Mommy for Hire: If Loving You Is Wrong (Chapter 49)

man and woman under white cloth and kissing each other

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

DOON SILA DUMERETSO sa mansyon ni Marcus. Ipinaalam naman ni Yana sa pamilya na nakauwi na siya at bibisita na lamang doon sa susunod na linggo. Masayang-masaya si Zia at Matt-Matt nang makita siya.

            “Where are you going?” tanong ni Marcus nang makita siyang papunta sa direksyon ng kuwarto ni Matt-Matt. “You’ll stay in my room.”

            Tiningnan niya ito nang makahulugan. “Hindi ka pa pagod, Mister?”

            Natawa ito. “Gusto mo pa ba?”

            “Marcus!”

[mycred_sell_this]

He laughed even more. “Kidding, not kidding. Whose fault? You started the fire, honey.”

            Iningusan niya ito. “Ewan ko sa ‘yo. Bahala ka d’yan.”

            Mabilis naman nitong hinila ang braso niya nang akmang maglalakad siya. Nagpatianod na lang siya nang tuluyan na siya nitong hilahin papasok ng kuwarto nito.

Iginala niya ang tingin sa paligid. Kahit makailang beses na siyang nakapunta roon ay ngayon lang niya napasok ang kuwarto nito. Very masculine ang pagkakadisenyo niyon. Abuhin ang kulay ng dingding. May malaking glass window sa gilid. Tila nang-iimbita naman ang malawak nitong kama. Agad siyang napaupo roon at saka napahiga.

            Nakita niyang naghubad ng suot na coat si Marcus at saka lumapit sa kanya. “If you want to take a nap, go on. Gigisingin na lang kita kapag okay na ‘yong dinner.”

            She mouthed ‘thank you’ to him before she closed her eyes. Nagising na lang siya sa sunud-sunod na tapik sa kanya. Nang imulat niya ang mga mata ay ang mukha ni Marcus ang bumungad sa kanya. Hay, napakaguwapo. Mukhang napaglilihian pa yata niya ito.

            Bumangon naman siya at sabay silang bumaba para maghapunan. Kaya lang, nang inihain na ang pagkain sa kanya ay hindi iyon nagustuhan ng pang-amoy niya. Agad-agad siyang tumuloy sa kusina at nagduduwal.

            “Hey, aren’t you feeling well? Must be jetlag,” sabi ni Marcus na sumunod pala sa kanya.

            Gusto niyang matawa kaya lang ay bigla na namang umikot ang sikmura niya. Mukhang mali pa siya ng napuntahan dahil nandoon ang hindi niya nagugustuhang amoy.

            “Puwedeng paalis ng Sinigang? Hindi ko gusto ‘yong amoy,” aniya rito.

            “Huh? Isn’t it your favorite?” Napabaling naman ito sa mga katulong. “Fresh naman po ‘yong meat na ginamit, Manang Cleofe?”

            “Oho, Sir,” sagot naman ng matanda.

            Iwinasiwas niya ang kamay sa ere. “It’s just me. For sure, masarap ‘yong Sinigang. But I cannot just eat it. I can’t.”

            “Okay, okay,” sang-ayon na lang nito kahit nababaghan pa rin sa sinabi niya. Pinatanggal naman nito sa mga katulong ang Sinigang at dinala sa ibang area.

            “I’m sorry.”

            Umiling ito. “Do you wanna take meds? Perhaps, paracetamol?”

            Siya naman ang umiling. “I’ll be fine. Tara na, naghihintay na ‘yong pagkain.”

            Inaalalayan naman siya nito sa pagpunta sa komedor. “You sure, you’re okay?”

            Tumangu-tango siya. Nakita niyang tila nag-aalala din si Zia. Lumapit pa ito sa kanya. “Are you okay, Mama? Are you sick?”

            “No worries, baby. Mama’s fine.” Nginitian niya ito. Pinisil niya rin ang pisngi nito. “Let’s eat.”

            Sabay-sabay naman na silang nagsalo sa pagkain. Si Matt-Matt ay maaga raw nakatulog. Malamang na maaga rin iyon magigising bukas. Nang makatapos kumain ay kinuwentuhan pa sila ni Zia ng naging activity ng mga ito sa school. Ang gusto niya kay Zia, parang hindi ito mauubusan ng sasabihin, pero iyong tipong hindi ka mabo-boring sa sinasabi niya.

            Nang tila nasawa na ito magsalita ay umakyat na sila at nagpahinga. Nag-shower siya dahil napakainit ng pakiramdam niya. Dahil marahil iyon sa pagbubuntis niya. Nang makalabas ng banyo ay naabutan niyang tila nasa malalim na pag-iisip si Marcus.

            “Are you okay?” tanong niya. Umupo siya sa gilid ng kama at tinuyo ang buhok. Natigilan siya nang makitang nakatitig ito sa kanya nang matiim. Hindi iyon tingin na gusto nitong maka-isang round sa kanya dahil tila may sakit siyang naaaninag sa mga mata nito.

            “Marcus… are you okay?” tanong niya uli. “May gusto ka bang sabihin?”

            Lumapit ito sa kanya at napasinghap siya nang bigla siya nitong yakapin. “I love you, Yana.” Pagkuwan ay dumistansiya ito. “Do you love me?”

            May takot na mababakas sa mga mata nito. Itinaas niya ang isang kamay at hinaplos ang pisngi nito. “I thought, I was able to learn to love Aries again, but I think I was just fooling myself around. I cannot unlove you, Marcus. You have captured my heart in a way that I have never felt before. I love you…”

            “I promise to accept everything about you. I love you that much, Yana… I love you….”

            Nagtataka siya dahil parang naging emosyonal ito. Kapagdaka ay nagpaalam naman na itong matutulog na. Pahiga na rin sana siya nang makita sa bedside table ang ultrasound/sonogram niya. Mukhang naiintindihan na niya ang pagkakaganoon nito. Nababaliw na ba ito? Iniisip ba nitong… my goodness!

            Lumapit siya rito at hinalikan ito sa labi. Napamulagat naman ito.

            “Did you see this?” Itinaas pa niya ang sonogram picture.

“Don’t deny that it’s not yours, Yana. It has your name. I also notice your belly, it’s not as flat as before ”

“So, what are you trying to incline? Na nakipaglandian ako sa Japan, gano’n? Tapos gagawin kitang tatay ng anak ko?”

Hindi ito sumagot. Mukhang hindi pa rin nito makuha ang pinapatunguhan ng sinasabi niya. “Hindi ko nga makuhang makipaghalikan kay Aries, paano pa kaya sa iba? Mukha na bang maluwang ‘tong p*kengkeng ko?”

Nanlaki ang mga mata nito “Your words, Yana…”

“Sorry. I was just so upset that you’re thinking that I can just bed any man out there.”

Napaiyak na siya. Kanina lang ay masaya pa siya, ngayon naman biglang buhos ng emosyon. Gawa siguro iyon ng hormones niya.

“Hey… I’m sorry, don’t cry please…. Iniisip ko lang na baka someone has… Jesus, makakapatay ako Yana, kung sakali man.”

Tiningnan niya ito. “I am turning 13 weeks pregnant. Siguro naman, alam mo magbilang,” humihikbi pa rin niyang sabi.

Napahinto ito mula sa pagpupunas ng luha niya. “13 weeks?” Tila naman may na-realize ito. “God, it’s mine?”

Sinimangutan niya ito. “Hindi. Hapon ang ama nito.”

“Hey…” Kinabig siya nito palapit dito at saka niyakap nanh mahigpit. “I’m sorry. I’m sorry. Thank you, Yana. Thank you!”

Napayakap na siya rito. “I love you, Marcus. Pero ha, walang mintis ‘yang semilya mo. Shoot, eh!”

Natawa ito. “Sundan natin agad.”

Humiwalay siya rito at saka tinampal ang balikat nito. “Hindi pa nga lumalabas, eh. At saka hoy, CS ako, gusto mo ba mawarak agad ang tahi ko?”

Mas lalo itong natawa. “Just kidding. I love you, Yana… Finally, I will be able to witness your pregnancy journey.”

Dinampian niya ng halik ang mga labi nito. “I’m scared, but excited at the same time. I am so excited to finally share the news to Zia and Matt-Matt…”

“They will surely love having a baby sister.”

“Mukha nga…”

SINIPAT NI YANA ang umbok ng tiyan mula sa full length mirror. She was at her seventeenth week. Pero nagtataka siya dahil parang ang laki ng pinagbubuntis niya. Parang ganoon na ang tiyan niya kay Matt-Matt noong going six months niya rito.

“Hello, gorgeous,” bati ni Marcus at niyakap siya mula sa likuran. Dinantayan pa nito ng halik ang balikat niyang nakalitaw.

Pumihit siya paharap dito. “Hon, hindi ba parang ang laki ng tiyan ko?”

Hinaplos naman nito ang tiyan niya. “Busog ka lang siguro, love.”

Sumimangot siya. “Parang sinabi mong napakataba ko na sa kakakain ko.”

“Hey, wala akong sinabing ganyan. At saka, kahit pa tumaba ka, you’re still the gorgeous pregnant that I have ever seen.”

“Huwag mo akong daanin sa pambobola mo, Marcus, ah!”

“Okay, okay,” anito. “Let’s have a check with an OB later.”

Tumango naman siya. Iyon ang mainam na gawin. Ayaw naman niya isawalang-bahala iyon.

Alam na rin ng pamilya niya ang tungkol sa pagbubuntis niyang muli. Tinutukso na nga siya ng mga ito dahil nakakatatlo na nga naman sila ay hindi pa sila ikinakasal. Isinali ng mga ito sa bilang si Zia dahil kahit hindi ito nanggaling sa kanya ay para na niya itong anak.

Wala yatang balak si Marcus na pakasalan siya. Paano pa siya makakasuot ng traje de boda kung ganoon na nga kalaki ang tiyan niya?

Ikiniling niya ang ulo. Kung anu-ano na naman ang pinag-iisip niya. Nagbibigay lang siya ng stress sa sarili kaya mabuti pang huwag muna siyang umasa. Ang mahalaga sa ngayon ay kasama niya ito at mahal siya nito.

Mayamaya pa ay pumunta na sila ng hospital para magpa-check up. Nakapagpa-check na sila two weeks ago. Pero chineck lang ang heartbeat ng baby at saka nagbigay ng mga vitamins. Gusto sana niya magpa-ultrasound uli.

“Hello, Mrs. Morgan. How are you feeling?”

Pinamulahan siya. Hindi pa naman nga siya ‘Morgan’. Ewan ba niya at iyon ang pinili ng doctor itawag sa kanya kahit pa ang inilagay niyang apelyido ay Domingo. Kakilala kasi ng doctora si Marcus kaya siguro ganoon.

Hinaplos niya ang tiyan. “Doc, can we run an ultrasound? I was just worried,  parang ang laki po kasi ng tiyan ko. Sa first pregnancy ko po kasi, parang hindi naman ganito. Although, alam ko naman pong iba-iba ang pagbubuntis. But I just wanna be sure.”

Pinisil ni Marcus ang kamay niya.

“That’s not a problem. Let’s have a check on your baby.”

Pinahiga siya nito sa higaan doon. Sumunod naman si Marcus. Bahagya pa siyang napakislot nang ipasok sa p**erta niya ang transducer. Medyo nagtagal ito sa pag-check sa kanya. Matiim ang tingin ng doctor sa monitor.

“I can’t see any issues with your pregnancy, Mrs. Morgan,” sabi nito pagkaraan. Iniikot pa rin nito ang transducer sa kanya. “It’s just that…”

“Ano po iyon, doc?”

Ipinaling nito ang monitor para makita niya. “Kita mo ‘to? I think, hindi ‘to nakita noong unang ultrasound sa ‘yo.”

May itinuro ito sa monitor na hindi naman niya maintindihan.

“What’s that, doc?” usisa ni Marcus.

“It’s not actually a ‘what’. It seems that you’re having twins.”

Sabay silang napasinghap ni Marcus. “Twins, doc? Pero bakit hindi po agad nakita sa unang ultrasound?”

“The other baby is super stealthy. Masyado siyang nakatago sa kapatid niya. Mukhang mahilig mag-hide and seek. Mahiyain,” anito habang marahang tinanggal ang transducer sa kanya.

“Hon, did you hear that? We’re having twins!” aniya kay Marcus.

He looked very surprise. Kapagkuwan ay napayakap ito sa kanya. “Thank you, love. Thank you, gorgeous.”

“I love you, Marcus…”

[/mycred_sell_this]


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Mommy for Hire: If Loving You Is Wrong (Chapter 49)

3 Responses

  1. Salanat sa triple updates otor hihi sabik na ko sa mga twist pang dadating lalo may epal nanamang babae na nakaluwa ang bundok sa harap ni M hahaha

  2. Ayyiii astig semilya mo marcus nakadalawa agad hahaha jusko hubby ko din malakas semilya kaya ayaw magpaputok sa loob sabi ko nga gawa kami kambal 🤣😝 tigil daw pazaway😂

    1. Marcus lang sakalaaaaam! HAHAHA. Maraming salamat, @jellythegatcha sa pagsubaybay sa istorya nina Yana at Marcus. Super na-appreciate ko ang pag-comment sa bawat chapter. Nakakabuhay ng loob hahaha. Lovelots <3

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.