The following week ay inilabas na ang mga resulta ng mid-term exams. Ibinigay na ang mga results sa individual classes ng bawat subject. Para sa College Algebra nina Jasmin, Tuesday ibinigay sa kanila ang kanilang mga test results. Halos perfect ang nakuhang marka ni Jasmin. Dalawa lang ang mali niya out of a hundred items. Hindi na masama.
Pagkatapos ng klase ay kinausap siya ni Terrence Mendoza. Nakalabas na siya noon ng klase at pauwi na dahil nga last subject nila ito for the day.
“Miss Vali!”
Walang nagawa si Jasmin kundi ang tumigil sa paglalakad at kausapin si Terrence. Ramdam niya na napatingin sa kanila ang ilang mga estudyante.
“Salamat, ha? Kung hindi mo siguro ako tinulungan mag-review, malamang na wala akong nasagutan doon sa exam natin.”
Napatingin si Jasmin sa paligid. May nakarinig kaya ng mga sinabi ni Terrence? Baka isipin pa nila na magkaibigan silang dalawa.
“Wala iyon.”
“Next time, ako naman ang babawi sa iyo.”
Jasmin looked at him. “Okay lang. Huwag na.” Now, whoever heard that would probably think they really are friends, which is something that Jasmin does not quite like.
“I insist. Ang laking tulong kaya iyong ginawa mo para sa akin. Ewan ko ba kasi kung bakit hirap na hirap ako sa Math… Anyways, if you need help, then just call me. Ako naman ang tutulong sa iyo. Or maybe, if you need a bouquet or a flower arrangement of some sort, just tell me. Ako mismo ang gagawa para iyong flowers and supplies na lang ang babayaran mo. Ang laking discount noon, ah! Ang mahal kaya ng labor sa Sweet Stems kasi nga super good ang mga arrangements namin doon. Hindi nga lang kita pwedeng ilibre sa materials at mapapagalitan ako kay Mamá.” Tsaka siya napangiwi.
Nagulat si Jasmin sa sinabi nito. Hindi niya ikinagulat ang pagbibigay ng discount nito, pati na rin ang pagsasabi nito na mahal ang services sa Sweet Stems because that is typical Terrence Mendoza. Iba ang ikinagulat niya.
“Marunong kang mag-arrange ng flowers?”
“Oo naman,” Terrence said with a lot of pride. “What do you think the greatest florist in town imparts to her son? Eh di her talent.”
Hindi pa rin siya makapaniwala. How come the boisterous Terrence Mendoza perform such gentle skill? But why would she even dwell on that? He could claim a lot of things and it won’t matter. At least to her.
“Hindi ka naniniwala, ano? Bakit? For sure, ikaw meron ka ring hidden talent bukod sa pagiging topnotcher.”
Meron nga ba? That made Jasmin think about herself. Ano bang hidden talent meron siya?
And then she wondered, bakit ba siya nag-iisip pa? How come this Terrence Mendoza made her think of something like that about herself? Eh ano naman ngayon kung wala siyang hidden talent? As if that would matter.
“Sige, maiwan na kita,” paalam ni Terrence. “May susunod pa akong klase.”
Tumango lamang si Jasmin.
“See you, Ms. Vali!”
Iniwan na siya nito, much to Jasmin’s relief. As much as possible ay ayaw niyang isipin ng iba na close siya kay Terrence Mendoza. She doesn’t want to be associated with this proud and boisterous member of the dela Rosa clan.
******************************
Friday nang ipinaskil ang Top 100 sa bawat year level sa bawat school. First to second year iyon, dahil halos pare-pareho pa ang mga subjects ng bawat course. Sa third year onwards ay per course naman ang ranking.
Matataas naman ang mga grades na nakuha ni Jasmin. Hindi nga lang basta mataas. Halos perfect niya ang lahat ng mga subjects niya. Dahil doon ay siya ang Top 1 sa lahat ng first year students sa Business School. Napangiti siya nang makita ang pangalan niyang nakapaskil sa may bulletin board sa BS.
“Congratulations!”
Napatingin siya sa nagsalita. It was Angel Martinez, their neighbor and a fellow Accountancy student.
“Top 1 sa lahat ng first year sa BS,” anitong nakangiti sa kanya.
“Salamat, Ate. Ikaw din naman, eh. Top 1 sa lahat ng third year Accountancy students.”
Angel smiled. “Swerte kasi iyong lugar natin. Kitam, mag-neighbors tayo.”
Jasmin smiled at her.
“O sige, maiwan na kita,” paalam ni Angel sa kanya. “Pupunta pa ako sa JPIA office at ang dami naming kailangang asikasuhin for the Business Week.”
Oo nga pala. After the exams week, and Business Week naman ang inaabangan ng lahat ng taga-Business School. Ang alam niya, taunang event iyon kung saan may iba’t-ibang event na sinasalihan ng mga estudyante sa BS. Kabilang na nga doon ang pageant na sasalihan ni Nick.
“First time mo palang mag-Business Week, ano? Masaya iyon,” ani Angel. “Kung meron kang event na gustong salihan, sabihin mo lang sa akin.”
Jasmin smiled. “Ate, meron na ba tayong representative sa Mr. & Ms. BS?”
“Oo,” sagot ni Angel. “Could you believe it? Si Bryan de Vera yung Mr. JPIA natin, and Ms. JPIA is Kim Agustin, a first-year student.”
So that’s it. She was never considered. Bakit pa ba umasa si Jasmin, at bakit ba siya naniwala sa sinabi ng mga barkada niya? Of course, they would tell that to her, especially Carol who has always been so nice to her.
So nice and beautiful. Can anyone be so perfect?
“Were you planning to join?” tanong ni Angel. “Naku, sorry! Hindi ko alam. Medyo gahol na kasi kaya hindi ko na napag-isipan ng maayos. Actually, nagkaproblema nga ako doon at si Bryan lang talaga ang nakaisip na si Kim ang kunin.”
“Okay lang, Ate!” ani Jasmin na nag-blush pa dahil sa hiya. Bakit ba kasi niya na-brought up ang issue na iyon? Tuloy, akala ni Angel ay may balak siyang sumali sa pageant na iyon. “Wala naman talaga akong balak sumali doon. Naisip ko lang kasi… kasi si Nick, sasali siya doon.”
“Nick Jacinto? Talaga?”
Tumango si Jasmin. “Siya yung Mr. OMS.”
“Ah… Oh well, si Bryan de Vera naman ang Mr. JPIA. Don’t you think we have a fair chance to win over him?”
Napangiti si Jasmin. And as if on cue, biglang dumating si Bryan de Vera.
“I think I heard you say my name,” ang sabi nito kay Angel. Nang makita si Jasmin ay nginitian niya ito. “Hello.”
“Hi…” Looking at Bryan de Vera, Jasmin thinks that it’s not just a fair chance they have. Baka nga si Bryan ang manalo na Mr. BS. Hindi niya alam kung matutuwa siya para sa org nila, o malulungkot siya para kay Nick.
But for Ms. BS, Jasmin wants their representative to win. Bigla tuloy siyang na-curious kung sino ang Kim Agustin na iyon. Parang wala siyang subject na kaklase niya ito.
“So paano? Punta na akong JPIA,” muling paalam ni Angel. “Iyong mga events na pwedeng salihan, andun sa kabilang bulletin board. Baka meron kang gustong salihan.”
“Sige, Ate.”
Angel looked at Bryan. “See you.”
Bryan smiled back at Angel, and Jasmin felt kind of confused. In a good way. Ang alam kasi niya, not in good terms ang mga Martinez at de Vera. But looking at Angel at Bryan right now, parang wala naman iyong grudge na ikinuwento ng mga parents nila minsan. O, siguro hindi kasama ang dalawang ito sa alitang iyon.
Jasmin actually felt weird, because she kind of felt something between Angel and Bryan. Hindi niya mawari kung ano iyon, but she likes seeing them together. She likes seeing them look at each other.
“So… I’ll see you around also?” tanong ni Bryan sa kanya nang makaalis na si Angel.
Nakangiting tumango si Jasmin.
“Sige, bye!” paalam ni Bryan.
“Bye…”
It feels weird talking to Bryan de Vera. Oo nga at magka-village sila, at masasabi rin namang mayaman silang pamilya, but the de Veras are on a different level. They belong to the elites of Tarlac. Much like the dela Rosa.
But then, her brother is the best friend of a dela Rosa, and she regularly talks to Terrence Mendoza. So maybe, she should not feel weird at all.
Nang mapadaan sa kabilang bulletin board ay nakita niya ang list of activities para sa Business Week. She casually read it, until her eyes set on a particular item.
Business School Idol
It is a singing contest, obviously, based on the popular talent show American Idol. Wala pang details ang nakalagay doon, only the clarification that it’s not included in the overall departmental competition. Ibig sabihin, walang bearing ang panalo sa contest na iyon pagdating sa pag-determine kung sino bang organization sa BS ang overall champion sa lahat ng events.
Jasmin knows she could sing, but is it enough for her to join that specific contest? At bakit nga ba niya biglang naisip na sumali sa contest na iyon? Hindi naman siya dating nakikisali sa mga ganoon, dahil sabi nga ng kuya niya, masyado siyang mahiyain. But something inside her is telling her to somehow try. Something inside her is telling her that maybe, it’s time to come out of her shell and prove that she could be someone more than that nerd girl everyone knows.
For sure, ikaw meron ka ring hidden talent bukod sa pagiging topnotcher.
Bigla tuloy siyang nagsisi na nakipag-usap pa siya kay Terrence Mendoza.