Eto na ang araw na pinakahihintay ni Clay. Ang tanggalin ang benda na nakabalot sa mukha ni Lawrence. Kahit delikado ang pangalawang operasyon sa mukha ni Lawrence, pumayag pa rin siya. At kung ano man ang kalalabasan, tatanggapin niya. Desidido na lang magbago si Lawrence.
“What are we doing here at the hospital?” nagtatakang tanong ni Yuna. Hindi niya alam kung sino ang bibisitahin dahil, nasa bahay nila ang ama ni Lawrence kasama ang kanyang ama at doon nagpapagaling.
“Clay,” banggit ni Yuna sa pangalan ng asawa dahil hindi siya nito sinasagot.
“You’ll know when we get to his room,” nakangiting sagot ni Clay.
“Kasama natin talaga si Xandrei?”
“Yup! Para makilala niya agad ang bago niyang tito,” paliwanag ni Clay.
“Tito?”
“Just trust me, okay?” Kumindat ang kaliwang mata ni Clay.
Naunang lumabas ng sasakyan si Charles. Sumunod naman agad si Sandra. Kinarga ni Clay si Xandrei at bumaba sila ng sasakyan. Walang nagawa si Yuna kundi sumunod. Pumasok silang lahat sa ospital at agad na pumunta sa kwarto ni Lawrence. Pagbukas ni Charles ng pinto, napahinto si Yuna. Nakita ng kanyang mga mata ang isang taong nakaupo sa kama at nakabalot ang kanyang mukha.
“C—Clay….”
“Sshhh…” suway ni Clay kay Yuna. Alam na ni Yuna kung sino ang taong nakikita niya.
Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Bigla niyang niyakap si Clay habang karga si Xandrei. Natutuwa si Yuna na may mabuting puso si Clay. Hindi rin nagkamali si Clay. Nagustuhan ni Yuna ang desisyon nila para kay Lawrence. Tinutupad lang ni Clay ang pangarap ni Yuna. Hayaan silang mamuhay ng masaya. May kapayapaan. At hindi mawawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa pati na rin sa ibang miyembro pa ng kanilang pamilya. Ayaw ni Yuna ng magulo na buhay. At iyon lang ang ginagawa ni Clay, pasayahin lang si Yuna dahil mahal na mahal niya ito.
“Kanina ka pa namin hinihintay, sisimulan ko nang tanggalin ang benda sa mukha niya,” wika ng doktor.
Huminga nang malalim si Lawrence. Tumango si Charles dahil ito ang doktor na kausap niya at araw-araw din niyang binabantayan si Lawrence. Dahan-dahang tinanggal ng doktor ang pagkakatakip sa mukha ni Lawrence habang nasa tabi niya ang isang nurse na may hawak na salamin.
Nakabalot ng makapal na benda ang mukha ni Lawrence. Pinipigilan ang anumang impeksyon. Ginawa ng mga doktor ang lahat para maibalik ang mukha ni Lawrence. Kaya naman nang matanggal lahat ng benda sa mukha niya ay natigilan si Yuna. Agad niyang tinakpan ang bibig gamit ang dalawang kamay habang bahagyang nanginginig. Unti-unting bumukas ang mga mata ni Lawrence. Medyo malabo pa ang paningin niya. Kaya pumikit ang mga mata niya.
“Hhmmm… ganyan ba talaga itsura niya? Honestly, he got the looks, ha!” biglang nagsalita si Sandra. Medyo kahawig talaga ni Lawrence si Clay at Charles. Magkapareho sila ni Clay ng pangangatawan. Matangos ang ilong niya at kissable lips. Matangkad. Nang mag-adjust ng tingin ang mga mata ni Sandra kay Charles, isang matalim na tingin ang sumalubong sa kanya.
“What? I’m just telling the truth,” dagdag ni Sandra. Narinig ni Lawrence ang boses ng dalaga. Naiinis na naman siya kay Sandra.
“Are you okay?” tanong lang ng doktor kay Lawrence. Tumango si Lawrence at muling pumikit. Tumingin ang doktor sa nurse at pinapunta ito sa presensya ni Lawrence. Tinapat ng nurse ang salamin sa mukha ni Lawrence.
“Maaari mong imulat muli ang iyong mga mata,” utos ng doktor. Dahan-dahang iminulat ni Lawrence ang kanyang mga mata hanggang sa nanlaki ito sa gulat. Bumalik ang dati niyang mukha. Hindi kumukurap ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na dininig ng Diyos ang kanyang mga panalangin. Maingat niyang hinaplos ang mukha. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Nang biglang umalis ang nurse sa kanyang harapan. Tumambad sa kanya si Yuna habang ito ay umiiyak din.
“Y—Yuna,” sabi ni Lawrence sa pangalan niya at kusang bumaba sa kama. Pinunasan ni Yuna ang kanyang luha.
“I’m happy for you,” mahinahong sabi ni Yuna. Ngumiti siya kay Lawrence at hindi na napigilan ng binata na lumapit kay Yuna para yakapin ito nang mahigpit.
“I’m really sorry! Patawarin mo ako!” Hindi nagsasawang humingi ng tawad si Lawrence sa kanya.
“It’s okay now, Lawrence,” bulong lang ni Yuna at niyakap din si Lawrence. Tinapik ni Yuna ang likod ni Lawrence.
“Wait lang! Okay na. Maghiwalay na kayo. Tama na ang yakap,” pagsingit ni Clay. Nagsimula na naman ang selos nito. Napailing si Charles habang tumatawa. Agad namang inalis ni Lawrence ang pagkakayakap kay Yuna. Nakangiti siya habang umiiyak.
“Who is he?” Biglang tinuro ni Xandrei si Lawrence. Lumapit si Yuna sa mag-ama.
“He is your uncle,” sagot ni Clay sa kanyang anak.
“Tito Lawrence,” dagdag ni Sandra sa pangalan ni Lawrence.
“And, I’m Sandra,” pakilala ni Sandra. Inilahad niya ang kanyang kamay. Pero bago pa mahawakan ni Lawrence ang kamay ni Sandra, bigla siyang hinila ni Charles sa gilid niya.
“What again?” inis na tanong ni Sandra.
“Can’t you wait to introduce Lawrence to you?” Nakikita na naman ang malamig na ugali ni Charles. Nagkatinginan ulit sina Clay at Yuna.
“I didn’t see anything wrong with what I did. Excuse me,” masungit din na sagot ni Sandra. Humagalpak ng tawa si Clay. Alam niyang may something kay Charles.
“Okay, successful talaga ang operation. Lalabas na kami,” pagsingit ng doktor sa kanila.
“Thank you!” Nagpasalamat muna si Lawrence. At sinundan nilang lahat ng pasasalamat. Maya-maya ay umalis na ang doktor at ang nurse. Hinarap ni Charles si Lawrence.
“The next step, be with us. Be our brother,” alok ni Charles kay Lawrence. Sandaling natigilan si Lawrence. Tila sobra na ang biyayang natatanggap niya. Inilipat niya ang tingin kay Clay. Ngumiti si Clay at tumango. A sign para tanggapin ni Lawrence ang offer ng kapatid. Tumango si Lawrence. Magbabago na ang buhay niya.
“Good! I’ll give you more opportunities. Join us now. Wala ka nang ibang mapupuntahan ‘di ba? Dahil wala na ang lahat ng pag-aari mo,” paliwanag ni Charles. Tinapik din ni Charles ang balikat ni Lawrence. Nagsimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ni Lawrence. Kinuha ni Yuna si Xandrei kay Clay.
“I don’t know how I can really sin—” Hindi na natapos ni Lawrence ang sasabihin, nang bigla siyang niyakap ni Clay.
“Ngayon, komportable na akong hawakan ka, hindi na tayo magkamukha. Huwag mo kaming pasalamatan. Magsimula ka lang at huwag kang gagawa ng masama,” simpleng sabi ni Clay. Lumabas si Clay sa pinto. At syempre, susunod ang mga paa ni Lawrence dahil nakasabit ang mga kamay ni Clay sa balikat niya.
“Kaya mo ba iyon?” tanong ni Clay kay Lawrence pagkalabas nila ng kwarto. Tumango lang si Lawrence. Inalis ni Clay ang braso niya sa balikat ni Lawrence.
“Ano pang hinihintay mo, tara na! Naghihintay na ang bagong pinto ng buhay mo,” masayang sabi ni Clay kay Lawrence.
Sinundan din nina Yuna, Charles, Sandra, at Xandrei sina Clay at Lawrence. Walang ibang gamit si Lawrence. Dinala lang niya ang sarili niya. Para sa kanya, wala na siyang mahihiling pa. Ang kailangan lang niyang gawin ay huwag biguin ang magkapatid na Clay at Charles.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




