Winter’s End (Chapter 9: Unang Banggaan ng mga Pusong Nagmamahal)

Author's Note

Ang galit ni Enrie, at the same time, ang takot sa kanyang puso.

――*☆*――*☆*――*☆*――

Unang Banggaan ng mga Pusong Nagmamahal

Hindi alam ni Manang Lita kung tama ang naging desisyon niya na payagan si Eliza na lumabas kasama si Leandro. Para sa kanya, mali ang ginagawa ni Enrie— ang pagkukulong kay Eliza sa loob ng hacienda. Naalala ni Manang Lita ang naging pag-uusap nila ni Leandro bago siya iniwan ng binata.

 

“Good morning, Sir Leandro. Naghihintay na si Ma’am Eliza sa labas,” banggit ni Manang Lita kay Leandro. Nahiya si Leandro, dahil pakiramdam niya ay pinaghintay niya si Eliza.

 “Thank you, Manang Lita! Pupuntahan ko na po siya ngayon,” simpleng sagot ni Leandro, ngunit pinigilan siya ni Manang Lita.

 “Iho, ito ay isang pakiusap-“

 “Pakiusap?”

 “Sana huwag mong sabihin kay Enrie na pinayagan ko si Eliza na sumama sa iyo. Malungkot lagi si Eliza, sa tingin ko kailangan niya ng isang kaibigan,” dagdag pa ni Manang Lita kay Leandro. Nagulat si Leandro, ngunit alam niyang may kahulugan ang gustong iparating sa kanya ni Manang Lita.

 “Don’t worry, trust me! I’ll keep it secret. By the way, matagal ka na po ba dito Manang Lita? Paano naging mag-asawa sina Enrie at Eliza? Matagal na po ba silang magkakilala?” tanong ni Leandro na ikinagulat ni Manang Lita.

 “Ah— I’m sorry, wala ni isa sa amin dito ang may karapatang pag-usapan ang bagay na iyon. Naghihintay na si Ma’am Eliza sa labas, puntahan mo na lang siya, Sir Leandro!”

 “Bakit ayaw pag-usapan?” tanong ni Leandro sa sarili habang lalong nadagdagan ang pagdududa niya sa pagkatao ni Eliza. Tumalikod na lang siya kay Manang Lita at iniwan ang matanda.

 

Nakatayo si Manang Lita sa sala. Binuksan niya ang kurtina at nakita niyang magkaharap sina Eliza at Leandro. Sa obserbasyon ni Manang Lita, pakiramdam niya ay may koneksyon ang dalawa. Nakikita ni Manang Lita na may kakaiba kay Leandro at Eliza. Huminga nang malalim si Manang Lita. Maging siya ay naguguluhan. Pareho sila ni Enrie na parang halong-halong sorbetes ang kanilang mga emosyon. Pero, alam ni Manang Lita na hindi siya papaalisin ni Enrie dahil lang pinayagan niya si Eliza na makasama si Leandro. Samantala, nagsimula nang mag-usap sina Leandro at Eliza sa labas ng mansyon.

“Good morning, Mr. Villanueva!” bati ni Eliza kay Leandro. Natulala si Leandro nang makita niya si Eliza, nakasuot ito ng puting pang-itaas na may mahabang manggas, kitang-kita ang kanyang mga binti sa asul na palda na lalong nagpaputi sa kanyang balat. Kahit saang anggulo siya pagmasdan ni Leandro, para sa kanya siya talaga si Clara.

“I’m sorry, kung natagalan ako,” agad na paliwanag ni Leandro.

“It’s okay,” sagot agad ni Eliza. Tumalikod si Eliza. Nang hahakbang na ang mga paa ni Eliza ay pinigilan siya ni Leandro.

“Hmmm… can I ask you a favor?” sabi ni Leandro. Agad namang lumingon si Eliza at agad na nagtama ang kanilang mga mata.

“What?”

“Just call me Leandro, be comfortable with me, don’t consider me a guest or a stranger. Just consider me as your friend, okay lang ba sa iyo?” diretsong sabi ni Leandro.

“O—Okay, no problem! Then, shall we go?” Tumabi si Leandro kay Eliza. Nagsimula na rin silang maglakad. Nakatutok ang mga mata nilang dalawa sa kanilang dinadaanan. Tahimik silang dalawa. Hindi man lang sila nagsasalita, kahit marami silang gustong sabihin at tanungin sa isa’t isa.

Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad patungo sa sunflower field. Iyon ang lugar na hindi kalayuan sa mansyon ni Enrie. Dumiretso si Eliza sa isang gazebo. Sumunod naman si Leandro. Ayaw ni Leandro na mawala si Eliza sa kanyang paningin. Halos magkatabi sila sa upuang gawa sa kawayan. Nakaharap silang dalawa sa mga bulaklak. Naalala tuloy ni Leandro noong dinala niya si Clara sa ganoong lugar, kung saan lumalabo ang kanilang relasyon.

 

“I’m sorry if I lied to you again. I just want to be with you and talk just the two of us,” agad na paliwanag ni Leandro.

 “Pero—”

 “Clara, hindi ko maintindihan kung paano mo akong nagagawang iwasan. Kung ano man iyon, hindi kita kayang mawala sa buhay ko,” agad na reklamo ni Leandro.

 “But I don’t want bad things to happen to you, because of me,” naiiyak na sagot ni Clara.

 “Do you really love me?” tanong agad ni Leandro.

 “Oo mahal kita, pero..”

 “Kung ganoon, hindi pa ba sapat ang pagmamahal mo sa akin para labanan ang kung ano mang negatibong nararamdaman mo?” muling diretsong tanong ni Leandro kay Clara.

 “Kaya mo bang ipaglaban ang nararamdaman mo para sa akin? Huwag kang mag-alala sa akin dahil kaya kong iwan ang lahat ng meron ako, para sa iyo!” Tumulo ang luha ni Clara at ayaw ni Leandro na umiyak ito sa harap niya. Siya ay nagagalit. Nadudurog ang kanyang puso.

 “Okay, let’s stop this thing, just enjoy the view. And from now on, this place is our sweet escape! Okay?” nabanggit na lang ni Leandro at tumango lang si Clara. Pinunasan ni Leandro ang mga luha sa pisngi ni Clara. Napangiti si Clara at biglang niyakap si Leandro.

 

“Hindi ko alam noon, kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ni Clara. Pero noong niyakap niya ako ng ganoon, naramdaman ko ang paghihirap niya dahil sa akin.” Muling naisip ni Leandro si Clara.

“Are you a quiet person? Why aren’t you talking?” biglang tanong ni Eliza sa kanya.

“I think y-yes! But I’m sorry, may naaalala lang ako tuwing nakikita ko itong sunflower field.”

“Talaga? If you don’t mind, what is it?”

“Huh?” Hindi alam ni Leandro kung dapat ba niyang sabihin ang tungkol kay Clara— ang babaeng pinakamamahal niya. Pero, nakatitig sa kanya si Eliza, na para bang hinihintay siya nitong magsalita. Iniwas ni Leandro ang tingin kay Eliza.

“Noon, may isang babaeng mahal na mahal ko. Mahilig siya sa kalikasan at sa mga bulaklak na iyan. I made a promise to her that someday I will create a world like that, just between the two of us.” Nagsimulang magkwento si Leandro.

“Pagkatapos?” dagdag pa ni Eliza. Excited ang dalaga.

“Ano ba Eliza? Huwag mo na akong tanungin?” ‘Yan ang dumadaloy sa isipan ni Leandro. Ngunit, wala na siyang pagpipilian dahil nasimulan na niya.

“But, they told me she’s dead and I don’t believe that, until now I’m still searching and hoping that I will find her,” patuloy ni Leandro at saka siya biglang tumingin kay Eliza. Nagkatitigan sila. Hindi alam ni Eliza kung bakit nagkaroon ng kaba sa kanyang damdamin.

“Buti pa ikaw alam mong may mahal ka, but me I don’t understand my feelings.” Iwas ni Eliza kay Leandro.

“What do you mean?” Kumabog din ang puso ni Leandro.

“I don’t know. Just, I don’t know anything. Even Enrie I don’t remember him, because I don’t remember anything in my life,” paliwanag ni Eliza. Kung kanina lang kumakabog ang puso ni Leandro, sa puntong nalaman niya na walang maalala si Eliza, gustong sumabog ng dibdib niya. Ang buong akala ni Leandro may sakit lamang itong makakalimutin, hindi niya inaasahan na wala pala talaga itong maaalala sa buhay niya.

“Wala kang maalala? Maski si Enrie hindi mo maalala?” tanong ni Leandro at tumango lang si Eliza.

“Asawa mo si Enrie, kahit pagmamahal sa kanya wala kang maalala?” dugtong pa ni Leandro.

“Pagmamahal? I have a feeling that I did love once, and I know it was not Enrie,” patuloy na sabi ni Eliza.

“What?” nagtatakang sagot ni Leandro.

“I wanted to remember anything, pero minsan naiisip ko si Enrie. What if, kung hindi nga siya ang tao na narito sa puso ko? What will I do? Iiwanan ko ba siya at pasasalamatan na lang sa kabaitan na ginawa niya sa akin? What do you think, Leandro?”

“Ako pa talaga ang tinanong niya? Kanina pa ako hindi makahinga sa mga sinasabi niya,” bulong ni Leandro sa kanyang sarili.

“Well, sometimes love makes terrible decisions and sometimes love has no choice at all!” sagot na lang ni Leandro.

“W—What did you just say?” nauutal na tanong ni Eliza kay Leandro.

“Ha? That sometimes love makes terrible decisions and sometimes love has no choice at all?” Inulit ni Leandro ang kanyang sinabi. Tumulo naman ang luha ni Eliza.

“Are you okay?” nag-aalala na tanong ni Leandro sa kanya.

“Why? Why those words? Bakit niya alam sabihin ang mga salitang iyon?” Nagsasalita ang isipan ni Eliza.

“At ang boses niya talaga,” bulong ng isipan ni Eliza.

“Are you okay, Eliza?” tanong muli ni Leandro. Pinunasan ni Eliza ang kanyang luha.

“Yes, I am. Can I trust you, Leandro?” Hindi alam ni Leandro kung bakit nasabi ni Eliza ang bagay na iyon, pero kusang tumango ang ulo niya.

“Can I ask for your help?”

“Sure, what is it?”

“I want to remember everything in my life, my past, could you help me?” tanong ni Eliza.

Nilahad ni Eliza ang kanyang diary book sa harapan ni Leandro. Sa totoo lang, nagdududa si Eliza kay Leandro. Sa boses, pananalita, at galaw nito. Parang kilala niya si Leandro. May gustong makita si Eliza sa mukha ni Leandro kapag nabasa nito ang nakasulat sa loob ng diary book.

“This is my diary book. Pero, isa lang ang nakasulat diyan dahil yun lang ang tanging naaalala ko. Pwede mo bang basahin ‘to at sabihin mo sa akin, that I did love once? Kung nagmahal nga ako ng isang tao at hindi si Enrie. Gusto kong malaman ang nararamdaman mo?”

“A-Are you sure with this, Eliza?” kinakabahan na tanong ni Leandro. Tumango si Eliza. Kinuha ni Leandro ang diary book at binuklat niya ito. Nagsimulang manginig ang kanyang kamay, walang tigil ang kanyang puso sa pagwawala. Nag-init ang buong katawan niya, gustong tumulo ng kanyang luha. Tiningnan niya si Eliza, habang sobrang higpit ang hawak niya sa diary book. Pinipigilan niya ang damdamin niya na gustong kumawala.

“Cla—“

“Eliza!” Isang malakas na sigaw ang narinig nila mula sa kanilang likuran. Si Enrie. Nagmamadali siyang lumapit sa kanila. Hinablot niya si Eliza nang pagkalakas-lakas.

“E—Enrie, nasasaktan ako!” sigaw ni Eliza kay Enrie. Nabuo ang galit sa buong pagkatao ni Leandro.

“Mr. Leandro Villanueva, you can leave this place now! Hindi ko na ibebenta ang lupain ko na ‘to!” sigaw ni Enrie kay Leandro. Kakaladkarin na sana ni Enrie si Eliza, ngunit hindi gusto ni Leandro ang nakikita. Hinablot din niya ang kamay ni Eliza. Naguluhan si Eliza.

“Hindi ako pwedeng umalis sa lugar na ito, Enrie. Babawiin ko ang dati kong pagmamay-ari gamit ang isang salita lamang!” May galit ang tono ng boses ni Leandro. Sinulyapan niya si Eliza, kitang-kita ni Leandro ang pag-aalala na nakaguhit sa mukha ni Eliza.

“Babawiin? Sa tingin mo mababawi mo ang kayamanan na pinabayaan mo sa taong nagbigay ng halaga dito? Gawin mo ang gusto mo, Mr. Villanueva, pero umalis ka na sa lupain ko!”

“Wala kang alam!” sagot ni Leandro kay Enrie.

“Wala ka ring alam, Leandro!” gigil na sabi din ni Enrie sa kanya.

Hinablot ni Enrie muli si Eliza. Nawala ang pagkakahawak ni Leandro sa kamay ni Eliza. Lumingon si Eliza kay Leandro. Bumabagsak ang luha nito. Pilit kinakalma ni Leandro ang kanyang sarili. Lalaban siya nang patas. Hindi niya kailangan munang ipilit ang kanyang sarili, at isiwalat ang nakaraan. Ngayong nalaman niya na si Eliza at Clara ay iisa, dahil sa diary book na pinakita ni Eliza, at dahil sa banggaan nila ni Enrie, aalis muna siya. Ngunit, sisiguraduhin niyang sa kanyang pagbalik kay Eliza, kukunin na niya ang dalaga bilang si Clara.

 

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Winter’s End (Chapter 9: Unang Banggaan ng mga Pusong Nagmamahal)

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.