The Bitch
Tuluyan nang umalis si Leandro sa Cebu. Umuwi siya sa bahay nila sa Iloilo. Gaya ni Enrie, may hacienda din si Leandro. Ang pinagkaiba lang nila ay pag-aari ni Enrie ang kanyang hacienda. Si Leandro naman, kasama pa niya ang kanyang mga magulang. Habang tinatahak niya ang daan patungo sa kanila, walang ibang laman ang kanyang isipan kundi si Clara. Namumuo na rin ang galit sa kanyang puso sa kasinungalingang pinipilit niyang paniwalaan.
Mabilis ang biyahe niya. Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng isang malaking gate. Sinuntok niya ang manibela ng sasakyan niya. Hindi na napigilan ni Leandro ang galit na nararamdaman. Kusang bumitaw ito sa kanyang katawan.
“Clara, pangako, aalamin ko ang lahat ng katotohanan,” sabi ni Leandro sa sarili. Kusang bumukas ang malaking gate at hindi na nagdalawang isip pa si Leandro. Agad niyang pinaandar ang sasakyan niya. Ayaw niyang mag-aksaya ng oras at gusto niyang harapin ang kanyang ina.
Nang makarating siya sa entrance door ng kanilang mansyon. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan niya. Dumiretso siya sa loob. Hindi niya pinansin ang lahat ng staff na bumati sa kanya. Ang tanging nasa isip niya ay ang mga madugong larawan ni Clara na nakatago sa kanyang cabinet. Naglalakad ang mga paa niya, maya-maya ay tumakbo ang mga ito paakyat sa kwarto niya. Binuksan niya ang kanyang cabinet at inilabas ang mga larawan ni Clara. Nagmadali siyang puntahan ang kanyang ina.
“Salamat sa Diyos, nandito ka na!” Sinalubong siya ng kanyang ina ng yakap. Ngunit, mabilis na umiwas si Leandro at binalibag ang mga litrato ni Clara sa harap ng kanyang ina.
“Ano ang ibig sabihin nito?” tanong agad ng kanyang ina.
“Ikaw ba ang dapat magtanong niyan sa akin o ako ang magtatanong sayo niyan, Mom?” galit na sagot ni Leandro. Kitang-kita sa panga niya. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Nag-aapoy ang mga mata niya.
“Hindi kita maintindihan, anak!”
“Hindi ko rin maintindihan kung bakit mo sinabing patay na si Clara, buhay na buhay siya. May alam ka ba sa nangyari? Sagutin mo ako!” mariing sabi ni Leandro.
“Anak, wala akong alam, alam mong gusto ko siya ng sobra para sayo, it hurts me so much that you think badly of me. Well, it’s a good thing to know that Clara is alive.”
“I don’t believe you,Mom! If you know something tell me!” Pagpupumilit ni Leandro sa kanyang ina habang ito ay nanginginig sa galit. Nanatiling tikom ang bibig ng kanyang ina.
“Sige, kung wala kang alam, nasaan si dad? Tatanungin ko siya,” dagdag ni Leandro. Nang tatalikuran na sana niya ang kanyang ina ay pinigilan siya nito.
“Anak, maniwala ka sa akin, wala akong alam, pero…”
“Pero?”
“Pakiusap, huwag mong sabihin sa iyong ama ang tungkol dito, kung nais mong panatilihing ligtas si Clara.”
“So, ibig sabihin may alam ka. Sabihin mo sa akin ang totoo!” Lumakas ang boses ni Leandro sa loob ng kanilang mansyon.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo Leandro, na wala akong alam, may nararamdaman lang ako sa dad mo tungkol dito,” paliwanag ng kanyang ina.
“Mom, buhay si Clara. Kinausap at hinawakan ko siya. Buhay si Clara!”
“Clara, Clara, Clara, ang pangit ng welcome na narinig ko. Kailan ba nabuhay ang isang patay!”
“Ava,” simpleng sabi ng ina ni Leandro. Lalong naningkit ang mga mata ni Leandro sa galit.
“Anong ginagawa mo dito? Sinong nagsabing pumunta ka dito?” agad na tanong ni Leandro kay Ava. Agad niyang pinulot ang mga larawan ni Clara at inilagay sa kanyang bulsa.
“Hindi ka ba masaya na makita ako,” sagot ni Ava kay Leandro. Lumapit si Ava kay Leandro. Hinaplos niya ang dibdib ni Leandro.
“Huwag mo akong hawakan, alam mo kung ano ang nararamdaman ko para sa iyo.”
“Leandro, wala ka nang magagawa. Nakaplano na ang lahat para sa kasal natin, at sigurado ako, Tito Roberto, hindi siya papayag na hindi tayo magpakasal,” sagot ni Ava. Humalakhak si Ava at mas nagalit si Leandro.
“Walang may hawak sa buhay ko, tandaan mo ‘yan, Ava! Magpapakasal lang tayo dahil sa yaman mo. Sa totoo lang, ayoko na sa buhay ko, kaya kong iwan ang lahat ng meron ako, ‘wag lang hayaan na matuloy ang walang kwentang kasalan na ‘yan!”
“Leandro, tumigil ka!” Pinigilan siya ng kanyang ina.
“Stop? No, I won’t stop mom, para malaman ng babaeng ito kung ano ang ginagawa niyang mali sa buhay niya. Look Ava, simula nung nakilala kita, wala akong maramdaman sayo kasi parehas kayo ng ugali ng ama ko.” Nagpatuloy si Leandro sa mga masasakit na salita kay Ava. Napansin din ni Leandro ang galit sa mga mata ni Ava.
“Gawin mo ang gusto mo, pero sisiguraduhin ko, hindi ka mananalo sa larong ito!” galit na sagot ni Ava.
“Kahit manalo ka, pagsisisihan mo ang buhay mo sa kamay ko!” sagot ni Leandro. Isang banta na nagpatahimik kay Ava. Tinalikuran din sila ni Leandro, iniisip kasi niya kung ano pa ba ang pwede niyang gawin o kung ano pang masasakit na salita ang masasabi niya. Naikuyom naman ni Ava ang kanyang mga kamao. Gustong lumuha ng kanyang mga mata, ngunit pinigilan niya ito dahil nasa harapan niya ang ina ni Leandro.
“I’m sorry, Ava. Sorry, kay Leandro at–”
“I’m okay! I’m fine! Sanay na ako sa anak mo. Hindi ako susuko, alam kong balang araw matututunan din niyang mahalin ako.”
Hindi kumikibo ang ina ni Leandro. Sinamahan na lang niya si Ava sa kwarto nito sa loob ng mansyon. Nang naihatid na siya ng ina ni Leandro ay sinara niya ang pinto. Binalibag niya ang mga gamit niya sa kama. Inihagis niya ang mga unan sa sahig. Para siyang bata na ninakawan ng laruan.
“Tatlong taon na ang lumipas, kahit anong gawin ko, walang nararamdaman sa akin si Leandro. Gusto ko talaga siya. Mahal ko siya! Pero bakit? Bakit hindi ko makuha ang puso niya? Lahat ng gusto ko nakukuha ko, pero bakit? Leandro is it so hard for me to get him,” ani Ava kahit wala siyang kausap. Bumagsak ang luha mula sa kanyang mga mata. Pumasok sa isip niya si Clara. Naisip niya na baka buhay pa ang dalaga. Hindi magwawala si Leandro kung hindi totoong buhay si Clara. Naisipan ni Ava na sabihin sa ama ni Leandro ang tungkol kay Clara. Mabilis niyang tinawagan ang ama ni Leandro.
“Tito Roberto,” agad na tawag ni Ava sa linya.
“Yes, my sweet lady. How can I help you? Nakarating ka na ba sa mansyon? Nagkita na ba kayo ni Leandro?”
“Buhay si Clara!” walang alinlangan na sabi ni Ava.
“Ano? Hindi totoo ‘yan! Patay na ang babaeng ‘yon. At bakit mo nasabi ‘yan?” Biglang kinabahan si Roberto.
“Nadatnan kong nagtatalo sina Leandro at Tita Ana tungkol sa babaeng iyon at–”
“My dear Ava, calm down. Ilusyon lang ni Leandro na buhay pa ang babaeng iyon. Patay na si Clara, okay. Maniwala ka.” Hindi na sumagot si Ava. Nagpaalam na lang siya kay Roberto. Ngunit, malakas ang kutob ng puso niya na totoong buhay si Clara.
“Gagawin ko ang lahat para mapasakin ka Leandro. Wala akong pakialam kung anong klaseng impyerno ang tatahakin ko kasama ka. I just want you to be mine. You’re all mine!” sigaw ni Ava sa loob ng kwarto.
“That woman Clara, I don’t know her. I never even saw her in person. Nalaman ko lang na siya pala ang mahal ni Leandro nang mabunyag na patay na siya. Itinago nila ang kanilang relasyon dahil empleyado siya ni Leandro. At dahil sa babaeng iyon, halos mabaliw si Leandro. Muntik nang masira ang buhay niya nang malaman niyang patay na ang babaeng iyon. Hindi niya matanggap ang pagkawala ni Clara at noong mga araw na nahihirapan siya, nandoon ako, pero hindi niya ako nakikita,” patuloy sa pagsasalita si Ava. Halos mabaliw si Ava sa kakaisip. Ngunit ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap sa kanyang sarili.
“Dumating lang ang araw na tumahimik na si Leandro. Bumalik na ang maayos na si Leandro. Akala na lang naming lahat ay tanggap na niya ang nangyari. Pero, bakit ngayon pa? Narinig ko na naman ang pangalan ni Clara na lumabas sa bibig niya. Who the f*** is she? Pero siguro mas magandang buhay siya at makaharap ko siya. Para malaman niya kung sino ako? Ako mismo ang bubura sa kanya sa mundong ito!” Naghari ang matinding galit at hinanakit sa puso ni Ava. Nag-iisip na siya ng masama para lang maging kanya si Leandro. Pareho sila ni Enrie, ang pagmamahal na nararamdaman nila kay Leandro at Eliza ay gahaman.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





3 Responses
Sino si Ava 🥴 yan ang magandang tanong otor pero nakakatuwa talaga ang otors note mo, sat pala ngayon enebe so walang update today 😅 atleast nasa latest ud nq 🤣 salamat more uds pa malalim pa ang hugot ng kwento nilang 5, Leandro, Clara, enrie,milandro at Ava pero mas malalim ang katauhan na meron si clara/yna/eliza naks 3 nym yern 😝
Hahaha! Basta susundin ko ang payo mo po, sa susunod na update hindi ako maglalagay ng author’s note. Babasahin ko po ang mga comments mo. By the way, about Milandro, may sarili po siyang kuwento after po nito. Salamat po ulit!
Hi, updated na po. Hindi ko nilagyan ng author’s note, haha! Tingnan ko po kung ano ang masasabi niyo sa update. Salamat po!