Description
Nang mamatay ang nanay ni Anastacia at nagdesisyong muling mag-asawa ang kaniyang ama ay tila gumuho ang kaniyang mundo. Ang masakit, ang madrasta niya ay kaibigan pang matalik ng kaniyang ina. Nasubaybayan nito ang paglaki nilang magkakapatid at sa maraming pagkakataon ay naroon ang presensiya nito sa buhay nila. In short, kilala niya mula pagkabata ang kaniyang madrasta. Ang katotohanang ito ang papalit sa nanay niya sa puso ng ama ay napakasakit para sa kaniya.
Nang itira ng ama sa kanilang bahay ang asawa nitong kauli kasama ang dalawa nitong anak na sina Marsha at Hanna ay nagsimula ang kalbaryo sa buhay ni Anastacia. Lumayas ang dalawa niyang kapatid na babae at naiwan siya sa ama. Ang mga dating kaniya ay pilit na inaagaw ng step sisters niya ngunit pero sa huli ay siya pa rin ang lumilitaw na masama—dahil daw may motibo siya. Hindi raw siya sang-ayon sa mga nangyari kaya gumaganti siya, ayon sa bagong pamilya nito.
At isang solusyon ang pumasok sa utak ng dalagitang si Anastacia—ang kunwaring makipagtanan at sumama sa Fine Arts student na si Carlo na nakilala lang niya nang araw na tinatakasan niya si Marsha. Tiyak na mapapansin na siya ng ama. Baka tuluyan na ring iwan nito si Tiya Rosa at mabuong muli ang kaniyang pamilya.
Ganoon nga kaya ang mangyari o sa halip ay lalo lamang masuong si Anastacia sa isang masalimuot na buhay? At si Carlo, paano niya aangkinin ang puso nitong pag-aari pala ng iba kung alam naman niyang simula pa lang ay pagpapanggap lang ang ‘deal’ na tinanguan nito sa kaniya?

Read this Q-book for free!
[dflip id=”29731″ ][/dflip]
[mycred_content_sale_count]
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.













Reviews
There are no reviews yet.