A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Paslit (Final Chapter) – Ang Araw ng Paniningil

MALAYO ang tingin. Madilim pa ang paligid ay nakatayo na at nakapamintana na si Elena habang pinagmamasdan ang bawat galaw na mapansin. Kadalasa’y tahimik talaga ang lahat kapag araw ng Linggo. Ngunit iba ang nakapangingilabot na katahimikan ngayon. “May hindi tama…” Tila nakikisama naman ang mga mumunting nilalang na nakararamdam at isang malaking bangaw ang […]

Paslit (Chapter 32) – Ang Pagtugis sa Salot

MABILIS ang pagtakbong ginawa ng dalawang paslit. “Hah!” Sa kakahuyan sila gumawi at hindi tinahak ang diretsong daan na kung para sa makakakita ay maililigaw nila. At pagdating sa pinakadulo na malapit na sa dagat ay huminto muna ang dalawa. “Pahinga muna tayo Elena, ang sakit na ng mga paa ko dahil sa init ng […]

Paslit (Chapter 31) – Ang Kakaibang Abel

TAHIMIK ang paligid. Walang kahit ano pa mang maririnig na huni na kahit pa ang sa mga kuliglig ay nakakubli. Sa kanyang silid ay maririnig ang kanyang mahinang pagsasalita. “Tatlo, nakakatatlo na ako…” bulong ni Elena. Abalang-abala ito sa pagtusok at paghatak ng karayom sa mga telang kanyang hinuhulma. “Hindi ako papayag na lilisan kami […]

Paslit (Chapter 30) – Ang Pagbatikos

UMUWI si Elenang malungkot at nakayuko. “Elena!” tawag ni Abel. Ngunit tuloy lamang ito sa mabilis niyang paglalakad at dumiretsong agad sa kanyang kuwarto. Hindi na muling sinundan ni Abel ang kanyang pagtawag at tumahimik na lamang, alam niya rin kasing wala siyang matatanggap kung ‘di matalim na tingin mula kay Elena kapag patuloy pa […]

Paslit (Chapter 29) – Salot

TATLONG araw na ang lumipas. Tatlong magkakasunod na pagpaslang din ang naganap sa mga batang kasing edaran ni Elena na mga batang kasabayan niya sa panahon ng kanyang pag-aaral. Naging masalimoot ang paligid ng maliit na baryo ng Tatlong Krus magmula ng may ganitong kaganapan. “O! Saan ka pupunta Elena?” tanong agad ng kanyang ina. […]

Paslit (Chapter 28) – Magkatugmang Isip

Pagtapos ipakita ni Abel ang basahang manika na siya mismo ang gumawa mula sa damit ng kanyang nasirang ina ay isinama naman siya ni Elena sa silid nito dahil may ipakikita sa kanya. “Tingnan mo Abel!” Nanlaki ang mga mata ni Abel sa sobrang paghanga sa bagay na ipinakikita ni Elena. “Haah! Ang galing nang […]

Paslit (Chapter 27) – Ang Manika ng Damdamin

ABEL’S POV Ang bigat sa pakiramdam ng may malungkot na damdamin. Halos isang linggo na rin mula nang iwan ako ni inay. Walang bakas ng kasiyahan kahit pa saan ipaling ang aking tingin. Wala nang mga magulang pang papahid ng aking mga luha sa tuwing dadatnan ng takot, wala ng mga kamay na hahaplos kapag […]

Paslit (Chapter 26) – Naulila

TATLONG araw na ang nakalipas. Hindi na tuluyang bumalik ang ina ni Abel sa ‘di malamang dahilan. Naiwan siyang nakapisan kina Elena dahil hindi na rin maari pang bumalik sa kanilang lugar at wala na rin naman siyang babalikan. Tanging ina na lamang kasi ang meron siya. Yumao na rin ang kanyang ama. Mula pa […]

Paslit (Chapter 25) – Ang Matamlay na Damdamin

ALAS-SYETE ng gabi. Malamlam ang liwanag ng gasera sa paligid ng bahay nila Elena. Wala kang makikitang tao kung ‘di si Abel na nakatunganga lamang sa harap ng lamesa. Maging ang pagkain ay hinihintay na lamang niyang siya ay alukin, ni ayaw niya kasi itong galawin ng walang nagsasabi sa kanya. Mahinahong tunay si Abel. […]

Paslit (Chapter 24) – Ang Malamig at Mabagsik

HATINGGABI na ngunit gising pa rin si Elena. Pilit niya kasing inaalala kung sino ang maaring sumagi sa kanya at maglagay ng hayop sa kanyang katawan. “Isa lamang ang maaring gumawa nito sa akin…” Sa kanyang kasalukuyang malalim na pag-iisip ay naulinigang gising pa ang bisita nila at nag-uusap pa ang mga ito. Dinig niya […]