The Lunatic Virgin Series Book 1: Clarabelle Cayetano (Chapter 21)

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

WARNING: This chapter contains sexual content and content unsuitable for people under the age of 18.

 

HINUBAD ni Bodhi ang mga natitirang saplot sa katawan upang inihanda ang sarili kay Clarabelle. At nang mabunyag na kay Clarabelle ang ipinagmamalaking pagkalalaki ng binata’y hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Ngunit ang bagay na iyon ay pilit na itinago ng dalaga kay Bodhi. Ayaw niyang bigyan ng dahilan si Bodhi upang umatras ito sa magaganap na pag-angkin sa kanya.

Kumilos ang binata upang itapat sa kanya ang pagkalalaki nito. At sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Clarabelle ang mainit na balat ng bagay na iyon na nakatutok sa kanyang bukana. Alam niyang magsisimula na si Bodhi sa paggalaw sa kanyang ibabaw kaya naman ay naging mahigpit ang kanyang pagkapit sa likod ng binata.

Nang magsimulang manuot ang kirot at hapdi sa kanyang laman ay doon na siya napapikit. Bahagya ring namasa ng luha ang kanyang mga mata dahil sa nagsisimulang pagkapunit ng puri niya.

Ngunit naramdaman na lamang niya ang biglang pagtigil ni Bodhi sa ibabaw. Nagtatakang sinalubong ni Clarabelle ang tingin ni Bodhi.

“Bakit hindi mo sinabi?” tanong nito sa kanyang pagiging inosente. Salubong ang mga kilay nito at binabaha ng pag-aalala para sa kanya.

“A-ayos lang ako… Ituloy mo lang,” aniya kasabay ng marahang paghaplos sa pisngi nito.

“Pero—”

Pinigil niya ng isang malalim na halik ang mga sasabihin ng binata. Hinapit niya rin ang katawan nito patungo sa kanya upang maituloy na ang naudlot na pag-angkin sa katawan niya.

Naghiwalay ang mga labi nila nang mas yakapin pa siya nito. Kumapit naman siya nang mahigpit sa likod ng binata upang doon ibunton ang sakit nang tuluyang pag-angkin sa kanya ni Bodhi. Batid ni Clarabelle ang paglubog ng kanyang mga kuko sa likod ng binata subalit para kay Bodhi ay balewala iyon. Ni hindi rin nito ininda ang sakit na nagmula sa kanyang mga kuko.

Sa pagkawasak ng kanyang puri’y naging sunud-sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha. Luhang sumisimbolo ng kanyang ligaya at hapdi.

Hindi naman iyon nakaligtas kay Bodhi. Kaya nang makapasok ito nang tuluyan sa kanya’y panandaliang huminto ang lalaki upang bigyan siya nang marahan at magaang halik. Ang mga halik na iyon ay ipinapatak nito sa bawat butil ng luhang bumagsak sa kanyang pisngi.

“Sorry, My Bella…” Iyon ang namutawi sa bibig ni Bodhi habang may awang makikita sa mga mata nito. “I’m sorry for all the pain, Bella.”

Umiling siya saka ngumiti nang matamis. “Thank you for making this girl into a woman at masaya akong ikaw ang naging dahilan.”

Nawala ang pag-aalinlangan sa mukha ni Bodhi at napalitan iyon ng ngiti sa mga labi. “Itutuloy ko na ba? Kaya mo na ba?”

Tumango siya “O-oo.” Muli siyang kumapit dito.

Ang hapding kanyang nararamdaman ay unti-unting napalitan ng kiliti. Lahat ng sakit na kanyang dinanas kanina’y kagyat na napalitan ng kakaibang sarap.

Dahan-dahang ipinakikilala ni Bodhi sa kanya ang bagong sensasyong binubuhay nito sa kanyang kaibuturan. Bawat ulos nito’y, ungol niya ang nagiging kapalit. At upang mas lalong mapagbuti ang kanilang pag-iisa’y sinubukan ni Clarabelle na sabayan ang galaw ni Bodhi.

Tama naman ang kanyang ginawa dahil dinig at dama niya ang naging reaksyon ni Bodhi sa pakikipagsabayan niya sa bawat pagbulusok nito. Kapwa sila napapahalinghing sa ligayang hatid ng pag-iisa ng kanilang mga katawan.

Bahagyang umangat ng katawan si Bodhi upang magtagpo ang kanilang mga paningin. Walang namutawi sa bibig nito ngunit nababasa naman ni Clarabelle ang ligayang nasasalamin sa mga mata ng binata.

Dama niya ang parehong bilis ng tibok ng kanilang mga puso. Masasabi rin ni Clarabelle na hindi ito ang Bodhi na kausap niya kanina. Hindi ito ang Bodhi na nagsabing, hindi-hindi siya magugustuhan maghubad pa man siya. Ito ang totoong Bodhi. Punung-puno ng pagmamahal sa kanya. Sinasabi ng mga titig nito ang damdaming hindi masabi sa kanya nang diretso.

Sa ilan pang paggalaw ng balakang nila’y naramdaman na ni Clarabelle ang sariling tila may malapit nang maabot. Iyon na ba ’yong nababasa lamang niya noon sa mga magazine? Ang rurok ng ligaya? Ito na nga ba iyon?

“B-Bodhi…”

“Oo, Bella…” tugon ni Bodhi na tila nararamdaman na rin nito ang kanyang nararamdaman. “Nandito ako. Ako’ng bahala sa ’yo…”

Nagtiwala siya sa sinabing iyon ng binata at sinunod ang hinahanap ng kanyang kaibuturan. Ibinigay niya ang lahat ng lakas upang maabot ang dapat na maabot.

“Hmm… Ugh… Oh… B-Bodhi!” Ramdam ni Clarabelle ang bawat pintig ng kanyang pagkababae habang nilalasap ang ligaya ng langit.

Mayamaya pa’y naramdaman niya ang pagsunod ng binata sa kanya. Niyakap siya nito bagay na ginantihan naman din niya ng yakap. Bawat sandali ng paglasap ni Bodhi ng ligaya’y kanya ring ninamnam. Sinalo niya ang lahat ng ibinigay nito sa kanya hanggang sa matapos ito at mapahiga sa kanyang tabi.

Batid ni Clarabelle na ilang oras na lamang ay sisikat na ang araw. Subalit hindi iyon naging hadlang sa dalaga upang manatili pa sa tabi ni Bodhi. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang sariling mapalibutan ng braso ng lalaking kanina lang ay kanyang kaniig. Hahayaan din niya ang sariling makaidlip kahit ilang sandali bago umuwi.

 

SA PANAGINIP ni Clarabelle ay may tinig ng isang babae na tila tumatawag kay Bodhi. Subalit hindi niya mawari kung saan iyon nagmumula. Pilit niyang inalam kung saan at kanino ang tinig na iyon hanggang sa unti-unti na siyang gisingin ng sariling diwa.

Agad siyang namutla sa natunghayan nang idilat ang mga mata. Kasunod niyon ay ang mabilis din niyang paghatak sa kumot upang takpan ang sariling kahubdan. Nasa harap lang naman niya ang ina ng lalaking umangkin sa kanya kagabi. Nakaupo ito sa isang monoblock sa gilid at mayroong hindi maipintang reaksyon sa mukha.

“Mabuti’t gising ka na,” seryoso nitong saad. “Sino ka at ano ka sa buhay ng anak ko?”

Saglit siyang natulala rito at kalauna’y nagsalita rin. “A-ako po si C-Clarabelle.” Sasagutin pa ba niya ang tanong nito kung ano ang estado niya sa buhay ni Bodhi? Eh, kahit siya hindi rin alam ang sagot sa tanong na iyon.

‘Lagot!’

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Lunatic Virgin Series Book 1: Clarabelle Cayetano (Chapter 21)

2 Responses

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.