MAIHAHALINTULAD ni Rafael ang sarili at ang dalaga sa posporo at palito. Na oras na magdikit ay agad na magliliyab. Pagkapasok pa lamang ng ancestral house ay agad niya itong niyakap at siniil ng halik. Umungol lamang ito at malayang tinatanggap ang kanyang mga halik. Ilang sandali niya pang hinalik-halikan ang dalaga. He was teasing her lips. Pagkatapos ay binuhat niya ang dalaga patungong master’s bedroom. Diretso sa banyo. He took off both of their clothes. He looked at her. Sandaling tinitigan ang kahubdan ni Aliyah. Pagkatapos ay muli niya itong siniil ng halik. Una ay mababaw lamang. Nanunukso. Hanggang sa lumalim. Naghahanap ng katugon.
“Open your mouth, sweetheart,” nanginginig ang boses na utos niya rito. Sumunod naman ang dalaga. And he went wild dahil doon. Nag-umpisang maglakbay ang kanyang mga halik. From her lips…to her earlobes. She just kept on moaning. Hanggang sa bumaba ang kanyang mga labi sa leeg nito patungo sa dibdib. Halos masabunutan siya nito dahil sa ginawa niya. Hindi pa siya nakuntento. From her breast…down to her navel and down more.
“Rafael…” anas nito.
Tiningala niya ito. He felt so happy sa nakikita niyang kasiyahan sa mukha nito dulot ng sensasyon. His lips stayed there for a while. Biting it…teasing it.
“Rafael…”this time she was screaming out loud.
He still wanted to tease her. Pero mas siya ang hindi na makatiis. Binuhat niya ito at dinala sa kama. And then, positioned himself onto her.
Pagkatapos nang mainit na tagpo sa pagitan nila ng dalaga ay walang sawang tinitigan ni Rafael si Aliyah. Nakahiga ito sa kanyang tabi at nilalaro ng daliri nito ang balahibo sa kanyang dibdib, but she was half-asleep. They just made love. And he felt so happy dahil siya ang unang lalaki sa buhay nito. Ilang sandali pa ay unti-unti na rin siyang ginupo ng antok.
KATULAD ng ipinangako ni Rafael ay isinama nito si Aliyah pabalik ng Manila. Nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Manang Aurea nang magpaalam siya rito. Maging ang ibang mga kasama niya sa resort ay nalungkot ng malaman na luluwas siya ng Manila. Natatawa na lamang siya dahil hindi naman siya magtatagal doon. Gusto niya lamang mamasyal sa Manila. Pasalamat nga siya at pumayag si Rafael na isama siya nito. Ayon rito ay sa condo unit daw nito siya pansamantalang tutuloy habang nasa Manila siya.
“Mag-iingat kayo ha, Rafael susmeng bata ka, si Aliyah huwag na huwag mong pababayaan.” Habilin ni Manang Aurea bago sila umalis ng resort. Tatawa-tawa ang binata pero seryoso naman itong sumagot na hindi siya nito pababayaan. Hindi niya maiwasan na kiligan sa sinabing iyon ng binata.
Ilang sandali pa ay tinatahak na nila ang kalsada patungong Manila.
Noong una ay nagkukuwentuhan sila ni Rafael habang nagmamaneho ito. Hanggang sa makaramdam siya ng pagkaantok.
“Tulog ka muna,” wika ni Rafael sa kanya. “Alam ko naman na pagod ka pa,” dagdag pa nito sabay kindat nito sa kanya.
Nahihiyang napangiti siya. Kaninang madaling araw ay nagising siya sa mga halik nito. At sa ikalawang pagkakataon ay inangkin siya ng binata. At he went wilder than their first time they made love. At kung hindi siguro sila luluwas ng Manila ngayong umaga ay baka hindi pa siya tigilan ng binata. Hihirit pa nga sana ito pero siya na ang tumanggi.
Mabibining mga halik ang nagpagising kay Aliyah. Nang magdilat siya ng mga mata. It was Rafael showering her tiny kisses all over her face.
“We’re here, sweetheart.” Nakangiting sabi nito sa kanya.
Nauna itong bumaba ng sasakyan nito pagkatapos ay pinagbuksan siya nito ng pinto. Wala naman siyang dalang gamit dahil pinaiwan na iyon sa kanya ng binata. Ipamimili na lamang daw siya nito ng gagamitin niya sa Manila.
Malaki at maaliwalas ang condo unit ng binata. Ayon dito ay pinauupahan daw nito iyon at kababakante na lamang. Iisa lamang ang silid ng unit. Nang ipakita iyon ni Rafael sa kanya ay agad siya nitong hinila pahiga ng kama.
“Sandali lang,” aniya nang may madaganan siya sa kanyang bulsa.
“Ano nga ba iyang nasa bulsa mo?” kunot-noong tanong nito sa kanya. “Napansin ko na iyang maumbok sa bulsa mo na iyan nang umalis tayo ng resort. Nawala lamang sa loob ko na itanong sa iyo at humapit kasi ng mga bilin si Manang Aurea,” anang binata.
Inilibas niya mula sa kanyang bulsa ang isang botelya.
“What’s that?” tanong ng binata. Kinuha ni Rafael sa kanya ang maliit na botelya. “Ano ang mga ito?” tanong nito.
“Alitaptap,” nakangiting sagot niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang botelya sa binata.
An ‘oh’ for from his lips. “Prinsesa ka nga pala nila,” he laughed.
“Okay lang ba?”
“Tell me, naiintindihan ka ba nila?” tanong nito sa kanya.
“Hanggang hindi ko hawak ang magic crystal ball ay hindi kami magkakaintindihan,” sagot niya.
“By next weekend na tayo bumalik ng resort para hanapin ang magic crystal ball mo. Tatapusin ko lang ang mga pending ko para maaari akong magtagal doon kahit dalawa o tatlong araw.”
Tumango na lamang siya. Kinintalan siya nito ng halik sa kanyang ulo pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit.
“Ma-masakit pa ang katawan ko,” reklamo niya rito.
“Assuming ka, sweetheart ha, matutulog lang naman tayo,” biro nito. “Pagod din ako, don’t worry. Gusto ko lang kayakap ka,” dagdag pa nito.
Napahagikgik siya sa tinuran nito. Pagkatapos ay sinandig niya ang kanyang ulo sa dibdib ng binata.
“Pero kung magrerequest ka, pipilitin ko,” sabi nito na kinindatan pa siya.
“Masakit pa talaga,” wika niya na tiningnan ang pagitan ng kanyang mga hita.
Napahagalpak ng tawa si Rafael.
“Nabigla ba?”
Marahan siyang tumango.
“Sorry,” paghingi nito ng paumanhin.
“Masarap naman pero sadyang masakita lang ang…”
Muli itong humagalpak ng tawa. Pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang noo.
“I love you,” masuyong bulong nito sa kanya.
“Totoo?” tanong niya. “Pero paano si Lilibeth?” kagat-labi niyang tanong.
Nalaman niya mula kay Inday ang tungkol sa babae. Hindi niya napigilan ang mapaiyak noon dahilan para malaman ni Inday na may pagtingin siya kay Rafael. Sa pamamagitan ni Inday ay nalimi niya ang totoong nararamdaman niya para kay Rafael. Na umiibig na siya rito. At kahit na hindi siya sigurado kung ano talaga ang nararamdaman ng binata para sa kanya ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga mahal niya ito.
“Sino ang nagsabi – ”
“Si Inday,” putol niya sa sasabihin sana nito. “Alam niya ang tungkol sa atin. Nahihiya nga ako. Kasi hindi ko alam kung ano ba talaga tayo. Wala ka naman sinasabi. Basta na lang may nangyari sa atin pero may nobya ka naman pala,” hindi maiwasan na mabahiran ng lungkot ang kanyang tinig.
Mahigpit siya nitong niyakap.
“Kaya ako nagtagal ay dahil sinundan ko si Lilibeth upang makausap siya ng personal at maisara ko ang tungkol sa amin. Wala pa man nangyayari sa atin ay balak ko na talagang makipagkalas sa kanya. Una pa man kitang makita ay hindi ka na mawala sa isipan ko. Hindi lang ako makakuha ng pagkakataon na makaalis agad para kausapin si Lilibeth dahil hindi ko gustong mapalayo sa’yo ng matagal.”
“Akala ko gagawin mo lang akong palipasan ng oras mo habang nasa resort ka. Pero si Lilibeth pa rin ang – ”
“What a word! Palipasan! Saan mo nakuha ang salitang iyan?”
“May napanood kami ni Inday na nobela. Iyong mayamang lalaki may nobya sa Manila pero may – ”
“Alam mo bang over protective sa’yo si Manang Aurea? Madalas akong sermunan ni Manang. Siya ang unang makakalaban ko kapag niloko at pinaiyak kita. Nauna ko pa ngang ipinagtapat sa kanya na mahal kita kesa sa iyo e,” pag-amin nito.
“Mahal mo talaga ako?”
“Yes, I love you. I tried to supress my feelings for you dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. I never felt this way to Lilibeth or to any other women for that matter. Tanging sa iyo lamang. Kaya kung napansin mo noon, urong-sulong ako kaya dinadaan ko sa panunukso. Pero ang totoo kinokontrol ko lang ang sarili ko hanggang hindi ako sigurado but, eventually naiwala ko rin ang self-control ko.”
Gumanti siya ng yakap dito. She was so happy. May ilang sandali silang nasa ganoong ayos. Nagulat pa siya nang biglang hawakan ni Rafael ang dibdib nito.
“Bakit?” may pag-aalala niyang tanong sa binata.
Taas-baba ang dibdib nito habang bahagyang hinihimas nito ang dibdib nito.
“Biglang kumirot ang dibdib ko na parang may naipit na ugat,” nakangiwing sagot nito. “Pero medyo okay na ako ngayon,” pagbibigay assurance nito sa kanya.
“Sigurado ka?”
Bilang sagot ay niyakap siya nito. “Pahinga na tayo.” Kinintalan siya nito ng banayad na halik sa kanyang noo.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





3 Responses
Foreshadowing na ba yang kirot ni Rafael sa dibdib para sa magiging ending
Nakaka-touch ang concern ni Manang Aurea kay Aliyah. Siya talaga yung alalang-alala sa kanya sa simula pa lang, kahit na si Rafael yung matagal na niyang kilala at naalagaan niya nung bata pa ito.
Naku baka mastroke si rafael nasobrahan sa ka L hahaha