A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Magkano ang Halaga ni Magdalena? (Teaser) – ONE SHOT STORY

Hindi mabibilang ang halaga ng isang tao. Hindi rin dapat bilangin dahil magkaiba ang presyo sa tunay halaga. Nasa tugatog ka man ng tagumpay o gumagapang sa putik. Respeto. Iyon ang dapat na isaalang-alang. Pero para sa iba na gustong magkalaman ang sikmura, lulunukin na lang ito at magpapagamit upang mabuhay pa.
Si Magdalena, isang kalapating mababa ang lipad, ‘ika nga. Wala sa plano niya ang kumita sa paggiling. Ngunit dahil sa agos ng buhay, tinangay siya ng baha na siyang pumilay sa mga pakpak niya.Iyong tipong mahirap nang iligtas. Hanggang sa napasok sa eksena ang binatang si Martin na handang gamutin at linisin ang tulad niya.