The Lunatic Virgin Series Book 2: Raffa McBain (Chapter 10)

Author's Note

Ang kuwentong ito ay hindi libre na mababasa. Kaya asahang sa mga susunod na chapter na iyong makikita ay mayroon nang hihingiing denaro upang ito ay mabasa (paid post).

――*☆*――*☆*――*☆*――

AFTER breakfast, Raffa returned to her room to change clothes. She wore a peach tank top and light brown leggings. She paired them with white rubber shoes as it was the only pair she had. Kinuha na rin niya ang nakitang cap sa closet ng kanyang ina.

Habang naghahanda ay muling nagbalik sa kanyang isipan ang panahong mga bata pa lamang sila ni Ramiro. Six years old siya noong unang beses niyang makaharap ang binata noon. Tahimik lamang ito noon sa tuwing makikita niya at hindi makatingin nang diretso sa kanya. Ngunit kalauna’y naging malapit din sila. Hindi na nga lang matandaan ni Raffa kung paanong naging malapit sila. Basta, ang alam lang niya ay gustong-gusto niyang kalaro noon si Ramiro sa paglalaro ng bahay-bahayan. Syempre, siya ang mommy. Ito naman ang daddy.

But one day, their friendship suddenly ended. For what reason? She no longer knew. Basta na lamang siyang iniwasan nito noon at hindi na nakipaglaro pa. And for her instinct, umiwas na lang din siya. Kung minsan pa nga ay nahuhuli pa niya itong masama ang tingin sa kanya. Kaya nagkaroon na rin siya ng inis dito.

But Raffa didn’t expect that Ramiro would get a hottie appearance after almost two decades had passed. She could say that Ramiro could easily keep up with the men in the city. He has a charismatic appearance with an oozing s*x appeal. Gaano kaya ka-sexy sa paningin niya ang binata kapag brief na lang ang suot nito? ‘Rawr!’

Pero mabilis at malakas siyang napailing. “What am I thinking?! Gosh! Hindi ka na bata, self, ha!”

Yeah. Ibang Ramiro na ang kaharap niya kanina kaysa sa Ramiro na she knew before.

Paglabas niya ng silid ay mabilis siyang nagtungo sa labas ng bahay. Hindi kasi niya natagpuan si Ramiro sa sala o sa kusina kaya in-assume niyang nasa labas na ito at naghihintay.

Ngunit hindi pa rin nakita ni Raffa ang lalaki. Tanging si Nanang Milagring lang ang naroon.

“Nanang, nasaan po si Mr. Sungit?” tanong niya rito na abala sa pagwawalis sa tapat.

Sandaling natigilan ang matanda. Marahil ay inisip kung sinong Mr. Sungit ang kanyang tinutukoy. Kapagdaka’y mahinang natawa ang matandang kasambahay.

“Ah, si Ramiro ba kamo? Aba’y nasa sasakyan na siguro at doon ka marahil piniling hintayin. Tunguhin mo lamang itong direksyon na ito.” Iminuwestra ni Nanang Milgaring ang hawak na walis titing sa kanang pathwalk ng kabahayan. “Nariyan nakaparada ang jeep niya.”

Tumango siya saka umusal ng mahinang pasasalamat dito bago lisanin ang matanda. Binaybay nga niya ang pathwalk na gawa sa batong bitak-bitak na nakalubog sa lupa.

Unang nakita ng kanyang mata ang isang bungalow house na kaparehong disenyo at kulay ng kanilang farmhouse. Napapaisip man kung ano at para saan ang nakahiwalay na bahay na iyon ay mas itinuon pa rin ni Raffa ang isip na makita si Ramiro.

But she was a bit surprised and pissed when she saw the familiar Jeep Wrangler in front of her. Iyon ang jeep na nilagpasan lamang siya kahapon. Muling bumangon ang munting inis sa kanyang dibdib. Hindi kaya sinadya talaga siyang huwag pasakayin ni Ramiro kahapon kahit nakita naman siya nito? Isa pa’y ito pala ang Ramiro na tinutukoy ng pinagtanungan niyang babae kahapon.

Nilapitan niya ang sasakyan saka tumayo lamang doon. Ang nais kasi niya ay pagbuksan pa nito ang pinto ng sasakyan.

‘Eh, what if I just smashed this damn side mirror for not letting me ride yesterday? Makaganti man lang ako,’ saad ng maldita side niya.

Nasa ganoon siyang posisyon nang sumungaw ang ulo ni Ramiro sa bintana ng sasakyan. “May problema ba, señorita?” kunot ang noong puna nito sa kanya.

Nabigla siya kahit paano pero hindi niya iyon ipinahalata rito. Napanguso siya sa inis saka kusang sumakay sa jeep.

“Are you the one who was driving this car yesterday?” medyo mataray niyang tanong rito.

Ngunit hindi siya sinagot ng lalaki. He kept his gaze focused in front of the car as if he didn’t hear her. Nakagat tuloy niya ang ibabang bahagi ng kanyang labi. Nadadagdagan na kasi lalo ang inis niya kay Ramiro. Sobrang lamig kasi ng pakikitungo nito sa kanya na parang bang may nagawa siyang kasalanan dito.

“Moron…” bulong niya sa sarili kasunod ng pagbaling ng tingin sa labas ng sasakyan. Inisip na lamang niyang bingi ito o kaya naman ay hindi nakakaunawa ng ingles.

 

LIHIM na napahigpit ang pagkakahawak ni Ramiro sa manibela ng sasakyan nang marinig niya ang ibinulong ni Raffa ukol sa kanya.

Marahil ay iniisip pa rin nito na hindi siya marunong umunawa ng salitang ingles gaya noong mga bata pa lamang sila. Narinig naman din kasi ni Ramiro ang tanong nito ngunit mas pinili pa rin niyang huwag sagutin iyon. Nais niyang manatiling malamig sa pakikitungo rito. Isa pa’y hindi niya nagustuhan ang tonong ginamit nito sa pagtatanong sa kanya. Napakataray.

Bago dumating ang dalaga sa lugar na iyon ay tinawagan muna siya ni Doña Victorina upang ipaalam ang pinaplano nito para sa bunsong anak. Sinabi nitong kailangan munang magtrabaho at matuto ng buhay bukid si Raffa bago ibigay ng doña ang nais na tulong pinansyal para sa pagbubukas muli ng dalaga ng negosyo.

At dahil siya ang namamahala sa lahat ng ri-rian at negosyo ng doña sa probinsyang iyon ay sa kanya na rin nito ipinagkatiwala ang pagbibigay ng leksyon para sa anak nitong kailanman ay hindi nakaranas ng hirap sa buhay.

Kaya naman sinimulan niya agad ang pagpapahirap dito pagbaba pa lamang ng Lucena. Sinadya niyang huwag sunduin ang dalaga para maranasan nito ang mag-commute sa habal-habal na nangyari nga naman kahapon. Sinadya rin ni Ramiro na lagpasan ito kahapon kahit pa nga ba nakita niya ang ginawang pagpaypay nito sa kanya.

Today is the second day of Raffa’s discipline. Nasabi ng binata iyon dahil sa nakikita niyang suot ng dalagang amo. Siguradong mangangati ito kapag nalapatan ng makakating damo ang nakalantad na balat. It looks like she’s going to meditate on the clothes she’s wearing.

Buo na rin ang kanyang desisyon. Hindi niya hahayaang magbuhay prinsesa si Raffa sa panahong mananatili ito sa kanilang lugar. Kung kinakailangang paluhurin ang dalaga sa ilalim ng tirik na araw ay gagawin niya, mabigyan lang ng halaga ang mga malilit na bagay na nasa paligid nito.

 

SA PAGLABAS nila Raffa at Ramiro ng arko ng hacienda ay agad na bumugad sa kabilang panig ng kalsada ang napakalawak na espasyong nababakuran para sa mga kabayong pangbenta. Matatangkad at malalaking uri ng mga kabayo iyon na ayon kay Ramiro ay lahi ng Arabian na pulos mga lalaki ang kasarian. Itinuro din nito sa kanya ang direksyon ng isa pang malawak na bakuran na panay naman mga babae at mas batang mga kabayo. Maging ang kuwadra ay ipinakita rin ang direksyon sa kanya.

Ipinakita rin ni Ramiro sa kanya ang ekta-ektaryang lupaing natatamnan ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas. Sa paglalakad nila ay kung sinu-sinong mga tauhan nila ang bumabati sa kanila lalo na sa kanya. They all knew who she was as if they were expecting her. And she just nodded at them and smiled back.

Alas nuwebe na iyon ng umaga at hindi na rin niya gusto ang nararamdamang init sa kanyang makinis na balat. Aayain na sana niyang bumalik na sa farmhouse si Ramiro nang unahan siya nito.

“Tutulong kang mag-ani ng monggo sa kanila, Señorita Raffa,” sabi nito kasunod ang pagtawag nito sa isang dalagita na abala na sa pag-aani.

“Wait—did you say harvesting? Me?” nahintatakutan niyang balik na tanong.

“Narinig mo ako, señorita. Huwag kang mag-alala, madali lang ang mag-harvest ng monggo. Tuturuan ka ni Clarita.”

Sakto namang lumapit na sa kanilang gawi ang dalagitang tinawag nito.

“Bakit po, Kuya Ramiro?” nakangiting tanong naman ng dalagitang balot na balot ang katawan.

Nakasuot ito ng green long sleeve na parang sa construction worker at itim na slacks. Nakasuot din ito ng itim na botang gawa sa goma at abanikong sumbrero para sa ulo. May suot din itong puting guwantes na gawa sa cotton.

“Turuan mo ang Señorita Raffa natin kung paano ang mag-harvest ng monggo. Siguraduhin mong mapupuno niya nang mag-isa ang baldeng gamit mo.” Pagtataka at inis naman ang naramdaman ni Raffa nang makita niyang nakangiti nang malapad si Ramiro sa dalagita.

‘Bakit sa akin parang gusto niya akong sakalin sa lahat ng oras kapag ako ang kaharap niya?’ 

Kagyat siyang tiningnan ni Clarita ngunit siya ang nagsalita. “Amir, hindi—”

“Ramiro, señorita.” Pinutol nito ang kanyang iba pang sasabihin kaya napairap nang wala sa oras ang inner self niya.

Eh, ’di Amir! Tse!’

“Señorita, ipapaalala ko lang na lahat ng ipagawa ko sa inyo ay kagustuhan din ng Doña Victorina.”

Natahimik siya. Oo nga pala. Iyon ang naging kasunduan nilang mag-ina kapalit ng gusto niyang pagtulong nito sa kanya.

“But, it’s really hot in here. Pakiramdam ko masusunong na ako sa tindi ng init ngayon. Can I do it na lang tomorrow?”

Ngunit sa halip ay binalingang muli ni Ramiro si Clarita. “Ah… Clarita, mayroon ka pang extra na long sleeve d’yan para sa ating kamahalan?”

Kaagad namang tumango ang dalagita. “Oo, kuya. Kukunin ko lang po sa bag ko.”

Sa mga sandaling iyon ay pinipigilan ni Raffa ang magsungit. Sa pandinig kasi niya ay pasimple siyang iniisulto ng binata.

‘Calm down, Raffa. He’s not worth wasting your beautiful energy. Kaya calm down!’

Sa pag-alis sandali ni Clarita ay muli na namang naging cold ang pinta ng mukha ng binata bagay na ipinagtataka niya. Bakit ba parang galit na galit ito sa kanya?

“Heto po, señorita.” Inabot nito sa kanya ang long sleeve na gaya ng suot nito. Kulay abuhin nga lang iyon. “Kinuha ko na rin po itong isa ko pang gloves. Gamitin niyo rin po ito.”

Kahit napipilitan ay kinuha na lamang niya ang mga ibinibigay ni Clarita. Sa hitsura pa ng tela ay hindi niya ma-take na suotin iyon. Sobrang luma na at tila may amoy kulob pa siyang nalalanghap.

“Pagpasensyahan niyo na po ’yan, señorita. Iyan lang po ang mayroon ako sa bag na dala ko. Huwag po kayong mag-alala. Bagong laba naman po iyan ni nanay,” biglang paliwanag nito marahil ay nabasa ang kanyang reaksyon habang tinitingnan iyon.

Napatingin siya kay Ramiro nang wala sa loob at gayon na lang pagbundol ng pagkabigla sa kanyang dibdib nang makitang nakatunghay din ito sa kanya at may madilim na mukha.

‘My goodness! Is he a devil?!’

“Clarita, puwede mo nang isama ang ating señorita.” Iyon na lamang ang narinig niya mula sa lalaki.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

The Lunatic Virgin Series Book 2: Raffa McBain (Chapter 10)

One Response

  1. Ano kaya dahilan nitong Adonis na to at ganiyan inaasta sa bebegurl ko pero sabik na ko lalo sa bs niyo bwahahha panong parusa ang mga gagawin niya sayo 🤣😝

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.