ACE
Kasalukuyan kaming nakaupo sa magkabilang gilid ng mahabang concrete bench, ilang dipa mula sa naglalarong mga binatilyo na naka-skateboard. Nawiwili akong panoorin siya at lambingan nila ng alaga niyang shih tzu. Hinahalikan ng aso ang hugis puso niyang mukha at kitang-kita naman sa maganda niyang ngiti na nakikiliti siya sa ginagawa nito. Sayang nga lang, I missed the chance to hear the sound of her laughter. Hays. Parang ang sarap pakinggan. And another sayang, dahil hindi ko na-lipread ng maayos kung paano niya sabihin ‘yong pangalan niya kanina- I just got ‘Le’. Pero ayos na rin, at least I know her as ‘Le’. My Le, na angat ang ganda kapag nilalaro ng hangin ang mahaba niyang buhok. Mas nadagdagan ang rason ko para mas mapadalas tumambay sa lugar na ‘to.
Pagkaraan, may lumapit na isang ginang sa amin. Sa sa tantiya ko, she’s mid forties. Nahinto ang lambingan nina Lei at ng alaga niya. Hindi ko masundan ang usapan nila, pero nabasa ko sa mga labi ni Le ang salitang ‘mommy’, kaya malamang magulang niya ito. Nadako sa ‘kin ang paningin ng mommy niya at ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik. Malay mo ‘di ba? Soon to be mother-in-law ko pala siya. Yieeeh! Mas lalong lumawak tuloy ang ngiti ko dahil sa naiisip ko.
May sinasabi sa ‘kin ang mommy ni Le, na pinipilit kong intindihin, kunot-noo kong binabasa ang mga labi niya. Tulong, salamat, mabait. Tatlong salita niya na naabot ng kakayahan ko. Baka naikwento ni Le, ang ginawa kong pagsagip sa kanya kanina kaya good vibes ang bato sa akin ng mommy niya.
“Walang anuman po, ma’am. I’m happy that I saved her,” sabi ko rito. Hinawakan naman niya ang mga kamay ko. May sinasabi ulit siya. Gwapo? Maginoo? Ah, okay. Pinupuri niya ako physically. Sus! Maliit na bagay. Sumingit si Le sa pagsasalita ng mommy niya at parang sinabi rito ‘yung kondisyon ko. Nakita ko naman sa ekspresyon ng ginang ang pagkabigla at panghihinayang. Yeah, I know right. Pero ito ‘yung binigay sa akin at kinahantungan ko, kaya I have to deal with it. Kahit totoong mahirap.
Nginitian ko ulit ng tipid ang mommy ni Le, to inform her na ayos lang. Hindi niya kailangan makisimpatya sa kapansanan ko. Humugot ito ng isang pocket notebook at ballpen mula sa loob ng dala niyang sling bag, saka sinulatan ito. Inabot niya sa ‘kin ‘yong notebook pakatapos. Binasa ko naman ito agad sa isip.
I’m Mrs. Guevarra, Lei’s mom. Thank you for saving my daughter. If you have time, feel free to visit us at Block 20, house no. 0769. Kakalipat lang namin sa village, kaya wala pa kaming masyadong kilala. Hopefully, you can be our first guest?
Biglang lumiwanag ang mundo ko dahil sa invitation ng mommy ni Le-I mean, Lei pala siya. Namali ako do’n. Funny. Pero kinabog husto ng kaba ang dibdib ko dahil sa excitement o kilig? Knowing na makabibisita ako sa kanila. Matagal na rin ako sa village na ‘to, pero wala rin akong naging bagong kaibigan pa, even my neighbors. I never accept any invitations kasi, dahil ayaw ko ng pakiramdam na napag-uusapan dahil iba ako sa paningin nila. At saka ayaw ko rin na paulit-ulit kong ikwento ang mga nangyari kung bakit ako umabot sa ganito. Pinipilit ko ng ibaon sa limot ang lahat. Hindi ako sadista para asinan pa ang pahilom ng sugat. Pero ewan, bakit exempted si Lei. I wanted to know her more. I want to what happened to her. In short, interesado ako sa buhay niya. Actually, kanina pa. Kaya, sino ba naman ako para tumanggi sa pagkakataon.
“Sure po. Two blocks away lang naman po ako. And nice meeting you po pala, ma’am, pati na sa ‘yo, Lei.” pagtanggap ko sa alok ni Mrs. Guevarra kasunod ng pagkuha ng pansin ni Lei, “pasensya ka na, mali ang pagkakaintindi ko ng pangalan mo kanina-my bad.” paumanhin ko. Thumbs up naman ang sagot niya habang nakangiti. Panay likot naman ng asong karga niya. Parang she’s rooting for us. Habang ito namang si Philip ko, tahimik lang sa may tabi ko. Parang nagseselos.
Binigay ko ulit ang notebook sa mommy ni Lei and she write again. Inabot niya ulit sa ‘kin ito. Ayon sa sulat, masaya akong pumayag ka. Hihintayin ka namin ng anak ko sa Sunday, ah? Sa amin ka na mag-lunch. Mauuna na muna kami, hapon na rin. Salamat ulit sa ‘yo. Ace kamo ang pangalan mo, sabi ni Lei?
“Opo, Ace po. At walang anuman. Masaya po akong makilala kayo ni Lei. Sige po, mauna na po kayo. Maya-maya pa kami nitong si Philip, hihintayin namin ang sunset. See you na lang po sa Linggo. And thank you po pala sa pag-imbita,” magalang na sabi ko, sagot sa mga isinulat ni Mrs. Guevara.
Na-lipread ko ang sabi niya na, ‘you’re welcome’ at sabay silang nagpaalam na by means of waving. Tinapunan ko ulit si Lei ng isang mataman na tingin at isang matamis na ngiti bago siya tumalikod. I knew Mrs. Guevarra saw the admiration in my eyes for her daughter kaya niya ako inimbitahan sa kanila. Weird and risky action kung tutuusin kasi ngayon lang kami nagkakilala and with her daughter’s condition hindi siya basta-basta magtitiwala. Nabasa niya lang siguro na wala akong masamang intention towards Lei at ipinagpapasalamat ko ‘yung trust na ibinigay niya.
Kami na lang ngayon ni Philip ang nasa wooden bench kasama ulit ang aking gitara. Dahil kay Lei at sa masayang nangyari kanina, mas ginanahan akong tapusin ang kanta kong The Will Of The Wind. Ang kantang siya na ang binubulong sabay sa pagsipol ng hangin.
LEI
Banayad ang ihip ng hangin na nagnanaog-labas mula sa bukas na bintana sa loob ng art room kung nasaan ako ngayon. Kasabay ng pag-ihip nito ang pagtagos ng liwanag mula sa haring araw na nagbibigay sa akin ngayon ng pagkakataon na makakita ng kulay puti mula sa kadiliman.
Nakatuon ang atensyon ko sa malaking canvass na nasa harapan ko. Matagal na itong nakatayo rito at naghihintay na tapunan ko ng atensyon. Simula ng pagtatapon ko ng mga bagay rito sa art room noong isang linggo, ngayon na lang ako naglakas ng loob na subukan ulit.
Pinaglandas ko ang dulo ng mga daliri ko sa bawat bote ng pintura na nakapatong sa isang maliit na mesa sa kanan ko. Binago ni mommy ang mga lalagyan at dinikitan ito ng mga pananda, base sa kung anong kulay ang nasa loob nito. Bago na rin ang set ng mga paint brush ko. Its base categorize by use. Napangiti ako ng mapait. All this time, sarili ko lang ang parating iniintindi ko. Sarili kong kabiguan. Hindi ko man lang tinapunan ng atensyon ang sariling pagluluksa ni mommy. How she cope up for the loss of dad. Sa kabila ng pakikibaka niya sa sarili niyang multo, she always making sure na maayos ako. Parati siyang nariyan to support me, cares for me. Kung tutuusin dalawa kami sa laban na ito. Pero parang siya lang ang lumalaban para sa amin. Mom stands strong for me behind her own grieving. And I need to do something para baguhin ‘yun. Paningin lang ang nawala sa akin. Pisikal lang wala ang Daddy, but his spirit and presents are with us. Ramdam ko siya sa bawat ihip ng hangin, sa bawat obra ko. Panahon na para ‘wag magpalamon sa naging trahedya. I can no longer see, but I can still smell and feel. I will use my remaining resources to continue what I love, what Dad and loved.
I inhale all the strength in the air while holding my paint brush. Dinadama ng isang kamay ko ang magaspang na surface ng canvass sa harapaan ko. Kinakabisado at inilalarawan sa loob ng isip ko ang laki nito, maging ang imahe ng bagay na gusto kong ipinta. Gusto kong gawan ng bulaklak si mommy. Paint her beautiful a tulip. At iyon ang susubukan kong gawin ngayon.
Inihanda ko na ang mga pinturang gagamitin ko: white, red, yellow, and orange. Pagkatapos kong kapain isa-isa ang mga bote with the corresponding colors nilagyan ko ang pallet ng mga nasabing kulay. Sunod kong binigyan ng atensyon ang canvas. I created a pattern by simply applying a small amount of paint on the surface. Sinusundan ng index finger ko ang bawat paghagod ng brush ayon sa nakikita kong imahe sa utak ko. Para bang nanonood ako ng isang video tutorial sa isipan ko ang I am mimicking the actions.
Hinahayaan ko munang lumamig ang unang pintura na hinagod ng brush ko sa surface bago ko ito sundan para I got the chance na maramdaman ang linyang nagawa ko. Ang una at pangalawang hagod ay nasundan pa hanggang sa huling dampi ng paint brush ko sa kauna-unahang obra ko. My first art being blind.
Kinakapa pa ng mga daliri ko ang bawat linya at kurba ng high contrast flower abstract na gawa ko to make sure na nasa tamang lugar at anggulo ang mga ito. Hindi mapagkasya sa puso ko ang saya. Sa wakas nakapagpinta ulit ako sa kabila ng kondisyon ko. At sa wakas, napatunayan ko sa sarili kong kaya ko. At hindi hadlang ito para magawa kong muli ang passion ko. Napaiyak ako sa sobrang saya–scratch that, humagulgol ako sa tuwa.
“Lei, ‘nak nandyan na si–oh, good Lord!” Narinig ko’ng tawag at reaksyon ni mommy behind my back. Naramdaman ko ang anticipation niya at paglapit sa tabi ko. Naramdaman ko na lang kasunod ang mainit at mahigpit niyang yakap.
She’s also crying now. “I’m so happy, anak. Nagawa mo ulit. I’m so proud of you. Finally you’re back,” bakas ang saya sa boses na sabi niya, kahit pa umiiyak.
Hinarap ko siya at niyakap siya pabalik, “yes, mom. I may not so completely back, but thank you for making me do it. Ikaw ang dahilan kung bakit ko nagawa ‘to. So please accept this art as the token of your tender love and hardship. Hindi man ito kasing ganda at pulido kumpara ng mga naging obra ko noon nang nakakakita pa ako, but please I hope you like it. Love you, mom!”
“Sesh.. thank you for this, anak. I did like it– no, I super loved it! Mahal na mahal din kita.” buong pagmamahal na sabi ni Mom. Palibhasa she’s my number one fan. “Mas maganda pa siya sa mga nauna thou,” komento niya sa gawa ko at naging satisfied and convince sa sinabi niya.
“Talaga ba?”
“Oo. And someone must she it,” saad ni mommy na nakapagpahinto ng mga luha ko.
Pinunasan ko na ang mga uhog ko at saka tiningala siya mula sa pagkakapatong ng mukha ko sa may dibdib niya. Curious akong nagtanong, “who?”
“Eh, sino pa ba? Si Ace,” mommy reminding me of my knight and shining armor. The guy in the park. The person who gave me breathless.
Mas lalong kinabog ng kaba ang dibdib ko. Do I need to thanked him also, for being my source of kilig right now?
Previous: Chapter Two
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





