HINDI nagdalawang isip si Bodhi na harapin ng ama ni Clarabelle. Matapang siyang humarap dito. Seryoso naman itong nakatingin sa kanya. Habang ang dalawa pang kapatid ni Clarabelle ay nakikinig lang din sa kanila. Si Claudette ay nakangiti sa kanya habang ang lalaking kapatid ni Clarabelle ay seryosong nakatitig sa gawi niya. Itong dalawang ito ang una niyang nakilala dahil sila ang nagbukas ng pinto para sa kanya.
Nakakatuwa rin isipin na kilala na pala siya sa mukha ng kapatid na babae ni Clarabelle kaya naman hindi na siya naghintay pa nang matagal sa labas ng bahay ng mga ito.
“Bodhi Fuentes, sir,” pagpapakilala niya saka inabot ang kamay rito. Sandaling napatitig ang ama ni Clarabelle sa kamay niya ngunit sa huli’y tinanggap din nito iyon.
“Kilala mo naman na siguro kung sino ako kay Clarabelle?” Mapanuri ang mga titig nito.
Tumango siya. “Sir, pasensya na po kung biglaan ang pagsadya ko rito. Kailangan ko lang po kasing makausap ang anak ninyo. May mga bagay po akong dapat sabihin sa kanya.”
“Teka.” Mas lalong nagsalubong ang mga kila nito sa kanya. “Nanliligaw ka ba sa anak ko?” tanong nito sabay tapon ng tingin sa dala niyang bulaklak.
“Ah… Yes, sir,” tuwid niyang sagot.
“Ang kaso, ayaw kang harapin ng anak ko. Bumalik ka na lang sa ibang araw.”
Lalong tumibay ang hinala ni Bodhi na iniiwasan nga siya ni Clarabelle at hindi na niya palilipasin pa ang gabing iyon nang hindi nakakaharap ang dalaga. Baka bukas mas lalong wala na siyang balikan pa.
Without thinking, he knelt in front of them. Dinig naman niya ang pagsinghap ni Claudette.
“Sir, please. Let me talk to your daughter. Kailangan niya lang pong marinig ang mga sasabihin ko. Ipinapangako ko po na wala po akong gagawing masama sa kanya. Malinis po ang intensyon ko. Mahal ko po ang anak ninyo.”
Abot-abot ang panalangin niya na sana’y pagbigyan siya ng ama ng dalaga. At kung mabigo man ngayon si Bodhi, mayroon na agad siyang second plan. Hindi niya lulubayan ang mga lugar na pinupuntahan ni Clarabelle makausap lang ito.
“Bakit ka umiiyak?” narinig niyang tanong ni Caleb kay Claudette. “Wala namang nakakaiyak, ah.”
“Heh! Manahimik ka. Manhid ka kasi!” pairap namang sagot ni Claudette sa bunso.
“Hindi ko alam kung bakit ganyan ka kung magmakaawa na makausap lang anak ko. Marami namang pagkakataon. Pero…” Saglit nitong tinapunan ng tingin ang mga anak sa gilid. “Sige. Mainam din na makita mo siya ngayon. Baka magbago pa ang isip mo kapag nakita mo siya,” makahulugan pa nitong dagdag.
Agad siyang napatayo mula sa pagkakaluhod. “Maraming salamat po, sir. Pangako po. Hinding-hindi po kayo magsisising pinayagan niyo ako ngayon.”
Tumango ito. “Siya, sige. Caleb, ihatid mo si Bodhi sa kuwarto ng ate mo.”
Halata sa hitsura ng mukha ni Caleb na labag sa loob nito ang naging pagpayag ng ama ngunit wala namang magawa. Naisip tuloy ni Bodhi na kailangan din niyang kaibiganin si Caleb.
“Umayos ka, ha,” mariing bilin ni Caleb bago siya nito iwan sa tapat ng kuwarto ng kapatid nito. Sumenyas pa ang binatilyo na tutok daw ang mga mata nito sa kanya.
Nang makalayo si Caleb ay agad siyang kumatok sa pinto ng silid ng dalaga kahit hindi naman iyon nakasara. Nakita niya si Clarabelle na nakaupo habang kumakain.
“Bella…”
Nanlaki ang mga mata nito nang masilayan siya. Hindi rin niya inaasahang tatakbo ito sa direksyon niya upang isara ang pinto. Mabuti na lamang ay naisip agad ni Bodhi na iharang ang sapatos sa pinto.
“Ano bang ginagawa mo rito? Pinaalis na kita kay Claudette, ah.”
“Please, Bella. Mag-usap tayo. Harapin mo ako. Gusto lang kitang makausap. Please.”
“Sa ibang araw na nga lang.”
“Bakit hindi pa ngayon?”
“B-busy ako. Marami akong gagawin.”
“Hindi ako naniniwala. Sinabi sa ’kin ni Piper na iniiwasan mo na ako. Hindi ako papayag.”
Naramdaman niya ang biglang paggaan ng pinto. Ibig sabihin lamang niyon ay nabawasan na ang puwersa ng pagdiin ni Clarabelle sa pinto. Iyon ang ginawa niyang pagkakataon upang tuluyang buksan na ang pinto at makapasok sa loob. At nang magtagumpay ay agad niyang hinuli ang dalaga upang sukulin sa likod ng pinto. Dahil doon ay napamulagat ito saka mabilis na yumuko.
“Sinabi ni Piper ’yon?” tanong nito.
“Oo. Nagpunta ako kanina sa Venus para sana makausap ka pero iyon nga ang sabi niya. Iniiwasan mo na ako.” Hindi na niya itinago pa ang pagdaramdam sa boses. “Wait. Bakit ka nakayuko?”
Akma niyang hahawakan ang mukha nito ngunit mabilis na umiwas si Clarabelle. “Huwag! Huwag mo nang tingnan mukha ko. Nakakahiya.”
“Ano bang nangyari sa mukha mo? Let me see.” Muli niyang sinubukang iangat ang mukha ng dalaga at nagawa naman niya.
Napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha nang makita ang hitsura ni Clarabelle. Maga ang mukha nito at namumula ang ilong.
“Anong nangyari sa ’yo? Is it hurt?”
“A-allergy lang. Bubuti rin ako.”
“Allergy sa’n?”
“Sa mababalahibong hayop.”
Kaagad na umandar ang utak niya. Naalala ni Bodhi ang eksenang niyakap ni Clarabelle si Tooty. Napabuga siya ng hangin. Kaya pala namumula ang ilong ng dalaga nang huli niyang makita ito.
“Allergic ka pala kay Tooty pero bakit niyakap mo siya kahapon?”
“Ayaw ko naman kasing ma-offend ang parents mo kung sasabihin kong may allergies ako sa mga hayop.”
“Kahit na. Dapat sinabi mo o kaya sana, hindi ka na lang nagpupunta sa bahay. Gaano ka ba kadalas magpunta sa bahay nina mama?”
“D-dalawang beses pa lang naman.”
“So, dalawang araw ka na ring exposed kay Tooty.” Naihilamos niya ang sariling palad sa mukha. Hindi siya makapaniwalang tiniis ni Clarabelle ang allergy, makalapit lang sa kanyang mga magulang. “Nakapagpa-check up ka na ba? May gamot ka na bang iniinom?”
Tumango ito.
“Bakit naman kasi naisipan mo pang magpunta sa bahay para lang umakyat ng ligaw?” panenermon pa niya. “In the first place, hindi mo dapat ginagawa ’yon. Ako dapat ang gumagawa no’n para sa ’yo.”
“Eh, kasi… Naalala mo ba nang may mangyari sa atin?” Tumango siya. Impossibleng mawala sa isip niya iyon. God knows how much he wanted to make love again with this woman. “Kinabukasan, naabutan tayo ng mama mo sa condo mo.”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





2 Responses
Well nice scene hahaha next chap haha
👌