My Bubbly Girl (Final Chapter)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

THREE months later.

“First runner up is Ms. Sarah Abelardo. The new Miss SPU is Miss Michelle Narvasa!” malakas na anunsiyo ng host ng Miss SPU.

Umugong ang malakas na sigawan at palakpakan ng audience na pumuno sa malawak na St. Patrick Hall. Nangunguna sa pagtsi-cheer ang SPUDS officers and members nang tanghaling Miss SPU si Michelle.

Panay ang kaway ni Michelle sa mga kasamahan habang walang tigil ang sigawan at palakpakan. Nakikita rin niya sa audience ang magulang niya at mga kapatid pero nakatuon ang mga mata niya kay Migo na nasa isang sulok ng bulwagan.

Hindi pa rin niya ito sinasagot kahit wala na itong relasyon kay Sarah. Hindi naman na kinailangang makipag-break ni Migo dahil kinalunesan pagkatapos ng outing nila sa Batangas ay mismong si Sarah na ang nakipag-break dito nang makita nitong naka-post na sa Facebook ang mga larawan nila at video na i-dinokumento pala ng buo ni Jun. Pati ang paghawak ni Jun sa kamay niya habang nag-uusap sila sa bench sa may beach front ay nakunan nito nang hindi nila namalayan.

Sa tindi ng galit ay nakipaghiwalay si Sarah kay Migo. After a month ay may bago nang boyfriend si Sarah na Engineering student din.

Gayunman ay pinanindigan ni Michelle ang pagpapakipot kay Migo. Kailangan nitong maghintay ng tamang panahon. She wanted to test his patience. Siyempre, hindi na rin niya kailangang itago ang totoong siya na madaldal at galawgaw. She was just being herself. Kaya nga siya nanalo bilang Miss SPU ay nakuha niya ang boto ng mga hurado sa pagiging totoo niya.

Nagbigay ng blow-out ang mommy at daddy niya para sa kanyang mga kaibigan sa pagkapanalo niya. Dumiretso sila sa isang restaurant. Dahil open book na sa lahat ang panliligaw ni Migo sa kanya ay naging tampulan sila ng tukso.

Naawa naman siya kay Migo kaya nang pauwi na sila ay sa kotse nito siya sumabay. Inihatid siya nito hanggang sa bahay at inimbitahan niya itong pumasok sa loob. Busy siya ng nakaraang mga araw dahil sa pageant kaya wala silang pagkakataong makapag-usap nang matagal.

“O? Ano’t nananhimik ka d’yan?” untag niya nang  nasa salas na sila. Magkatabi sila sa mahabang sofa.

“Wala. May iniisip lang ako.”

“Baka hindi na ako ang iniisip mo, sabihin mo lang. Madali akong kausap.”

Nilingon siya ni Migo. “Puro ka naman biro, eh.”

“Masyado ka kasing seryoso. Baka ma-ICU ka n’yan, sige ka.”

“Hanggang kailan mo ba kasi ako titikisin at pahihirapan? Three months na akong nanliligaw sa iyo ah.”

Tinitigan niya ito. “Nagrereklamo ka na Mister?”

“Hindi sa ganoon kaya lang naiinis ako sa mga guys na sobrang makatitig sa iyo kanina. If they will know na akin ka na, I’m sure they will think twice na tingnan ka ng ganoon.”

Ang saya! “Hmm…dyeling?”

“Oo. Nagseselos ako.”

“Wala ka namang dapat ipagselos. Alam mo naman ang estado natin, hindi ba? Kulang na lang ay formality. Sumasama naman ako sa iyong mag-date.”

“Kaya nga eh. I want to seal our relationship. Huwag na nating patagalin pa.”

Nagbiro siya. “Kasi baka mag-propose ka agad ng kasal sa akin kapag sinagot na kita.”

“Chelle, please naman.”

Gusto na niyang bumigay at tapusin na ang parusa rito. “Talaga bang hindi ka napilitan lang na ligawan ako?”

Napakamot ito sa ulo. “Naman! After all I’ve done, nagdududa ka pa rin sa akin? Ang tagal ko nang naghintay.”

“Three months pa lang. Mas matagal akong nagpa-cute sa iyo. Two years kaya ‘yon.”

“Two years and three months…can you imagine na ganoon na katagal nating hinihintay ang isa’t isa.”

“Galawgaw ako. Madaldal ako. Are you sure na gaya ko ang gusto mo?”

Ginagap nito ang kanyang kamay. “How many times will I have tyo tell you na ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko at gusto kong maging ina ng magiging mga anak ko. Hindi mo pa nga ako pormal na sinagot pero ipinakilala na kita sa mommy at daddy ko. Hindi pa ba sapat na patunay iyon?”

“You mean, noong…noong nasa beach tayo at nag-uusap kayo ni Jun na gusto mong magkaroon ng maraming anak, ako ang nasa isip mo?”

“Ikaw nga.”

“Hindi nga?”

Pinisil nito ang dunggot ng ilong niya. “Ang kulit!”

“Totoo rin ba ‘yong sinabi mo na gusto mong mag-asawa at the age of twenty-eight kapag certified lawyer ka na?”

“Oo.”

“Naku…eh dapat pala mag-asawa na ang mga kuya ko para hindi ko sila maunahan kung sakali. Your plan is in six years time, right?”

Natawa na ito. “Yeah.” Mas hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay niya.

“Eh…sabi mo, gusto mo ng maraming anak. Paano naman ang career ko kung sakali? Gusto ko ring maging lawyer, ano?”

Inilapit na nito ang mukha sa kanya. “Puwede ba, sagutin mo muna ako bago natin pagdebatehan ang kung anu-anong bagay. I am sure we can come up with a resolution.”

“That will be unfair kasi best debater ka eh. Matatalo ako sa debate.”

“Michelle, yes or no?”

“Or.”

“Isa…”

Ngumiti siya ng ubod ng tamis.

“…dalawa…tatlo…”

“Sabihin mo munang mahal mo ako.”

“Mahal na mahal na mahal kita Miss Bubbly Girl.”

Baka sobra na siyang maging OA kung patatagalin pa niyang masyado ang paghihintay ni Migo. Sigurado naman na siyang totoo ang damdamin nito sa kanya. Hinaplos niya ang mga pisngi nito bago ikinulong ang mukha nito sa kanyang mga palad. “Mr. Migo Delmar…I want you to know that…I have loved you since I first laid my eyes on you. I love you now and I will love you forever. Kaya…oo…iyong-iyo na ako.”

Tongue-tied si Migo. Nakatitig lang ito sa kanya.

“O? Bakit para kang natuka ng ahas? Sinagot na kita.”

“Can…can I kiss you now?”

Bigla niyang binitiwan ang mukha nito. “Ah…sobra na ‘yan ha? Kasasagot ko pa lang sa iyo. At saka baka makita tayo nina Daddy at ng mga kuya ko. Ayoko nga.”

Natawa si Migo. Ginagap nito uli ang kamay niya. “Sige na nga. Holding hands na lang.”

Luminga siya. Tahimik sa paligid. Inalihan siya ng kapilyahan. Binigla niya si Migo nang muli niyang hawakan ang mukha nito at siya mismo ang humalik sa labi nito. She did it in such a way that she teased him.

Namula ang mga pisngi ni Migo. “Pilya ka talaga.” Akmang ito naman ang hahalik pero umiwas siya.

“Oppsss…that’s enough for now.”

Sumeryoso ito. “Thanks, honey. Thank you for making me this happy.”

“Honey? Hmmm. I love it. I will call you Honski.”

“Ano ‘yon?”

“Wala. Different term for honey. Para maiba lang.”

Nakangiting napapailing ito. “I wonder kung paano ka magiging lawyer. Wala yata sa vocabulary mo ang mag-seryoso.”

“Oy…bubbly lang ako pero serious naman ako sa buhay, di ba?”

Inakbayan siya nito. “I know. And I’m very proud of you. Like I’ve said, you don’t have to change the way you talk and the way you act. I love you the way you are.”

Isinandal niya ang ulo sa balikat nito. “Mas proud po ako sa iyo.” And she could hardly wait to be Mrs. Migo Delmar. Hindi na lang niya isinatinig iyon at baka bigla siya nitong yayaing magpakasal.

“I guess I have to talk to your parents and brothers. Gusto kong ako mismo ang magsabi sa kanila na officially ay girlfriend na kita.”

“As in? Seryoso ka?”

“Honey…I have never been this serious in my life. Gusto ko silang makausap.”

“Eh alam naman nilang love kita, eh.”

“Basta. Huwag ka nang makulit. Puwede bang tawagin mo sila para makapagsabi ako at masiguro ko sa kanilang hindi kita sasaktan at hindi ko sisirain ang tiwala nila sa akin?”

“Mamaya na. Gusto ko, tayo munang dalawa rito.”

Hay…napakasarap ng pakiramdam ni Michelle. It felt like heaven. Sa wakas ay napasa-kanya rin ang lalaking matagal niyang itinangi sa kanyang puso. All she had to do now was to take good care of their relationship and ask God’s guidance.

Maraming taon pa ang kanilang gugugulin pero alam ni Michelle na mapagtatagumpayan nila ni Migo ang lahat ng pagsubok dahil matibay ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan.

Who would ever think na ang isang seryosong lalaki ay magkakagusto sa galawgaw at madaldal na gaya niya?

Talagang mahiwaga ang pag-ibig.

 

*****WAKAS*****


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bubbly Girl (Final Chapter)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.