Naging matagumpay naman ang operasyon ni Joshua, pero kahit nagamot na ang mga pinsalang natamo niya ay hindi pa rin siya ligtas.
“We’ve done everything to help him,” ang sabi ni Samantha sa pamilya ni Joshua at mga kaibigan ng mga Jacinto na nandoon. “But he’s still not in the clear. It’s all up to him now.”
“Ano pong ibig ninyong sabihin, Doc?” naiiyak na tanong ni Juliet. “Hindi pa okay ang anak ko?”
“His body suffered a lot, at hindi rin kaagad siyang nabigyan ng paunang lunas. His vitals were so weak when we saw him. Also, we did a CT scan sa ulo niya. He suffered a concussion, siguro dahil sa pagkauntog. We suspect that the injury that caused that might lead to coma.”
“Oh my God…” Parang nanlalatang napakapit si Juliet sa asawa.
Maagap namang inalalayan ni Jason ang asawa kahit na siya mismo ay nagimbal sa narinig.
“I will personally monitor him,” ang sabi ni Samantha. “You see, I belong to the de Veras po of Moonville. Kauuwi ko lang from the States, and I still don’t have the proper documentation to practice here. It just so happened that we own the hospital.”
“Kaya naman wala pa akong pasyente sa ngayon,” pagpapatuloy ni Samantha. “That is why I can dedicate my hundred percent kay Joshua.”
“Maraming salamat, Doc. Tulungan n’yo po siya,” ang sabi ng umiiyak na si Juliet.
“I will, pero tulungan n’yo rin po siya,” ani Samantha. “Even if nasa coma siya, naririnig pa rin niya kayo. You can give him words of love and encouragement para mas lalong mapabilis ang recovery niya.”
Tumango si Juliet. “Gagawin po namin, Doc.”
“He will be admitted sa ICU,” ani Samantha. Saka siya tumingin kay Jenneth. “Limited ang visitor doon, right?”
Tumango si Jenneth. “One at a time lang po iyong pwedeng pumasok sa room ni Joshua. Pero pwede nyo rin naman siya makita sa may waiting area, kasi halfway pataas po ay glass na yung wall sa mga ICU rooms dito sa TGH.”
“Maiwan ko na po muna kayo,” ani Samantha. “Nabilinan ko naman po iyong residente na magmo-monitor sa kanya na tawagan ako kung merong updates. I will be back later.” Madaling-araw na rin kasi noon.
“Maraming salamat po, Doc,” ang sabi ni Juliet.
Maging si Jason ay nagpasalamat kay Samantha. At dahil kasama ni Samantha sina Kenneth at Ryan, pati na rin si Jenneth, ay nagpaalam na rin ang dalawa sa kanila.
“Maraming salamat sa tulong ninyo, Ken, Ry,” ani Jason sa dalawa.
“Wala iyon,” ani Kenneth. “Matagal na rin naman na tayong magkatrabaho. Kahit papaano, parang magkakaibigan na tayong lahat. Kaya masaya kaming nakatulong sa inyo.”
“Oo nga, Jay,” sang-ayon ni Ryan. “Tsaka tutulungan ka namin na malutas ito. Kung kailangan kaming tumistigo kung paano namin nakita si Joshua, gagawin namin.”
“At makakaasa ka rin sa tulong ng mga Aguilar,” ani Kenneth. “Sisiguraduhin ko mismo na mai-invovle sila dito, lalo na si Gina.”
“Salamat…” ani Jason sa dalawa.
Pagkatapos noon ay umuwi na ang apat na magkakaibigan. Lumipat na rin ang grupo sa may ICU, at ilang sandali lang ay inilipat na doon si Joshua. Hindi maiwasang mapaiyak ni Juliet nang makita ang kalagayan ng anak.
“Diyos ko! Anong ginawa nila sa anak ko?” umiiyak niyang tanong.
May benda ang ulo ni Joshua at puro pasa ang mukha nito. May nakalagay ding tubo sa ilong nito. Kung anu-ano ring aparato ang nakakabit sa kanya, at hindi lang isa kundi dalawang dextrose ang nakakonekta sa kanyang kamay.
Lahat ng nandoon ay nahabag sa itsura ni Joshua na taliwas sa masiyahin at masigla nitong personalidad. Ngayon ay isang walang malay at mahinang lalaki ang nakikita ng lahat.
Hindi lang si Juliet ang napaiyak sa itsura ng anak. Maging ang asawa niya na nakaalalay sa may likuran niya ay tahimik ding lumuluha. Si Jasmin, hawak-hawak sa balikat ni Terrence na sinusubukan din siyang pakalmahin, kahit ito mismo ay nalulungkot sa nakikitang kalagayan ng kaibigan.
Ang kuya namang si Mike ang umaalo kay Garee, na hindi pa yata umiyak ng ganoon sa buong buhay niya. Si Carol naman ay ang ama ang umaalalay sa kanya.
And then, there’s Vic. Kagaya ni Jason ay tahimik lang siyang lumuluha habang nakatingin sa kalunos-lunos na kalagayan ng kaibigan. Hindi niya maiwasang magalit, sa mga taong gumawa nito kay Joshua, at sa katotohanang kay Joshua pa nangyari ang ganito.
Bakit kailangang mangyari ito sa kaibigan? Ngayon pang nakapag-usap na sila, at nagawa na nilang ayusin ang lahat-lahat sa pagitan nila. No more secrets. No more skeletons in the closet.
Then it hit him. Kung hindi nalaman ni Joshua ang tungkol kay Maine, maybe… maybe he didn’t have to go to Hacienda to talk to him. Hindi niya ito niyayang doon mag-dinner, at hindi ito gagabihin ng uwi. Kaagad sana itong makakauwi, and the incident might not have happened.
Right. Even if they talked, if he did not insist that he have dinner sa bahay nila, baka naiwasang mangyari ito. It’s all his fault. Mali ang naging desisyon niyang yayain itong mag-dinner sa bahay nila!
Dahil sa guilt, pati na sa galit sa sarili, napatakbo siya palabas ng ospital. Hindi niya alam kung saan tutungo, pero gusto niyang makaalis doon dahil sobra siyang nakokonsensiya.
Tanging si Carol lamang ang nakapansin sa biglang pag-alis ni Vic. Abala nga kasi ang lahat sa panonood sa ginagawang pag-asikaso ng mga nurse at doktor kay Joshua sa loob ng ICU room. Hindi nga nagtagal at lumabas ang residente at hinarap ang mga bantay ng pasyente.
“Pwede na po ninyong puntahan ang pasyente sa loob,” ang sabi ng residente. “Pero isa-isa lang po ang pwedeng pumasok. Kailangan n’yo rin pong magsuot ng gown, hair cap at face mask. Vulnerable po ang mga pasyente sa infection na galing sa labas, so as much as possible ay gusto nating maging sterile ang lahat ng papasok sa room nila.”
Si Juliet ang unang pumasok. Si Carol naman ay nagpaalam muna sa ama.
“Puntahan ko lang po si Vic.”
Tumango lamang si Jerry, at naintindihan niyang baka kailangan ngang mapag-isa ng dalawa. Noon lang din nito napansin na wala pala ang lalaki sa kanilang tabi.
******************************
Dahil madaling araw na ay wala na ngang gaanong tao sa TGH. Sa may labas ng ER nakita ni Carol si Vic. Nakaupo ito sa gilid ng plant box habang nakatingin lang ng diretso sa harapan nito. Batid ni Carol na tahimik din itong umiiyak.
“Vic…?” Nilapitan niya ito.
Hindi naman tumingin sa kanya si Vic, pero nagsalita pa rin ito.
“If I didn’t ask him to stay for dinner, this should not have happened.”
“Hey…” Ramdam ni Carol ang guilt sa sinabi nitong iyon. Tinabihan niya ito sa inuupuan.
Noon lumingon sa kanya si Vic.
“We talked about you, and Charmaine.”
Natigilan si Carol.
“Everything was settled… He wanted to leave, but I asked him to stay for dinner.”
Hinawakan ni Carol ang kamay niya. “Hindi mo naman kasalanan. Hindi mo naman alam na may ganoong balak sina John.”
“But if he went home earlier–”
“John might still have seen him, so maaaring ginawa pa rin nila iyon sa kanya. Regardless of the time ng pag-uwi niya, it still could have happened… it was meant to happen…”
Si Carol naman ang naiyak. Si Vic naman ang pumisil sa kamay niya.
“I still can’t believe that… there are people who can do this. Dahil lang kay Gina… I mean, ang tagal nang inalis ni Joshua ang babaeng iyon sa buhay niya. Si Garee na nga ang mahal niya, di ba? Pero bakit andoon pa rin ang anino ni Gina sa buhay ni Joshua? When will she stop ruining his life?”
Ilang saglit din na hinayaan lamang ni Vic na umiyak si Carol. Nang medyo kumalma na ang babae ay saka ito muling nagsalita.
“I think, we should not blame her…”
“Kung hindi dahil sa kanya, kung hindi siya gusto ng John na iyon, hindi sana mangyayari ang bagay na ito.”
“Maybe, she didn’t intend for this to happen,” ani Vic. “We all say things when we are mad…”
“Are you defending her?” puno ng hinanakit na tanong ni Carol.
“I just want to be fair… I also want to be fair to myself. You said that this is not my fault. If I stop blaming myself, I should also not blame others. It’s not fair.”
Hindi nakapagsalita si Carol. Naintindihan niya ang punto nito.
“I met her family earlier, and based on what I saw, I still believe that Gina was raised in a nice family. A good one. It’s still possible that she’s not as bad as we think she is.”
“But she’s not kind either.” Napasimangot si Carol.
“That is irrelevant,” ani Vic. “Being unkind does not necessarily mean cruel.”
“Hindi ba iyon ang kabaligtaran ng kind? Cruel?”
“There’s also indifference.”
Oo nga naman. Pero parang hindi naman iyon si Gina. She is anything but indifferent, dahil lahat ay pinapansin nito at lahat ay tinuturing nitong tungkol sa kanya. Hindi na nga lang nagsalita pa si Carol upang hindi na tumagal pa ang usapan.
“Whoever did this to Joshua should pay,” biglang wika ni Vic. “I will make sure that John and his friends will be arrested.”
Nakakatakot ang determinasyong bumalatay sa mukha ni Vic. Actually, it’s more like fury than just determination. That look sent shivers down Carol’s spine. But nevertheless, she liked the assurance that it made her feel that whatever happened to Joshua, it will be properly recompensed.