SIMULA nang umalis si Milandro sa condo ni Enrie. Walang ibang nasa harapan ni Enrie, maliban sa bote ng alak. Marami na naman siyang nainom dahil hindi na nasisiyahan ang kanyang puso at isipan. Pakiramdam niya ay lalayo at mawawala ang dalawang importanteng tao sa buhay niya. Ang matalik niyang kaibigan na si Milandro at ang babaeng mahal ng puso niya na si Eliza.
Hindi na alam ni Enrie ang nangyayari sa kanya. Ang tanging naririnig lang niya ay ang boses na bumubulong sa kanyang tainga na gawin ang anumang gusto niya. Kahit mali, gusto pa rin niyang ituloy ang mga plano niya. Habang hawak niya muli ang basong puno ng alak, may kumatok sa pinto.
“Sinabi ko na, babalik si Milandro. Hindi niya ako matiis,” sabi ni Enrie sa sarili. Mabilis siyang tumayo at agad na binuksan ang pinto. Nadismaya si Enrie, nang makita niya ang mukha ni Ava. Isasara na sana niya ulit ang pinto, pero buong lakas siyang hinarang ni Ava.
“Get lost!” sigaw lang ni Enrie kay Ava. Ngunit hindi siya pinansin ni Ava. Sa halip ay binigkas ni Ava ang isang salita na sa tingin niya ay makakapagpabago ng tingin sa kanya ni Enrie.
“Gusto mo rin bang paglaruan at lokohin tulad ng ginawa nila sa akin?”
“Wala akong pakialam sa iyo, umalis ka na!”
“Kahit na, alam ko kung nasaan si Clara? Itataboy mo pa rin ba ako?”
“Nagsisinungaling ka, Ava! Diba?”
“No, I’m not! I am telling the truth. Tatakbo ba ako sayo at iiyak ng ganito, kung hindi totoo ang sinasabi ko. Look Enrie, tayong dalawa lang ang magkakampi, bakit ayaw mong maniwala sa akin,” paliwanag ni Ava.
“I do not believe-“
“You are such a big fool, Enrie!” biglang sigaw ni Ava.
“What did you just say?” Nanginig ang mga panga ni Enrie.
“There’s a suspicious man I saw here, when I came to see you this morning. I saw him too with Leandro,” aliwanag ni Ava kay Enrie. Naisip agad ni Enrie si Milandro.
“Ano? Hindi ako naniniwala sa—”
“Go! Kung hindi ka naniniwala sa akin, tanungin mo siya.” Sa tono ng pananalita ni Ava, seryoso siya. Lalong naging magulo ang isip ni Enrie.
“Paano nagawa sa akin iyon ni Milandro? Alam niya kung gaano ko kamahal at kailangan si Eliza sa buhay ko,” naisip ni Enrie.
“And, guess what? Alam mo bang nagkasundo na sina Clara at Leandro? Alam mo bang anak si Clara ng isang senador? Alam mo bang nasa probinsya ngayon si Clara? Kung titingnan ko ang sitwasyon, hindi ba, si Leandro at ang lalaking nagpunta dito kanina ang nagtago kay Clara? Paano nalaman ni Leandro na nasa probinsya si Clara, Enrie? Mag-isip ka at huwag kang tanga!”
“Hindi ka makasagot? Ikakasal na sina Leandro at Clara. Paano mangyayari iyon kung—”
“Tumigil ka na!” sigaw ni Enrie.
“I will stop? Ayaw mo bang marinig ang sasabihin ko? Diba asawa ka ni Clara, bakit wala kang ginagawa?”
“Sabi ko, tama na!” isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Enrie. Hindi na niya napigilan ang sarili, hinawakan niya ang braso ni Ava.
“Nasasaktan ako, bitawan mo ako!” Nagpupumiglas si Ava.
“Kung gusto mong makipagtulungan ako, hindi ko gagawin yun. May sarili akong plano. Hindi ako tanga na gagamitin mo lang. Umalis ka sa harapan ko, dahil hindi kita kailangan!” sabi ni Enrie kay Ava at tinulak ang dalaga palabas ng pinto.
“Are you sure, Enrie? You don’t need me? Kanina lang sinabi ko na alam ko kung paano matunton si Clara. Tinutulungan na kita para mapabilis ang paghahanap mo sa babaeng ‘yon, ayaw mo pa. Sige, kung yan ang gusto mo, aalis na ako.” Lumingon si Ava.
“Sandali lang,” pigil ni Enrie. Wala siyang magagawa kung hindi makinig kay Ava. Pero hindi para sa kapakanan ni Ava. Gusto lang niyang makakuha ng impormasyon tungkol kay Clara.
“Kailangan ko lang pala na maging madaldal, para pumayag ka sa gusto ko.” Tumawa si Ava at muling hinarap si Enrie.
“Gagawin ko para makuha si Clara.”
“Enrie, pareho lang tayo. Gusto mong makuha si Clara at gusto kong makuha si Leandro.”
“Paano mo nalaman kung nasaan si Clara?”
“Sa narinig ko kanina, bibisitahin siya ni Leandro bukas. Hindi ko alam kung nasaan talaga siya, pero kung susundan natin si Leandro, makikita natin sila,” paliwanag ni Ava kay Enrie. Hindi natinag si Enrie sa sinabi ni Ava.
“Well, see you tomorrow morning. Let’s follow them together,” paalam ni Ava kay Enrie. Tuluyan nang iniwan ni Ava si Enrie. Isinara ni Enrie ang pinto. Bumalik ulit si Enrie sa mesa, umupo at uminom ng alak. Nagsimula na naman siyang mag-isip. Pinipilit niyang intindihin ang mga sinabi ni Ava na nagkakilala sina Leandro at Milandro.
“Probinsya?” Napaisip si Enrie ng malalim. Nagsalin ulit siya ng alak sa baso at ininom iyon.
“Kung magkasama sina Leandro at Milandro. Ibig sabihin—” Muli siyang tumayo.
“What! Kaya ba pumunta si Milandro sa akin kaninang umaga para sabihin sa akin na kasama niya si Eliza?” Umiling si Enrie. Nagsisi siya na pinaalis niya si Milandro.
“Kaya ba niya pinuntahan si Leandro at sinabing kasama niya si Eliza? Tama si Ava, isa akong malaking tanga! Tama si Ava, pinaglalaruan at niloloko din nila ako!” Hinawakan niya ang baso at nabasag ito sa kamay niya. Nasugat ang palad niya at dumugo. Pumatak sa sahig.
“Pero bakit?” Tumulo ang luha ni Enrie habang kinakausap ang sarili.
“Hindi ko maintindihan! Bakit ginawa sa akin ito ni Milandro? Para ba sa akin ang ginagawa niya? Dahil ba alam niyang mali ang ginagawa ko? Dahil ba ayaw niyang mapahamak ako?” Nagpatuloy si Enrie sa pagsasalita.
“Hindi! Hindi ko man sundan si Leandro bukas, alam ko na kung nasaan si Eliza. Pero hindi! Kailangan kong mauna kay Leandro para makarating sa Batangas. Kahit hindi ako sigurado kung nasa Batangas si Eliza, pupunta ako sa lugar ni Milandro. Kailangan kong unahan si Leandro dahil alam ni Eliza na asawa ko siya. Sasama siya sa akin!”
Ginamot muna ni Enrie ang sugat sa kamay. Hindi siya nagdalawang isip na pumunta sa Batangas. Pero ang hindi niya alam, nauna si Leandro. Hindi na matiis ni Leandro na hindi makita at makasama si Clara. Hindi na rin makapaghintay si Leandro na ibunyag kay Clara ang katotohanan. Magkasama sina Leandro at Milandro sa sasakyan.
“Muli, salamat, Milandro.”
“I’m just doing the right thing, Leandro. Pati na rin ang kaibigan kong si Enrie. Ayokong mapunta siya sa maling landas. At sana hindi ko pagsisihan itong desisyon na ginawa ko.”
“Salamat, Milandro.” Hindi kumikibo si Milandro. Sa wakas ay binaybay na nila ang daan patungo sa kanyang munting paraiso sa Batangas.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





One Response
Naku naku malala ang ganap next chap ang pagtatagpo hehe