Description
High school pa lamang si Elysse Dela Serna ay crush na niya si Carson Guillermo, ang pinakaguwapo at pinakamayamang estudyante sa batch nila. Ang crush na nararamdaman ni Elysse noon pa man para sa binata ay lumago pang lalo at batid niyang hindi na lamang basta paghanga ang kanyang nararamdaman para dito.
Ngunit, sinarili na lamang niya ang kanyang nararamdaman alang-alang sa kapatid na si Elizabeth. Siya pa mismo ang naging tulay upang magkagustuhan ang dalawa at kalaunan ay naging mag-asawa. Nakontento na lamang siya sa kaalamang ang lalaking pinakamamahal niya ay masaya na sa piling ng kanyang kapatid.
Subalit nagulantang si Elysse sa biglang pagpapatiwakal ng kanyang kapatid. Ang pangyayaring iyon ay nasaksihan ng dalawa niyang mga mata. Parang isang bangungot.
At dahil doon ay walang ibang naisip na dahilan si Elysse sa pagpapakamatay ng kapatid kundi ang asawa lamang nito.
Naging dahilan iyon upang ang paghanga na kanyang nararamdaman para sa lalaki ay panandaliang maisantabi at mapalitan ng galit. Upang mabunyag ang katotoohanan ay kailangan niyang gawin ang isang bagay—ang magpakasal kay Carson.
Sa pagiging bahagi ni Elysse sa pamilya Guillermo ang naging susi upang malaman niya ang bahong itinatago ng biyenang si Celestine. Bukod sa kung paano nauwi ang kanyang kapatid sa miserableng hantungan ay marami pang bagay siyang hindi inaasahang matutuklasan.
Makuha kaya ni Elysse ang nararapat na hustisya? O magiging daan pala iyon upang malaman niya kung gaano siya iniibig ni Carson noon pa man?

[mycred_content_sale_count]
Read this Q-book for only D50
[mycred_sell_this] [dflip id=”29510″ ][/dflip] [/mycred_sell_this]
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.








Reviews
There are no reviews yet.