DAHIL walang tubig sa banyo na nasa silid ni Carol ay sa ibaba naligo si Cherry. Silang dalawa ni Carol ay nagtungo sa sala upang hintayin matapos ang pinsan.
“Crush mo si Vince, noh?” walang gatol na tanong sa kanya ni Carol.
“Hindi ah,” kaila niya.
“Hay naku, Dianne, kahit hindi mo aminin e, halata ko naman. I wasn’t born yesterday my dear,” anito.
Napailing na lamang siya.
“Bagay kayo ng pinsan ko. Boto ako sa’yo?”
“May girlfriend na siya.”
“Hindi siya seryoso sa babaeng iyon, trust me.”
“Meron bang ganon?” kunot-noong tanong niya.
“Anong ganon?”
“Girlfriend niya tapos hindi naman pala siya seryoso?”
Tumango ito.
Hindi na siya kumibo pa. Ilang sandali pa ay palapit na sa kanila si Cherry.
[mycred_sell_this]
“Uuwi na talaga kayo?” tanong ni Carol. Tila ba ayaw pa nitong umalis sila.
“Marami kasi kaming assignments e,” sagot niya.
“Beauty and brains kasi iyang pinsan ko. Hayaan mo next time, girl-bonding tayong tatlo”
“Sige, sige, gusto ko iyan,” nae-excite na pagsang-ayon ni Carol.
HINDI makapaniwala si Vince. Kinusot niya pa ang kanyang mga mata baka kasi namamalik-mata lamang siya sa kanyang nakikita. Pero hindi. Talagang si Dianne ang nakikita niya. Why, Dianne was so sexy and alluring on her outfit. Kung kanina ay tila Manang ito sa suot nito, ngayon ay pang girl-next-door ang ayos nito. Kung kanina ay napagmasdan niyang maganda ang mga mata nito ay hindi lang pala iyon ang maganda rito. She had a flawless skin. Kung magiging moderna lamang ang pag-aayos nito sa kanilang escuela ay maraming patataubin itong magagandang dalaga sa escuela nila. Tulad na lamang ni Belinda.
He sighed. Dahil sa nangyari kanina sa pool ay inaway siya ni Belinda. Ang gusto pala nitong mangyari ay ihagis niya si Dianne sa pool at hindi iyong tatalon siya habang karga niya ito. That was his original plan. Pero nang buhatin niya si Dianne at maramdaman niya ang malambot na katawan nito ay hindi niya iyon ginawa. What happened on the pool was magical. Tila siya nahipnotismo nang ngitian siya ni Dianne. Kung hindi lamang umugong ang tuksuhan ay hahaplusin niya sana ang mga pisngi nito. And God knows what will happen next. Lalo na’t halos magkayakap na silang dalawa sa pool.
“Ganda ni Dianne, hindi ba, Vince?” tanong ni Carol nang tumapat ang mga ito sa kanya. Pupuntahan sana niya ito sa silid nito upang makapagpaalam. Ihahatid na niya si Belinda dahil sobra ang sumpong ng babae.
“Yeah,” mahinang sagot niya.Ang mga mata ay pirming nakatingin kay Dianne.
Namula ito bago nagyuko ng ulo.
“Vince, what took you so long? I want to go home,” si Belinda na sumunod pala sa kanya.
Naiinis na nilingon niya ito. Gusto niyang matawa sa reaksiyon ng mukha nito. Belinda was looking intently with Dianne na tila ba hindi ito makapaniwala na si Dianne mismo ang nakikita nito.
“Dianne?” tanong pa ni Belinda.
Nag-angat ng ulo si Dianne.
Binuka lamang nito ang bibig nito pero wala naman sinabi.
“Hindi ka makapaniwala na mas maganda sa’yo ang pinsan ko, noh?” pang-aasar ni Cherry.
“Aba’t –”
“Uuwi na kami, Carol,” paalam niya sa pinsan. Hinila niya ang isang kamay ni Belinda bago pa ito makapagsalita ng hindi maganda. Alam niyang may sigalot si Belinda at si Cherry. Naikuwento iyon sa kanya ni Carol.
“Isabay mo na sina Dianne, Vince. On the way naman e.”
Nahinto ang balak niyang paghakbang. “Uuwi na rin kayo?” ang mga mata niya ay na kay Dianne.
“Hay naku, Vince, oo daw dahil naiilang itong si Dianne sa suot niya. Hindi ba’t bagay naman sa kanya?”
“Yes,” walang gatol na sagot niya.
“Vince!” si Belinda.
“Shut up, Belinda,” mahinang saway niya rito.
“Don’t tell me na isasabay mo sila?” nakasimangot si Belinda.
“Yes.”
Iyon lamang at nagmartsa na paalis si Belinda.
HINDI mapigilan ni Vince ang mapangiti habang nagmamaneho.Kabababa lamang ng magpinsan sa harapan ng bahay ng mga ito. Nakita niyang atubiling sumabay si Dianne sa kanila pero dahil gustong asarin ni Cherry si Belinda ay hindi na ito nagpatumpik-tumpik pang makisabay sa kanila.
Nakapagkit pa rin sa isipan niya ang mukha ni Dianne. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa malaking transformation ni Dianne kanina.
“Hello, Vince, I am talking to you,” naiinis na sabi ni Belinda sa kanya. Sa sobrang pag-iisip kay Dianne ay nawala na sa loob niyang kasama niya pa pala sa sasakyan si Belinda.
“Sorry, what were you saying?” he asked. Sa loob halos ng humugit-kumulang na dalawang buwang ‘relasyon’ nila ni Belinda ay nakita niya kung paano ito mag-freak out kapag may nagtatangkang mag-flirt sa kanyang mga babae. Minsan na niyang kinausap ito na ayaw niyang na-e-eskandalo siya at pilit nililinaw kung ano lamang sila pero sa tuwina ay humihingi ito ng tawad at hindi nito uulitin ang pang-aaway nito sa mga babaeng lumalapit sa kanya. Pero hindi nito kayang panghawakan ang pangako nito. Ilang beses pang naulit iyon. Kumukuha lamang siya ng tiyempo at tatapusin na niya ang namamagitan sa kanila ni Belinda.
“Baka nakakalimutan mo na katuwaan lamang ang ginawa mo kay nerdy girl.Inutusan lang kita.”
“Bakit ba galit na galit ka sa dalawa?”
“Dahil pareho silang malandi!”
“Will you please stop saying that?”
“Totoo naman, hindi ba? Tingnan mo naman ang suot kanina, akala mo naman bagay sa kanya. She looks trying hard.”
Hindi na lamang siya kumibo dahil hahaba lamang ang pag-uusap na iyon na wala naman kwenta. Nagpatuloy na lamang siya sa pagmamaneho.
Matapos niyang maihatid si Belinda ay nagtungo siya kina Troy.Wala silang rehearsal pero naroroon ang buong grupo.Sa bahay pa lamang ni Carol ay panay na ang mga text ng mga ito sa kanya. Sinabi niya na lamang na susunod siya sa mga ito.
“Ano’ng meron at naisipan ninyong tumambay dito?” tanong niya nang makapasok siya sa kabahayan.
“Walang magawa sa bahay e,” sagot ni Hanzel.
“May stocks akong beer. You guys want to drink?” tanong ni Troy.
“Namputsa naman Troy, hinintay mo pa talagang dumating si Vince bago mo kami inalok ng beer,” pagbibiro ni LA.
Tawanan sila.
Inutusan ni Troy ang katulong na dalhan sila ng beer at pulutan sa lanai.
“Musta birthday ni Carol?” tanong nito.
“Great,” nakangiting sagot niya.
“Hindi ba siya nag-freak out nang makita niyang kasama mo ang girlfriend mo?” Alam din ng mga ito na hindi magkasundo ang pinsan at Belinda.
“Hindi naman. And correction pare, hindi ko girlfriend si Belinda. She knows the real score between us,” aniya.
“But she’s acting na girlfriend mo siya. Inaaway niya nga ang mga babaeng lumalapit sa’yo,” si Hanzel.
Nahinto muna ang pag-uusap nila nang idulog ng katulong ang beer at pulutan sa kanila.
“Hindi ka ba nasasakal? Aba’y kapag may gig tayo lagi na lamang nakabuntot sa’yo. Kapag hindi naman, ilang beses siyang tatawag sa’yo,” si Lee.
He sighed.
“Ikaw kasi pare e, basta seksi tira na lamang ng tira. Sige lang ng sige. Hayan tuloy ang napala mo. Kailangan mo ng umisip ng paraan para makawala sa relasyon ninyo ni Belinda samantalang wala naman talaga kayong relasyon,” palatak ni LA.
Tawanan ang mga ito maliban sa kanya.
“Subukan mo kayang manligaw ng ibang babae,” suhestiyon ni Hanzel.
“Ayaw nga ng commitment nitong si Vince, gusto mo pang manligaw siya,” naiiling na sabi ni Troy.
“Tsaka kailan pa natutong manligaw iyang si Vince,” biro ni Lee.
Tawanan muli.
“Bakit hindi mo na lamang ligawan si Liwanag?” Muli ay suhestiyon ni Hanzel.
Napapailing na lamang si Vince habang tumutungga ito ng beer.
“Pupusta akong hindi mo siya kayang pasagutin,” sabi ni LA.
“Bakit naman hindi? Walang babaeng tumatanggi sa isang Vince dela Torre,” si Lee.
“Pero iba ang karakas nitong si nerdy girl. Isa pa, laging inaasar ni Vince si Liwanag e, di tiyak na basted na si Vince,” si Hanzel.
“Tingnan mo ito, ikaw ang nag-suhestiyon na ligawan ni Vince si nerdy girl tapos biglang bawi ka naman,” palatak ni Lee.
“Kasi nga naisip ko na tama si LA. Hindi mapapasagot ni Vince si nerdy girl. Magtataka pa nga ito kapag biglang nanligaw itong si Vince sa kanya,” pangangatwiran ni Hanzel.
“Spare her,” sawata ni Troy.
Sabay-sabay silang napatingin rito.
“KJ mo talaga,” si Lee.
“Bakit hindi na lamang nating pagpustahan kung sino kina Vince at Troy ang makakapagpasagot kay Liwanag?” si LA.
“Call ako diyan,” panabay na sang-ayon ni Lee at Hanzel.
“Ikaw Vince?” tanong ni LA.
“At ano naman ang prize ko kung sakaling manalo ako?” tanong niya.
Nagkatinginan ang tatlo.Si Troy ay napapailing.
LUNES, maaga pa lamang ay gising na si Dianne. Well, lagi naman siyang maaga gumising. She was early riser. Pero sadyang kakaiba ang araw na ito. She wanted to see Vince. Yes, she must admit, crush na niya ang campus heartthrob. Siguro noong una pa lamang ay crush na niya ito. Walang eba naman siguro ang hindi magkakagusto sa isang tulad ni Vince. Nga lamang ay naunahan iyon ng inis dahil nayabangan siya rito idagdag pa na lagi siyang inaasar nito. Pero dahil sa nangyari kahapon ay nawala ang pagkainis niya rito. Halos buong magdamag siyang hindi nakatulog. Binabalik-balikan sa kanyang isip ang nangyari kahapon sa pool. She smiled.
“Uy, ang ale! Iniisip pa rin ang nangyari sa kanila ni Vince,” tukso ni Cherry sa kanya. Napasukan siya nito sa kanyang silid na ngumingiting mag-isa.
“Huh?” kunwa’y wala siyang alam sa sinasabi nito.
“Nagde-day-dreaming ka noh?”
“Ano ba iyang pinagsasabi mo?” kunot-noong tanong niya.
Cherry rolled her eyes.
“Huwag i-deny, don’t tell a lie, aminin!” panggagaya nito kay Rey Pumaloy.
“Ewan ko nga sa’yo…”
Iiling-iling lamang ito. “Haist, akala ko talaga ay iki-kiss ka ni Vince kahapon e,” sabi pa nito.
Lihim siyang kinilig nang maalala ang eksenang iyon.
“Hay, naku kinikilig ang isang ale diyan,” panunukso nito.
“Pwede ba…” nakalabing pakli niya.
“Aminin mo na kasi, crush mo si Vince noh?” diretsang tanong nito sa kanya.
“Hindi kaya,” patuloy niyang kaila.
“Ewan ko nga sa’yo, hirap mo naman paaminin e.” anito na nagmartsa na palabas ng kanyang silid.
Nagkibit-balikat na lamang siya pagkatapos ay naghanda na siya sa pagpasok sa escuela.s
MALAYO pa lamang ay tanaw na ni Vince si Dianne. Maaga siyang pumasok. Ang mga kaibigan niya ay hindi pa dumarating. Tumayo siya sa bench na inuupuan upang salubungin ito.
“Hi, Dianne,” nakangiting bati niya rito.
“H-hello Vince,” ganting bati nito sa kanya.
“Si Cherry?”
“Nasa classroom na niya.”
“Nakapag-breakfast ka na ba?”
Tumango ito.
Sandaling namayani ang katahimikan.
“Sayang, I want to invite you sana for breakfast,” aniya.
“Nasaan ang mga kaibigan mo?” tanong nito.
“Wala pa e.”
Katahimikan uli.
“Puwede mo ba akong samahan?” aniya na may himig pakiusap.
“Sigurado ka?” kunot-noong tanong nito.Lumapad ang kanyang pagkakangiti. Marahil ay hindi nito inaasahan na gusto niyang magpasama rito.
“Oo naman,” nakangiting sagot niya.
Nakita niyang tila saglit itong nag-isip.
“S-sige,” makalipas ang ilang sandali ay pagpayag nito.
Napangiti siya.Nagboluntaryo siyang dalhin ang bag nito. Ayaw sana nito pero nagpumilit siya.
ISANG sandwich ang inorder ni Vince. Juice naman ang kay Dianne. Mga sampung minuto pa lamang silang nakakaupo ay pasugod na sa kanila si Belinda. Nahulaan na niyang may nakapagsabi agad dito na magkasama sila ni Dianne.
“What is the meaning of this, Vince?” naniningkit ang mga matang tanong nito.
“Don’t creat a scene,” mariing sabi niya kay Belinda. Totoong mangilan-ngilan lamang ang mga estudyante na naroroon sa cafeteria pero alam niyang kakalat iyon sa buong campus.
“Bakit hindi ang nerd na iyan ang pagsabihan mo? Siya ang gumagawa ng eksena dahil inaagaw ka niya sa akin,” hiyaw nito. Dinuro pa nito si Dianne.
“Walang ginagawa si Dianne. I was the one who invited her to join me for breakfast.”
Nanlaki ang mga nito.
“Walanghiya ka talagang babae ka!Tulad ka ng pinsan mong malandi!”
Mabuti na lamang at nakatayo agad siya at naiharang niya ang katawan kay Dianne. Lalong nagwala si Belinda sa ginawi niya. Si Dianne ay nananatiling nakaupo at nakayuko.
“Don’t tell me na may gusto ka na sa pangit na iyan?” galit na tanong ni Belinda.
“Don’t call her that,” saway niya rito.
“Kahapon pa ako naiinis sa’yo, Vince!” gigil na gigil si Belinda.
“Ahm, ang mabuti pa ay mauna na ako, Vince,” paalam ni Dianne sa kanya.
“Yeah, you go away at huwag kang lumandi sa bf ng may bf!” sigaw ni Belinda kay Dianne.
Bago pa makahakbang si Dianne ay nagdesisyon siyang umalis na rin. Mamaya na lamang niya kakausapin si Belinda kapag malamig na ang ulo nito.
“Sabay na tayo.” Iyon lamang at hawak-kamay silang lumabas ni Dianne ng cafeteria.
Alam niyang naiwan nilang nagpupuyos ang kalooban ni Belinda. Pero wala na siyang pakialam dito.
MABIBILIS ang mga hakbang ni Dianne. Kahit hindi siya tumitingin sa mga kapwa niya estudyanteng nakakasalubong niya ay ramdam naman niyang nakatingin ang mga ito sa kanya. Hiyang-hiya siya sa ginawa ni Belinda sa cafeteria. Mabuti na lamang at maagap si Vince at hindi nito naituloy ang tangkang pagsugod nito sa kanya. And speaking of Vince, kanina ay magkahawak-kamay silang lumabas ng cafeteria pero dahil pinagtitinginan at pinagbubulungan sila ay mabilis niyang iwinaksi ang kamay nito.
“Dianne, wait up…” humihingal na tawag sa kanya ni Vince.
Bahagya niyang binagalan ang paglalakad pero hindi niya ito nilingon.
“Dianne,” nang makaagapay ito sa kanya ay hinawakan nito ang isa niyang kamay. She stopped walking.
“Look at me,” mahinang utos nito sa kanya. Hinawakan nito ng isang kamay nito ang kanyang baba.
Naiilang na nag-angat siya ng tingin. Titig na titig ito sa kanya.
“I am really sorry about that,” anito sa kanya. Gusto niyang matunaw sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.
“Na-naiintindihan ko naman si Belinda e,” nauutal niyang sabi. “She’s your girlfriend, natural lamang na magalit siya magkasama tayo…” ang term na gagamitin niya sana ay ‘magselos’ pero mukhang hindi yata tama iyon. Siya – sa itsura niyang iyon pagseselosan ng isang Belinda Rodriguez!
Napailing ito bago exasperated na naikamot ang isang kamay sa batok nito.
“Belinda is not my girlfriend,” anito.
Napakunot ang kanyang noo sa tinuran nito.
“I mean…we’re together…but you know, Belinda knows the real score between us,” pagpapaliwanag nito sa kanya.
Tatango-tango lamang siya.
“It’s true,” sabi pa nito.
“Hindi mo kailangang magpaliwanag,” aniya.
“Yeah, right.”
Next to: Nerdy Girl Meets the Campus Heartthrob (Chapter 7)
[/mycred_sell_this]
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




