Ngiming naglakad palapit sa grupo si Jasmin. Nakasuot ito ng loose boho style na white blouse, light pink full skirt na above the knee ang haba, at nude pumps na katulad ng kay Garee ang takong.
“Kuya…!” Nagulat ito nang makita ang kapatid. Sa ibaba kasi ito nakatingin kanina kaya hindi niya napansing si Joshua pala ang kasama ni Vic.
“O di ba? Ang cute ni Jas?” ani Garee na proud na proud sa ginawa.
Hindi naman makatingin si Jasmin sa kapatid.
“Sorry, Kuya… Sabi kasi ni Ate Garee, secret daw. Kaya nagsinungaling ako sa inyo nina Mama at Papa…”
“Hay! Hayaan mo na!” ani Garee na inakbayan pa si Jasmin. “For sure, kapag nakita ka nila, matutuwa ang mga iyon.”
“You look beautiful, Ming,” ani Vic. “Right?” ang sabi niya kay Joshua.
“Oo naman… pero…” Tumingin si Joshua kay Vic. “Bakit pinaganda mo iyan ng husto? Gusto mo bang maligawan iyan kaagad?”
Nagulat si Jasmin at Garee sa sinabi ni Joshua.
“Tignan mo nga, oh?” ani Joshua sabay hawak sa mga balikat ni Jasmin para mas matignan niya ito ng maayos. “Sinong hindi mai-in love dito sa Ming-ming natin? Sinasabi ko sa iyo, Ming. Mula ngayon, hatid-sundo ka na rin mula sa school tuwing hapon. Sasabay ka lagi sa amin ni Garee pauwi.”
“Grabe ka naman!” ang sabi ni Garee kay Joshua.
“Ga, alam ko gustong-gusto mo akong masolo every afternoon,” ani Joshua.
“Hoy!” Si Garee naman ang nag-blush.
“Pero, tignan mo, oh!” Tsaka ito humarap kay Vic. “Akala ko ba, best friend kita? Gusto mo ba akong pahirapan sa pagprotekta dito sa kapatid ko?”
Natawa na lamang si Vic sa sinabi ni Joshua.
“Kuya… tumigil ka na!” ang sabi ng nahihiyang si Jasmin. “Nakakahiya!”
Napatingin si Jasmin sa paligid, at nakita niya ang nangingiting mga empleyado na nakakarinig sa kanila. Nakakatawa naman kasi talaga ang pagiging OA at exaggerated ni Joshua ngayon.
“Basta, Ming-ming! Four o’clock pa lang, nasa CPRU na ako. Papayag naman si Papa, lalo na kapag nakita ka na niya ng ganyan,” ani Joshua. “Mabuti na lang, sa BluPrint ako nag-OJT.”
“Hayaan mo na iyang kapatid mo at natuto na iyan,” ang sabi naman ni Garee. “Hindi na iyan basta-basta mafo-fall.”
Matamang tinitigan ni Joshua si Jasmin.
“He doesn’t deserve you,” ang sabi ni Joshua. “He was not able to see all of these…” Iminonstra niya ang buong itsura ng kapatid. “…behind your previous façade. He’s a loser.”
Tsaka napatingin si Joshua kay Gare. “Sorry, pinsan mo pa rin iyon.”
“Okay lang,” ani Garee. “Agree naman ako diyan. Kaya nga naisip ko ito, eh.”
“Thanks, Ga,” ani Joshua. Tsaka ito tumingin kay Vic. “Thanks, Bro.”
Nag-bro hug silang dalawa.
“Ikaw ba magbabayad lahat niyan?” tanong ni Joshua kay Vic.
“Kuya!” Muli ay nahiya na naman si Jasmin, kahit pa nga alam niyang si Vic naman talaga ang gumastos para sa kanya.
“Wala akong pambayad, eh…” Napangiwi si Joshua sa kapatid.
“It’s okay,” ani Vic. “It’s my quinceanera gift to Jasmin.”
“Quinceanera… eh sixteen na iyan, ah!” ani Joshua matapos maisip ang ibig sabihin nung sinabi niya.
“Even so,” ang sabi ni Vic.
“O, eh di sige,” ani Joshua. Tsaka siya ngumiti sa kapatid. “Ang ganda mo talaga, Ming… Hindi maipagkakailang magkapatid nga tayo.”
“Ay, susme!” ani Garee na natapik pa ang noo.
“Huwag ganyan, Ga. Hindi bagay sa itsura mo,” ani Joshua sa kanya.
“Ang dami mo pang sinasabi. Kumain na nga lang tayo!” ani Garee sa best friend.
Nagbayad na sila sa mga pinamili nila, at si Vic nga ang gumastos pati na doon sa mga pinamili ni Garee.
“May pera naman ako, Vic,” ani Garee. Alam niyang alam ni Vic na binigyan siya ni Mike ng pera kanina.
“It’s okay, Ga. It’s enough that I see you two happy today,” ang sabi ni Vic sabay ngiti kay Jasmin.
“Hayaan mo na, Ga,” ani Joshua. “Malaki sahod niyan as COO ng Hacienda.”
“Ikay magbayad ng meryenda,” ani Garee. “Lagi na lang si Vic ang nanlilibre.”
“O sige na!” ani Joshua. “Halina kayo at baka magbago pa ang isip ko.”
Bigla na lamang hinawakan ni Joshua ang kamay ni Garee, much to her delight. Kinilig nga siya na pilit lamang niyang itinago ang ngiti.
“Ikaw na ang bahala diyan,” ani Joshua kay Vic, na ang tinutukoy ay si Jasmin. “Baka mamaya, may biglang sumulpot na magpakilala diyan.”
“Kuya!” reklamo ni Jasmin na muling nahiya sa sinabi ng kapatid.
Natatawa namang inakbayan ni Vic si Jasmin, in that brotherly sort of way. Pagkatapos ay lumabas na silang apat ng department store, kasama sina Emily at Mang Alfredo na naging tagabitbit tuloy ng mga pinamili nila. Buti na lang hindi gaanong karamihan ang mga iyon.
Marami ding tao ang nasa The Coffee Club pagpasok nila, pero hindi rin naman sila nahirapang maghanap ng puwesto. Nang makaupo na at makapag-order, noon ikinuwento ni Garee ang tungkol sa mga nangyari sa buong maghapon.
“Binigyan ka pala ng pang-shopping ni Kuya Mike,” ani Joshua kay Garee. “Mag-share ka naman mamaya dito sa bill natin.”
“Ang kuripot mo talaga!”
Pinigilan na lamang ni Garee ang sarili at baka masabi niyang para dito naman talaga ang makeover na iyon. Pero kung ano ang hindi sinabi ni Garee, si Vic naman ang nagsabi kay Joshua.
“I think you were satisfied by the outcome anyway,” ani Vic. “Aren’t you happy seeing Garee looking like a real girl?”
Napangiti si Joshua habang tinitignan si Garee. “Sabagay…”
“Tigilan ninyo akong dalawa,” ani Garee.
Noon dumating ang kanilang mga order. Masaya nilang pinagsaluhan ang kanya-kanyang selection ng frappe at pastries na pinili nila.
“Parang may kulang,” ang sabi bigla ni Garee.
Napaisip si Joshua. “Huwag mong sabihing iniisip mo iyong pinsan mong si Nick?” Bigla ay beast mode na naman ito.
“Hindi siya!” ani Garee. “Kaloka ka naman maka-react.”
“Eh sinong kulang? O, ano? Ano ba o sino?” tanong ni Joshua.
“Hindi mo alam?” tanong ni Garee.
Si Vic ang na-frustrate sa kawalang alam ni Joshua. “Carol,” ang sabi niya.
Napatingin ang tatlo sa kanya.
“Mismo,” ani Garee.
“Uy…! Naisip niya si Carol,” tukso ni Joshua kay Vic.
“And you didn’t even think about her,” ani Vic bago uminom ng Iced Americano. Parang siya ang na-disappoint para kay Carol.
Hindi naman na sumagot si Joshua.
“Nakaka-miss iyong dati, iyong tayong lima, magkakasamang nagba-bonding,” ani Garee.
“Eh sobrang busy din yata nun ngayon,” ani Joshua.
“Sana mabalik iyong dati, ano?” ani Garee. Tsaka siya tumingin kay Vic. “Okay naman na kayo, ‘di ba? Kayo ni Carol.”
“As far as I know…”
But Vic himself is unconvinced. The last time he and Carol talked, it didn’t end well.
Matapos naman magmeryenda ay umuwi na ang lahat. Si Vic ay inihatid na muna si Emily, bago sila dumiretso sa Hacienda ni Mang Alfredo.
Si Joshua na ang naghatid kay Garee sa Moonville. Pero bago iyon ay dumiretso muna sila sa bahay nina Joshua. Gusto kasing tumulong ni Garee sa pagpapaliwanag sa mga parents ni Jasmin kung bakit nagsinungaling ito sa kanila.
Na naintindihan naman kaagad ng mag-asawang Jason at Juliet. Natuwa pa nga sila sa naging resulta ng makeover ni Jasmin.
Pagkatapos kausapin ang mag-asawang Ignacio ay inihatid naman ni Joshua si Garee sa kanila. Tuwang-tuwa ang mga kapatid at tatay nito nang makita ang kanyang pagbabago.
“Grabe, Ga!” ani Eli. “Babae ka na nga talaga.”
Napasimangot naman si Garee.
“Hindi na kawawa si Joshua kapag nakikita kayong dalawa ng mga tao,” ani Eli. “Kasi dati, nagtataka sila kung ano bang nagustuhan sa iyo ni Joshua, eh mukha ka namang lalake!”
Sinugod ni Garee si Eli, pero nahirapan siya dahil sa suot na sandalyas.
“Ganyan talaga kapag babae,” ani Eli. “Bumabagal.”
“Maghintay ka,” ani Garee habang tinatanggal ang kanyang sandalyas. Pagkatapos noon ay muli niyang hinabol si Eli.
Sa mga Gonzalez na nag-dinner si Joshua, at ilang oras din itong nanatili doon bago ito umuwi ng alas-siyete ng gabi. Inihatid siya ni Garee sa kotse nito, at saka nito pinanood ang sasakyan habang papalayo ito mula sa kanilang bahay.
Nang makita niya si Carol na pabalik naman noon sa bahay nito.
“Cay!” Nilapitan niya ito.
Gulat na napatingin si Carol sa itsura ni Garee, na parang ngayon lang niya ito nakita sa buong buhay nito.
Nahihiyang napangiti si Garee. “Bagay ba?”
“O-Oo naman!” Masaya naman siya sa transformation nito, pero andun pa rin iyong selos na nararamdaman dahil sa kaibigan.
“Salamat… Naaawa na kasi ako kay Joshua, eh.”
Natigilan si Carol.
“Kasi, ang pogi niya, pero ang pangit ng nililigawan niya.” Kunwari ay natawa ito sa sinabi nito. Napaiwas din ito ng tingin. “At least, ngayon, mukha na talagang babae iyong nililigawan niya.”
“He really likes you…”
Napatingin si Garee kay Carol.
“Kasi kahit hindi ka mukhang babae, niligawan ka niya.”
Kung alam lang ni Garee kung gaano kasakit ang tama ng mga salitang iyon kay Carol.
Ngumiti si Garee. “Papatulong nga sana ako sa iyo, eh,” ani Garee sa kanya. “Kaya lang, busy ka yata.”
Napaiwas naman ng tingin si Carol. Kahit nagseselos ay nagi-guilty pa rin siya sa pagtatago ng nararamdaman sa kaibigan.
“Kanino ka nagpatulong?” tanong na lamang niya.
“Si Vic, siya ang tumulong sa akin.”
Napatingin si Carol kay Garee.
“Alam mo naman ang mga dela Rosa, marami silang mga… tao…” Napangiti si Garee. “May sarili silang stylist. Siya ang tumulong sa amin.”
Tumango na lamang si Carol.
“Uy! Nga pala. Kanina, kumain kasi kami sa Coffee Club. Sabi ko sa kanila, parang may kulang. Naisip ko kasi, wala ka doon.”
Napangiti naman si Carol, at muli din siyang napaiwas ng tingin.
“Alam mo ba? Si Vic, naisip niya na ikaw nga yung kulang.”
Natigilan si Carol.
“Hindi naman sa gusto kong magkatuluyan kayo, o matuloy iyong dating namagitan sa inyo,” ani Garee. “Pero, friends din naman tayo, hindi ba? Baka pwede tayong maging friends ulit, tayong lima. Just like the old times.”
Hindi sumagot si Carol. Bigla niyang naisip ang sitwasyon nilang dalawa ni Vic.
“Sana makapag-bonding ulit tayong lima. Kapag hindi ka na busy, Cay.”
Muli ay nakonsensiya si Carol.
“Ano? Okay lang sa iyo?”
Tumango na lamang si Carol bilang sagot. Ngumiti naman si Garee.
“Pasok na ako,” ani Carol sa kausap.
“Saan ka nga ba galing?” ani Garee.
“Sa Block D. May inihatid lang ako kina Pamela Fernandez.”
“Ah… O sige! Baka busy ka…”
Tumango si Carol. “Para makapagpahinga ka na rin.”
“Oo nga, eh…” Nahihiyang ngumiti si Garee.
“Sige… Good night, Ga.”
“Good night.”
Pumasok na sa bahay nila si Carol. Ilang sandali pa ay sumunod na ring pumasok sa kanilang bahay si Garee.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




