngunit…

“Nanay? Kailangan ko po siya, si Tatay Sir Clint…”

“Ugh! Clyde?” Laking gulat ni Chari na nasa likod na pala niya si Clyde.

“Tatay?”

Kaagad namang napangiti si Clint. Nilapitan niya ang anak at niyapos. “Hi, baby? Hello…”

“Tatay Sir Clint? Bakit po kayo umiiyak?” Malambing na tanong ni Clyde.

“Si Nanay mo kasi inaway ako eh,” sagot naman ni Clint na sumisinghot pa.

“Ang lakas nga po ng boses ni Nanay kaya nagising ako eh, sinigawan po niya kayo kaya kayo umiyak?”

Natawa na lang si Clint sa sinabi ng anak. Kinarga niya ito at paulit-ulit na hinalikan. Medyo lumiit ang katawan ni Clyde ngayon dahil sa pumayat ito, mas gumaan pa dahil sa mas marami pa ang gamot na iniinom keysa mga pagkain. Hindi rin kasi basta-basta ang mga pagkain para sa kanya dahil sa may mga allergies na iniiwasan magkaroon siya. Medyo naging malumanay tuloy siya at mahina, laging naglalambing na parang baby.

“Angel in disguise talaga kita Clyde, lagi mo akong sinasagip sa galit ni Nanay,” bulong ni Clint sa anak.

Hindi na kumibo si Chari. Iniwan na lang ang mag-ama at umakyat na sa kwarto sa itaas.

“Tatay, dito po kayo matutulog?”

“Oo baby, hindi na aalis si Tatay.”

“Paano po si Tejie?”

“Nag-usap naman na kami.”

Nagkatitigan pa ang mag-ama. Bakas sa mga mata ni Clyde ang labis na kasiyahan dahil sa naroon na muli ang kanyang Tatay Sir Clint. Gano’n din naman ang nararamdaman ni Clint kaya at sabik na sabik nitong niyakap ang anak.

“Eh, paano si Nanay mo? Galit sa akin eh!”

“Okay lang po iyan, Tatay. Mamaya hindi na iyan galit, ganyan lang si Nanay.”

“Ikaw bahala sa akin ha? Kapag pinalayas ako ha?” Natatawang sabi ni Clint.

“Opo Tatay, sasama po ako sa inyo kapag pinalayas ka niya.” Nakangiti namang sagot din ni Clyde. Nakiisa rin sa kalokohan ng ama.

Lumabas na muna ang dalawa sa tindahan.

Sadyang walang nagagawa si Chari kapag si Clyde na ang pumagitan. Kahit pa nagngingitngit siya sa galit ay hindi niya kayang salungatin ang anak lalo na kapag nakikita niyang masaya naman ito.

CHARI’S POV

Bakit gano’n?

Bakit naiinis ako sa kanya! Heto na naman kami at balik sa umpisa. Hindi pa nga kami nagtatagal na nakakauwi rito kasunod na namin siya. Ano ba talaga ang balak niya?

Susundan niya kami rito, mag-stay kasama namin tapos ang isip niya naroon sa dalawang naiwan niya sa Maynila?

Ano parang tanga lang? Naglalaro lang? Naninikip ang dibdib ko sa galit sa punyetang Clint na ito!

Ang ganda-ganda ng mood ko kanina sinira niya! Pasalamat siya hindi ko sa kanya hinambalos ‘yung bulaklak na dala niya.

Sigurado ako nasa kuwarto na ni Clyde iyun at alam ko rin na dito matutulog ang impaktong iyon! Ewan! Basta naiinis talaga ako sa kanya!

Medyo okay na sana eh, forgive and forget na lang ang mangyayari ule pero—pero kaya ko ba? Kaya ko ba talaga? Naiinis ako sa sarili ko, parang kakainin ko yata lahat ng sinasabi ko ah!

Nang makita ko si Clyde kanina na tuwang-tuwa nang makita si Clint ay biglang nagulo ang isip ko. Mabuti rin at hindi siya umiyak dahil alam ko na narinig niyang lahat ang nga sinabi ko sa Tatay Sir Clint niyang mukhang tanga kanina na may dala pang bulaklak. Ayaw pa naman no’n na inaapi ko ang tatay niya. Mahal na mahal niya iyung Tatay Sir Clint niya na iyon!

Pero sa kabilang banda—medyo natawa talaga ako at kinilig din naman sa itsura niya kanina.

Lahat tuloy ng nasa tindahan kanina nakatingin sa amin. Parang tanga lang noh? Pero bakit kaya siya nandito? Tumakas na naman siguro sa asawa niya!

Medyo nahihilo na naman ako. Nakakalimot na naman ako… Dalawang buwan na nga pala akong delay… Hindi ako sigurado kung buntis ako pero nabanggit ko nga pala kay Nanay Mira.

Kaya nga pala siya nagalit din sa akin nang umuwi kami ni Clyde na walang paalam, pati na rin nang sabihin ko sa kanya na tinatapos ko na lahat sa amin ni Clint. Sabi niya, uulitin ko na naman daw ba na magbubuntis na itatago na naman sa ama?

Sabi niya pa sa akin na tumatanda ako ng walang pinagkakatandaan. Totoo naman… Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko muna ipaaalam kay Clint kasi hindi pa naman ako sigurado, baka nadelay lang…

Pero, medyo may kakaiba na akong nararamdaman eh.. Sana huwag muna mabanggit ni Nanay Mira kasi sabi niya sa akin na sasabihin niya raw agad kay Clint kapag nakita niya para matigil ako sa kalokohan ko. Sana lang, huwag munang mabanggit ni Nanay Mira… Huwag muna… Baka—delay lang ako, saka— tanda ko na!”

SAMANTALA…

HINDI AKO makapaniwala sa nalaman ko kanina na sinabi ni Nanay Mira. Pinigilan ko na lamang ang sarili dahil sa halos maihi ako sa sobrang tuwa. Magiging Tatay Sir Clint na pala ulit ako!

Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako! Dalawang buwan na palang hindi dinadatnan si Mama Cha.

Ibig sabihin pala, iyung stay nila na iyon sa Manila nakabuo na kami! Ayos! Hindi talaga ako mapakali! Pero sabi ni Nanay Mira huwag ko daw sasabihin na alam ko na eh, baka raw kasi na-delay lang siya dahil sa may edad na rin daw kaya baka nagloloko lang ang mens niya.

Pero hindi rin! Napaka-active pa ni Mama Cha sa kama eh, siguro nang mga panahon na iyon kaya sobrang libog niya rin dahil sa fertile siya! Medyo may alam na ako ngayon sa mga ganyan, nagbasa-basa talaga ako tungkol sa mga babae kasi naging maloko ako nang wala pa si Mama Cha, ayoko kasi makabuntis na lang basta-basta kaya inaral ko talaga! Nakalusot nga lang kay Lissie pero mabuti na rin at hindi natuloy, ibig sabihin hindi match ang dugo namin kaya gano’n!

So kay Mama Cha laging inaabot, ibig sabihin match ang lahat sa amin kasi kahit nasa 40’s na siya nalamanan ko pa eh! Nakahabol pa! Sana may way na pwede kambal agad, paano kaya? Pwede kaya na sipingan ko lang siya nang sipingan? May possibility kaya na maging gano’n?

Haaay… Excited na ako sobra! Ibabalita ko na rin kina Ben at Nick, pero secret lang muna namin..

Ugh! Grabe! Ang saya ko talaga! OA na kung OA pero iba talaga iyung feeling eh! Hindi ko kasi siya nasamahan nang nagbuntis kay Clyde, tapos hindi ko rin naalagaan si Clyde noong baby, siguro naman this time magagawa ko lahat sa kanya iyon! So kailangan behave ako lagi, bawal na painitin ko ang ulo baka kasi kung ano pa mangyari sa kanya.

Titiisin ko na lang lahat ng gagawin niya sa akin, lahat ng sasabihin niya para huwag siyang ma-badtrip! Katulad kanina, pinaiyak na naman ako! Galit na galit sa akin sigurado kamukha ko na naman ang bata! Aaaaaaaaah! Parang gusto kong sumigaw.

Pero tulog na pala si Clyde, baka magising. Nandito ako sa kwarto niya ngayon at magkatabi kami sa kama. Hindi na lumabas si Mama Cha sa kwarto niya kanina mula nang matapos kami magtalo. Hindi ko na lang din muna siya kakausapin, bukas na lang para in good mood na.

Matutulog na ako, kahit na alam kong hindi naman ako makakatulog sa sobrang saya ay pipilitin ko. Dito na lang siguro ako tutuloy kahit na magalit siya bahala siya basta dito ako!

Haaay… Thank you Lord, alam ko po na matatapos na ang gulo namin kaya binigyan N’yo pa po kami ng blessing…

Alam ko po Lord na para sa isat’ isa talaga kami kaya hinayaan N’yo po itong mangyari. Maraming salamat po Lord, pangako po hindi ko na sasaktan ang damdamin ni Chari. Mahal na mahal ko po si Mama Cha at Clyde, gagawin ko lahat para mabigyan sila ng maganda at matiwasay na buhay, pangako…


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Momma’s Boy (Chapter 51) – Angel in Disguise

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.