Kaagad na kumalat ang video ni Gina sa Silent Thoughts tungkol sa panawagan niya kay John na sumuko na sa kinauukulan. Lahat ng mga estudyante sa CPRU na may access sa nasabing Facebook page ay kaagad napanood ang nasabing video, at ang ilan ay ishinare pa ito maging sa kanilang mga personal account.
Dahil doon ay naging aware ang lahat sa kalagayan ni Joshua Ignacio. Dagsa ang suporta ng mga kapwa niya estudyante, pati na rin mga empleyado ng CPRU na nakapanood ng video. In an instant ay naging viral ang video, at lahat ay nananawagan sa pagsuko ni John Caleb Gomez at ng kanyang mga kaibigan.
Dahil din doon ay dumagsa ang mga gustong makibalita sa kalagayan ni Joshua sa Tarlac General Hospital. Kung dati ay sikat na si Joshua sa kanilang paaralan, mas lalo pa ngayon. Halos oras-oras ay may mga estudyante na pumupunta sa TGH ICU upang makibalita sa kanyang kalagayan. May mga dala din ang mga ito ng kung anu-ano, katulad ng mga bulaklak, o kaya mga get-well-soon cards and banners para sa atleta.
Maging ang pamunuan ng CPRU ay nangako na tutulong sa imbestigasyon, lalo na at ang kasalukuyang CEO ay kaibigan ng doktor ni Joshua na si Samantha de Vera.
“I thought we would see each other again during your wedding,” ang sabi ni Stan Fontanilla kay Samantha. Nasa labas sila ngayon ng ICU room ni Joshua.
“Ay, hindi ba tayo invited sa shower party niya?” ang sabi naman ni Jared, kapatid ni Stan.
“Yeah, well… this happened.” Itinuro ni Samantha ang pasyente sa kabila ng glass wall.
“I will do what I can para makatulong sa imbestigasyon ng mga pulis,” ani Stan. “Although, I doubt if meron pa kaming kailangan idagdag sa ginagawa ng mga pulis.”
“Fortunately, Joshua is somehow connected to the dela Rosas,” ang sabi naman ni Jared. Nabalitaan na kasi nila ang involvement ng mga dela Rosa sa kaso. “At least, malakas ang kapit niya at makakasiguro tayong mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya.”
“Even so, this should not have happened. Nobody deserves this kind of treatment,” ani Samantha.
“Don’t worry. I will think of ways para maiwasang mangyari ito sa ibang mga estudyante namin sa CPRU. Or at least, just to make sure na magiging mas safe ang mga bata sa loob ng campus,” pangako naman ni Stan.
“But that’s just inside,” ani Samantha. “This happened outside the university.”
Saglit na natahimik si Stan. Then, he said, “I’ll figure something out.”
“I know, you can,” ang sabi naman ni Samantha.
“So, invited na kami sa shower party mo?” biro naman ni Jared.
******************************
It’s Wednesday afternoon, at halos patapos na ang working hours ni Carol, nang tawagin siya ni Vic sa loob ng opisina.
“Today is Aroma Angel’s grand opening,” ang sabi ni Vic. “Mamá and Papá will be there, as well as our other relatives. I would have wanted you to come as well, since you helped me with the menu, but I know you want to go to Joshua immediately after work. I just thought you might want to know.”
“Okay lang,” ani Carol. “Pwede rin naman akong pumunta, pero iniisip ko si Garee. Depressed pa rin siya dahil sa nangyari, eh. As much as possible, gusto ko siyang samahan, lalo na medyo umiwas ako sa kanya nitong nakaraan.”
Napayuko si Carol dahil sa hiya, at naintindihan naman ni Vic kung ano ang ibig nitong sabihin. Hindi na lang din siya nagtanong pa tungkol doon.
“Just tell the others I won’t be able to make it tonight,” ang sabi na lamang niya.
Araw-araw din kasing pumupunta ng ospital si Vic, hoping na sa pagdalaw niya ay makita na niyang nakagising ang kanyang best friend.
“Sige,” ang sabi naman ni Carol.
******************************
Pagdating ni Vic sa Aroma Angel nang gabing iyon ay nandoon na ang kanyang mga magulang. Actually, lunch time pa lang ay nakabukas na ang nasabing restaurant, pero dahil nga sa Manila pa manggagaling ang mag-asawang dela Rosa ay noong dinnertime talaga ang pinaka-main event ng opening nito.
Gaya nga ng sabi ni Vic, andoon lahat ang mga dela Rosa. Or, at least their family, ang pamilya ng tito niyang si Mayor Rodrigo, at maging ang mag-inang Theresa at Terrence.
“Hindi ka pupunta ngayon sa TGH, Kuya?” tanong ni Terrence kay Vic. Magkatabi sila ngayon sa mahabang lamesa kung saan naroon ang tatlong maing branch family ng mga dela Rosa.
Umiling si Vic bilang sagot kay Terrence, pero dahil sa tanong ng pinsan ay na-brought up bigla iyong tungkol sa nangyari kay Joshua.
“How is Joshua nga pala, Vic?” tanong ni Betty sa anak.
“Still unconscious, Ma. He’s still in coma, but they already transferred him out of the ICU,” sagot niya.
“Oh, my God…” naaawang bulalas ni Betty.
“Ano na bang nangyari sa investigation?” tanong naman ng ama niyang si Enrique.
Si Rodrigo ang sumagot sa nakatatandang kapatid.
“Pinalipat ko na iyong hepe nila dito, Kuya. Pamangkin pala nung isang suspect. Imbes na i-turn over ang pamangkin dahil sa kasalanan, itinago pa. Right now, the entire police are in full force locating the four suspects.”
“Sana naman, mahanap na iyong mga iyon. Grabe sila,” komento ni Betty.
“Pinatulong ko na nga rin ang mga tauhan natin sa paghahanap,” ang sabi pa ni Enrique.
“Itong si Vic, gabi-gabi sa ospital, Ma, Pa,” sumbong naman ni Vincent. “Kulang na nga lang, doon na matulog, eh.”
“Eh, ganoon talaga. Best friend niya iyong si Joshua,” ang sabi na lamang ni Betty.
“Nakakalungkot nga na that happened after he went to our house for dinner,” ani Vincent. “Dapat pala pinasundan ko siya noong pauwi na siya sa Moonville. We could have prevented it from happenning.”
“We cannot forever regret what we could and we could not have done, Kuya,” ang sabi ni Vic sa kapatid. “Nobody wanted that to happen to Joshua. I’m sure he would not take it against you if he went home all by himself that night.”
“Oo, pero… nakakainis lang kasi.” Napasimangot si Vincent.
“Vic, Hijo, how about you bring dinner na lang doon sa mga friends mo doon, pati na sa family ni Joshua?” bigla’y tanong ni Betty.
“Really? I could go?” natutuwang tanong ni Vic.
“Oo. Then after dinner, daan din siguro muna kami doon to check Joshua. Sabay ka na lang noon sa amin pag-uwi,” ang sabi pa ni Betty.
“Okay, then.” Napangiti si Vic habang tuluyan na siyang natuwa sa mga nangyayari.
Tinawag naman ni Betty ang manager ng Aroma Angel at siya na mismo ang nag-order para sa dadalhin ni Vic sa TGH.
“Pauna na muna iyon kaysa iyong order namin. Para makaalis na si Vic,” aniya. Tsaka siya tumingin sa bunsong anak. “Is there something else we need to add?”
“I think that is perfect. Thank you, Ma.”
Sa totoo lang ay sobrang dami na ng inorder ng kanyang ina para lang sa mga bantay ni Joshua sa ospital. Pero alam naman ni Vic na ganoon talaga ang kanyang mamá. Hindi naman sa nagmamayabang ito, pero sobrang thoughtful lang talaga nito na laging may extra kapag nagbibigay ito sa kapwa.
And Betty Santiago is always extra in everything.
“Can I also come with Kuya Vic, Ma?” tanong naman ni Terrence sa ina.
“Hmm! O sige na nga!” kunwa’y napipilitan pang wika ni Theresa. Pero ang totoo, ganoon lang talaga ang bunsong kapatid nina Cong. Enrique at Mayor Rodrigo. Para itong pabebe pa rin kahit na na nasa mid-forties na ang babae.
“Si Alfredo na ang mag-drive sa inyo,” ang sabi ni Enrique sa magpinsan. “At pasamahin n’yo na rin si Ron para ma-check nila iyong area before we go there.”