9

12:00 (First Flash Fiction Writing Contest Entry #7)

“Pagpatak ng 12:00, iiwan na kita.”

 

 

Napaiyak na lang ako sa tinuran ng boyfriend kong si Ycer.

 

 

Ang sakit.

 

 

Bakit ba kasi kailangan niya pa akong iwan?

 

 

Bakit hindi na lang siyang manatili sa tabi ko habang-buhay?

 

 

Bakit?!

 

 

“Hon naman. Please stay with me forever.” -umiiyak na saad ko sa kanya ngunit tinignan niya lang ako ng malamig.

 

 

Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ako dinala sa paborito naming lugar.

 

 

“Please, kayanin mo Jefrille.” -saad nito sa akin nang hindi manlang ako tinitignan.

 

 

Wala akong nagawa kundi umoo na lamang.

 

 

Ako rin naman ang may gusto nito.

 

 

Ako ang pumilit sa kanya na bigyan niya pa ako ng isa pang araw upang makasama siya kahit na alam kong napaka imposible.

 

 

Ako ang humiling nito kaya wala akong magagawa kundi ang umayon sa mangyayari sa araw na ‘to.

 

 

Sa araw na ‘to, gagawin namin lahat ng ginagawa namin noon.

 

 

“Naalala mo pa ba? Doon kita nakilala oh. Hinahabol mo kasi ang aso mong si Motchi na mas mabilis pang tumakbo kesa sa ‘yo HAHAHA.” -natatawang ani nito habang hawak ang kamay ko at nakatingin sa lugar kung saan una kaming nagkita.

 

 

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa isang tobo na mula sa taas at pinagmamasdan ang kabuuan ng plaza.

 

 

Sa likod ng inuupuan namin, isang maling galaw lang namin, at babagsak kami pababa. Sa likod din namin ay river control at tanaw ang malawak na ilog at ang kabilang baranggay.

 

 

Sa baba naman namin ay isang isang malawak na damuhan lamang, at maraming nagtatakbuhan na mga bata. May mga bench naman sa tabi at may mga puno na tinatawag na “Lumbang Tree”

 

 

Sa kanan namin ay maliit na opisina na kung saan doon nagbabayad ng water bills ang mga Lumbeño na gaya ko at katabi rin nito ang isang malaking basketball court. Sa harap ng basketball court ay ang munisipyo.

 

 

Sa kaliwa naman namin ay isang tennis court.

 

 

At sa harap namin na katapat ng damuhan ay isang malaking simbahan.

 

 

“Oo, syempre naalala ko pa ‘yon. Makakalimutan ko ba ‘yon? HAHAHA. Naalala ko pa nga, akala ko ako ang madadapa dahil natalapid ako sa paghabol ko kay Motchi pero buti na lang at nakapag balance agad ako. Pero ikaw ang nadapa. Kasi natakot ka kay Motchi HAHAHA.” -natatawang ani ko.

 

 

“Eh ang laki kasi ng aso mong si Motchi tapos papunta pa sa akin. Malamang matatakot talaga ako.” -saad nito.

 

 

“Sos duwag ka lang talaga HAHAHA. Tapos inaway-away mo pa ako noon. Kasi noong time na ‘yon, broken ka na nga, natanggal ka pa sa trabaho, nasubsob pa mukha mo sa damuhan HAHAHA. Grabe, napakamalas mo noong araw na ‘yon.” -sagot ko dito.

 

 

Marami pa kaming binalikang ala-ala.

 

 

Natatawa na lang ako sa mga kahihiyan na nagawa namin.

 

 

May isang beses pa nga na nag-away kami at nagbatuhan kami ng mga dahon na lumaglag na galing sa Lumbang Tree.

 

 

Minsan, nag-away pa kami sa huling popcorn na may cheese na tigsasampung piso na nabibili sa gilid ng basketball court dahil paborito naming dalawa ‘yon.

 

 

Nagpaunahan din kami sa pagbabayad ng tubig.

 

 

At higit sa lahat, nag-agawan pa kami ng upuan sa Simbahan dahil ‘yon ang favorite spot namin.

 

 

Isang beses naman na naghabulan kami sa river control dahil inasar niya ako noon.

 

 

“Ang dami nating ala-ala. Na kahit kailan, hindi ko malilimutan.” -malungkot na saad ko.

 

 

Umalis muna kami sa kinauupuan namin at bumili ng ihaw-ihaw na malapit lang sa plaza at katabi lang ng bakery na malapit sa bahay namin.

 

 

Ako lang ang kumain dahil ayaw niya.

 

 

Nang makakain na ako, bumalik kami sa pwesto naming dalawa at doon nagpalipas ng gabi.

 

 

Kwentuhan lang kami, gano’n.

 

 

Tinignan ko ang oras, 11:11 pm na pala.

 

 

“11:11, sana dito ka na lang sa tabi ko.” Lumuluhang saad ko.

 

 

Pinunasan niya ang luha ko pero wala siyang nagawa. Patuloy lang ang pag-agos nito.

 

 

“Naalala mo ba? Sa tapat ng Simbahan, sa gitna ng damuhan na ‘yan, doon ka nagpropose sa akin. I said yes, kasi mahal kita. Mahal na mahal kita.”

 

 

“Sabi mo pa nga, diyan sa Simbahan na ‘yan, diyan tayo magpapakasal. Bakit hanggang sabi mo na lang ‘yon?”

 

 

Sa bawat salitang sinasabi ko, damang-dama ko na tila ba may milyon-milyong mga karayom na tumutusok sa puso ko. Napaka sakit.

 

 

“Isang taon na, hindi ko pa rin makalimutan Ycer eh.” Umiiyak kong sambit.

 

 

Bumaba ako sa kinauupuan ko tsaka ko siya tinignan.

 

 

Tanging ako at siya na lamang ang narito sa plaza ngayon.

 

 

Sobrang dilim na at tanging buwan, bituin at ilang ilaw sa poste na nandito ang nagbigay sa amin ng liwanag.

 

 

Tanging hikbi ko na lamang, mga maiingay na kulisap at mga tahol ng aso ang naririnig ko.

 

 

“Noong birthday ko, saktong birthday ko pa noong iniwan mo ‘ko.”

 

 

“Hindi ba dapat isusurprise mo ako? Kasama ang kaibigan mo? Nasurprise naman ako, sobra. Nasurpresa mo ako noong biglang may tumawag sa akin. Sabi, nasa hospital ka raw at naaksidente.”

 

 

“Tinanong ko kaibigan mo, sabi niya masyado raw kayong nagmamadali kaya naaksidente kayo. Pero alam mo, ang daya. Pareho kayong naaksidente pero ba’t hindi ka nabuhay?”

 

 

“Ycer naman ang daya!” -sigaw ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

 

 

Narinig ko pa ang sarili kong boses na nag-echo.

 

 

“Mahal na mahal kita Ycer eh. Ba’t mo ‘ko iniwan? Ba’t mo ako iiwan ngayon?”

 

 

Lumapit siya sa akin tsaka ako yinakap.

 

 

Nakita ko rin siya na unti-unti nang naglalaho.

 

 

“Mahal na mahal din kita, alam mo naman ‘yon hindi ba? Mahal na mahal kita higit pa sa lahat.”

 

 

“Hindi ko naman ginusto na iwan ka. Na mawala ako. Pero nangyari na.”

 

 

“Ang gusto ko lang, alagaan mo naman ang sarili mo please lang hon. Para na rin sa akin. ‘Wag ka nang masyadong magkulong sa bahay niyo. Marami pang iba diyan na makikilala mo na p’wede kang samahan buong buhay mo. ‘Wag mong ikulong ang sarili mo buong buhay sa akin. Gusto kong maging masaya ka.”

 

 

“Pero ikaw lang ang gusto ko, ang mahal ko.” Umiiyak kong turan.

 

 

“Shhh ‘wag ka nang umiyak. Mahal na mahal na mahal kita. Sa susunod na magkita tayo sa sunod pa nating buhay, sisiguraduhin kong wala nang makakatapos ng istorya natin na kay saya. Pangako ‘yan.” -saad nito tsaka dinampian ng halik ang labi ko.

 

 

Humiwalay na siya sa akin tsaka ngumiti.

 

 

Sinubukan ko pa siyang hawakan pero tumagos lang ang kamay ko hanggang sa naglaho na siyang tuluyan.

 

 

Today is my birthday.

 

 

At ang wish ko ay muli siyang makasama.

 

 

Tinignan ko ang oras, saktong 12:00 na.

 

 

Iniwan niya nga ako nang pumatak ang alas-dose.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

12:00 (First Flash Fiction Writing Contest Entry #7)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.