NAPATAYO si Jam. Pero imbes na sa loob ng bahay siya pumunta ay papalabas ng bahay ang tungo niya.
“Jam, where are you going?”
Hindi niya sana ito papansinin kaya lamang ay bigla muli kumulog na sinamahan pa ng kidlat. Napahinto siya sa paglakad. Nahablot na rin ni Jesse ang braso niya. Pumiksi siya pero hindi siya nito binitiwan.
“Kung nagbibiro ka, Jesse, wala ka sa tamang hulog. Ang dami ko nang iniisip, dinagdagan mo pa.”
“Do I look like I’m kidding, Jam? Kung napapaisip ka sa sinabi ko, ibig sabihin may chance ako sa ‘yo. Hindi ka naman mag-iisip kung wala lang sa ‘yo ang sinabi ko. I’m willing to do it right, Jam. Manliligaw ako.”
Sumasakit ang ulo niya! Kunot-noo siyang napatitig dito. Sinuri niya kung nagsasabi ba ito ng totoo. His eyes held so much honesty and sincerity. Mukhang hindi talaga ito nagbibiro.
Nagsimulang pumatak ang ulan pero hindi sila natinag sa kinatatayuan. They stared at each other’s eyes. Kasabay niyon ay ang pag-iiba ng ritmo ng puso niya.
“I know I am just your boarder, and that I should keep my distance from you. But it felt like na sa ginawa ko ay parang gumawa na rin ako ng isang sumpa na kapag tinangka kong lapitan ka at hawakan ay magiging bato ka. Hindi ko na kaya, Jam. I wanna erase all your pain away.”
Mas lumakas ang buhos ng ulan kaya nilakasan din nito ang pagsasalita. “I couldn’t give you the moon and the stars just like in a romantic novel. I don’t have much to offer you. But I am for real, Jam. What I feel for you is real.”
The whole sky was completely dark, the cool breeze began to blow, and it’s raining cats and dogs, then there came a woman and a man standing at the middle of the rain – such a romantic scene waiting to be written. Pero hindi iyon isang eksena sa pahina ng libro, lahat ng iyon ay pawang totoo.
At nagpatotoo nga ang biglang pagkulog at kidlat. Napakapit siya sa lalaki.
“Let’s get inside…”
Iginiya siya nito papasok. Para silang mga basang sisiw. Nagmadali itong pumunta ng banyo at pagkabalik ay may dala ng tuwalya. Ibinalot nito iyon sa kanya.
“You go get change,” turan nito.
Nagmamadali na siyang umakyat. Nasa kalagitnaan na siya nang tumawag ito.
“I don’t need an answer yet, Jam. Just think about it.”
“Uhm,” tanging sagot niya. Kapagkuwan ay tinalunton na niya ang daan papunta sa kuwarto.
Saglit pa siyang napasandal sa nakapinid na pinto. Ano bang mayroon sa araw na iyon at napakatagal.
Dumeretso siya ng banyo. Itutuloy na niya sa ligo iyon nang hindi siya sipunin. Sa dami ng tulala moments niya ay napatagal siya sa pagligo. Nagbabanlaw na siya nang mapatili. Anak ng tokwa, mukhang nag-brownout pa yata!
“Jam, are you okay? Nag-brownout,” tawag ni Jesse.
Mabilis niyang inabot ang tuwalya at itinapis sa sarili. Napapikit siya nang mariin nang may mapansin. Nakalimutan pa niyang dalhin ang pamalit niya!
“Jam…”
“I’m okay.”
Pinihit niya ang seradura ng connecting door papunta sa kuwarto niya. Natigilan siya. Bakit ayaw magbukas? Talaga naman, oh!
Napabaling siya sa kabilang pintuan. Nakakainis! Hindi siya puwedeng lumabas doon. Napatingin siya sa paligid. Napakadilim. It’s scaring the hell out of her!
“Jesse…” tawag niya sa lalaki.
“You’re still there?”
“Yeah, uhm, the door… ayaw mag-open. Uhm, k-kindly get me clothes.” Sinisilahan ang pisngi niya. “Ahm, nakalimutan ko kasing magdala ng pamalit.”
“Okay, I’ll also go and check the door.”
NAPAPANGITI si Jesse habang nagsasalita si Jam. Paniguradong pulang-pula ang mukha nito ngayon. Ayaw na ayaw pa naman niyon ang nagpapatulong sa kanya.
“Okay, I’ll also go and check the door,” aniya pagkuwan.
Naglakad na siya patungo sa kuwarto nito. Latag ang dilim sa paligid. But he’s used to darkness. Sa klase ng trabaho niya, kailangan malinaw ang mga mata at matalas ang pakiramdam niya sa dilim.
Naaninaw niya ang maayos na pagkakasalansan ng gamit sa table nito. Namangha siya nang mapansing meron pa rin pala doong malaking book shelves at puno rin iyon ng libro.
Pumunta siya sa built-in closet nito. Noon niya kinuha ang cellphone sa bulsa. Binuksan niya ang flashlight niyon at saka ch-in-eck ang damitan nito, Ano bang damit ang kukuhanin? Kukuha rin ba siya ng undies? Hindi niya alam kung bakit may kung ano siyang naramdaman. Ikiniling at saka iniiling niya ang ulo. Kung anu-ano ang naiisip niya.
Basta na lang siya humablot ng damit at pajama at saka undies.
Pinihit niya ang seradura ng banyo. Mukhang may sira na ang doorknob. Madali lang namang buksan iyon kaya lang hindi naman niya iyon puwedeng gawin. Kaya bumalik na lang siya sa kabilang silid at saka ito kinatok.
“Jam… I have your clothes already.”
“I’ll open the door. Huwag kang titingin!”
Nangiti siya. As if naman na bubuksan nito iyon nang malaki. Ano naman ang makikita niya roon? Ito nga, nakita na ang kargada niya!
Dahil sa naisip ay napatawa pa siya nang mahina.
“Ano’ng nakakatawa?”
Narinig pa pala nito iyon. “Nothing. May naalala lang ako. Open the door already.”
Binuksan naman nito iyon. Sa maliit na siwang ay inabot nito ang damit nito. Pagkaabot ay agad nitong isinara ang pinto.
“You also got me undies?!” singhal nito pagkalipas ng ilang sandali.
Natawa siya. “Uh-huh. Huwag mo sabihing hindi ka nag-a-undies?”
“Hindi, I mean, yes! Pero… ay ewan!”
Muli siyang natawa. Mayamaya pa ay lumabas na ito ng banyo. Hindi niya napigilan na samyuin ang amoy nito. She smells like lavender and lemongrass. Ang bango. Parang ang sarap ikulong sa yakap niya.
He tilted his head. Baka saan na matungo ang isip niya. Ibinaling niya ang tingin dito na tila bantulot kung lalabas ng kuwarto o hindi.
“May nakalimutan ka ba?” he asked.
Pinagsalikop nito ang mga kamay at saka nilaru-laro ang daliri. Tila mayroon itong gustong sabihin pero hindi nito masabi.
“Jam, may problema ba?”
Magsasalita na sana ito kaso biglang dumagundong ang kulog na sinamahan pa ng pagkidlat. Napatili ito at ganoon na lang ang pagkagitla niya nang tumakbo ito at sumubsob sa dibdib niya.
Naikuyom niya ang mga kamay. Kanina lang ay pinapangarap niya na mayakap ito. He fought the urge to hug her back. Pero tila kay hirap niyon. Mabuti na lang at ito na rin ang dumistansiya sa kanya.
“Sorry. Ahm… can I sleep here?”
Kung kinagulantang na niya ang pagsugod ng yakap sa kanya, mas kinagimbal niya iyon. Tama ba ang narinig niya?
“Takot ako sa dilim kapag mag-isa. I can’t sleep in my room alone. Kapag ganito, tinatabihan ako ni nanay. No’ng nandito na ako, si auntie ang binubulabog ko. At nang mamatay na si auntie, si Audrey naman ang iniistorbo ko.”
Napatitig siya rito. Hindi alam nito na sa simpleng mga akto nito ay nangangahulugan ng panganib – panganib para sa kanya. Him sleeping with a woman in a room – it’s danger. At ito, mukhang wala man lang takot sa kanya? Ganoon na ba ito ka-komportable sa kanya? Baka umasa na rin siyang gusto siya nito.
“Hoy! Anong hitsura ‘yan! Subukan mo lang Mister, mumultuhin ka ni auntie ! Dito ako sa kama, diyan ka sa lapag, ‘no!”
Natawa siya sa reaksyon nito. Sa huli, nakita na lang niya ang sariling naglalatag ng kutson sa ibaba. Umakyat na rin ito sa kama at nahiga. Ganoon din naman ang ginawa niya. Pumihit pa siya patagilid para matanaw kahit man lang ang likod ni Jam. Ano ba itong ginagawa ng babae sa kanya? Dapat ay sinasamantala niya ang pagkakataong iyon para umatake sa kabilang kampo. Pero heto siya’t ito ang binabantayan…
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





2 Responses
Yun lang hanggang chap 10 lang aq sayo naka premium pala ang chap11 🤣😝
Wala Jesse nahumaling ka sa alindog ni Jam bwahahaha