Description
Hindi siya tumitigil sa pag-iyak habang nagtatago ang buwan at mga bituin sa mga ulap. Ang kanyang damdamin ay naghihimagsik ng poot. Iniisip niya kung dapat ba niyang pakinggan ang nagsusumamong galit na boses nito. Kumidlat at kumulog habang naglalakad siyang mag-isa sa walang buhay na paligid. Lumakas ang hangin at nag-iba ang tono nito.
Awit ng kadiliman. Bulong ng kamatayan.
Isang itim na uwak ang biglang lumitaw mula sa langit at dumapo sa kanyang balikat. Nagpakawala ito ng nakakatakot na huni, hudyat na narinig ang kanyang kahilingan. Pumikit ang maluha-luha niyang mga mata at sumilay ang ngiti sa labi.
Tumigil siya sa paglalakad at nagtaas ng kamay. Kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan. Mabilis na lumambot ang lupang tinatapakan ng kanyang mga paa. Unang lumitaw ang mga ahas. Sumunod ang mga uod, ipis at higad. Hindi niya ito pinansin dahil tinanggap niya ang kapangyarihang iniaalok ng kadiliman sa kanyang kaibuturan.
“Halika na,” anyaya niya sa uwak sa kanyang balikat.

Read this Q-Book for only P100
[mycred_sell_this][dflip id=”28665″][/dflip][/mycred_sell_this]
[mycred_content_sale_count]
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.








Reviews
There are no reviews yet.