A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Will Of The Wind – Chapter 3 (Spring)

couple back

Banayad ang ihip ng hangin na nagnanaog-labas mula sa bukas na bintana sa loob ng art room kung nasaan ako ngayon. Kasabay ng pag-ihip nito ang pagtagos ng liwanag mula sa haring araw na nagbibigay sa akin ngayon ng pagkakataon na makakita ng kulay puti mula sa kadiliman.

Nakatuon ang atensyon ko sa malaking canvass na nasa harapan ko. Matagal na itong nakatayo rito at naghihintay na tapunan ko ng atensyon. Inihanda ko na ang mga pinturang gagamitin ko: white, red, yellow, and orange. Pagkatapos kong kapain isa-isa ang mga bote with the corresponding colors nilagyan ko ang pallette ng mga nasabing kulay. Sunod kong binigyan ng atensyon ang canvass.  I created a pattern by simply applying a small amount of paint to the surface. Sinusundan ng index finger ko ang bawat paghagod ng brush ayon sa nakikita kong imahe sa utak ko. Para bang nanunood ako ng isang video tutorial sa isipan ko ang I am mimicking the actions.