Hindi mabibilang ang halaga ng isang tao. Hindi rin dapat bilangin dahil magkaiba ang presyo sa tunay halaga. Nasa tugatog ka man ng tagumpay o gumagapang sa putik. Respeto. Iyon ang dapat na isaalang-alang. Pero para sa iba na gustong magkalaman ang sikmura, lulunukin na lang ito at magpapagamit upang mabuhay pa.
Si Magdalena, isang kalapating mababa ang lipad, ‘ika nga. Wala sa plano niya ang kumita sa paggiling. Ngunit dahil sa agos ng buhay, tinangay siya ng baha na siyang pumilay sa mga pakpak niya. Nakakalipad pa naman siya. Pero sobrang baba. Iyong tipong mahirap nang iligtas mula sa unos. Hanggang sa napasok sa eksena ang binatang si Martin na handang gamutin at linisin ang tulad niya.
Ang nais nito ay ipakita ang tunay niyang halaga. Na parang isang ginto, tapakan mo man, maaari pa ring ipagmalaki. Ganoon pa rin ang halaga, mataas, mahal. Ano nga ba’ng mangyayari sa kanilang dalawa kung puro poot na lang ang dala ni Magdalena sa mga lalaki?
Makalilipad ba siya tulad ng dati? O mananatili na lang siyang sugatan?
Next to: Magkano ang Halaga ni Magdalena? (One Shot Story)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





