A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND
15 Year Old Secret Love

15 Year-Old Secret Love (A Short Story)

 

“HINDI ka rin tanga, eh, no?” angil ni Jackie nang magpang-abot sila ni Luke sa lobby nga second floor. Kalalabas lang niya ng kanyang kwarto habang ito naman ay kakaakyat lang.

“Ha?” kunot-noong tanong nito.

“Kelan ba kita pinagbawalang pumunta sa bahay namin? Porke’t madilim ang daan doon?”

“Teka, ano ba’ng sinasabi mo?”

“Nanghingi ka raw ng number ko noong fiesta ng gabi nang malasing ka.” That was the day before siya sumama sa pamilya nito para makitira habang naghahanap pa siya ng trabaho sa syudad na iyon. It’s been three days at saka pa lang sinabi ng mommy ni Luke sa kanya ng nagdaang gabi.

Napakamot ito sa ulo. “Ah, eh kasi…”

“Manghihingi ka lang ng number ni Nichole idadaan mo pa sa akin. Tapos ako itong napapahamak dahil sa iyo.” Si Nichole ang kinakapatid niyang crush nito sa probinsya nila.

“Teka, teka!” awat nito.

“Oh, ano? Magrarason ka pa, eh.”

“Sandali, huwag ka namang magalit.”

“Hindi ako galit. Ang kaso…nakakahiya sa Mommy mo. Alam mo ba kung ano’ng iniisip niya no’ng hiningi mo sa kanya ang number ko? Talagang nakakahiya!”

“Sorry. Lasing lang.”

“Ewan ko sa iyo. Pwede ka namang mag-chat sa Facebook o kaya’y pumunta sa bahay para hingin ang number ng crush mo. Number ko pa talaga hiningi mo sa mommy mo, at sa mommy mo pa talaga?”

Hindi ito sumagot.

“Hayan!” Ipinakita niya rito ang number ni Nichole. “Kopyahin mo na dali!”

Hindi ito tuminag. Nainip naman siya kaya siya ang kumuha sa cellphone nito at itinipa doon ang numero ni Nichole. “Hayan! I-save mo na para maka-text mo na siya agad. Huwag ka lang papahuli sa girlfriend mong selosa. Patay ka do’n.”

Kahit bungagera siya at madalas pagsabihan ang mga kababata niya, konsintidor din siyang kaibigan. Kaya naman, mas pinagkakatiwalaan pa siya nina Luke at mga kapatid nitong sina Virgo at Eunice.

“Hoy! Okay ka lang?” untag niya sabay wagaygay ng kamay sa harapan nito nang hindi pa rin ito tuminag.

Napakurap ito. “Ha?”

Napailing siya. “Lakas din ng tama nito.” Kinuha niya ang kamay nito at binigay ang cellphone. “Matulog ka muna bago ka managinip diyan,” aniya bago ito tinalikuran.

Papasok na sana siya ng kanyang kwarto nang bigla siya nitong itulak sa loob. Mabilis nitong ni-lock ang pinto at hinatak siya palapit dito. Mabuti na lang at nakaalis na ang lahat ng tao sa bahay na ito sa kani-kanilang pupuntahan maliban sa kanila kaya walang nakarinig sa pabagsak na tunog ng pinto.

Pero iyon nga, sila lang dalawa sa bahay na iyon. Lalo lamang siyang kinakabahan. “A-ano’ng ginagawa mo?” nauutal na tanong niya at tila kinakapos siya ng hininga.

“You think number ni Nichole ang kailangan ko? I can have it whenever I want.” May iritasyo sa tinig nito.

“Ganoon naman pala, eh. Bakit kailangan mo pa akong…” Pinilit niyang magpumiglas subalit mas humigpit ang kapit nito sa kanya. “…ipahamak?”

“Because…” Bumaba ang tingin nito sa labi niya. Hindi niya gusto ang nangyayari. Her heart was beating more wildly, at hindi niya alam kung kaya niyang pigilan ang kanyang sarili o ang binata sa kung anumang gawin nito sa kanya.

“Stop it!” Mabilis niyang iniwas ang mukha nang makitang unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanya.

“Bakit ano ba’ng iniisip mong gagawin ko?” nanunuksong tanong nito.

“Shut up. Bitiwan mo ako,” inis na saad niya.

“Hindi kita pakakawalan hangga’t hindi mo ako sinasagot.”

Sinasagot? Nanliligaw ba ito? Ah, hindi. Iyong tanong nito ang ibig nitong sabihin.

“Hindi ko alam,” aniya na hindi makatitig nang diretso dito.

Hinuli nito ang kanyang tingin at tumitig nang diretso sa kanyang mga mata. “Hindi mo alam o ayaw mo lang sabihin? Ganoon ba kahirap aminin sa sarili mo na may gusto ka rin sa akin?”

Rin? Meaning, the feeling is mutual? Nabibingi yata siya. Ni minsan hindi niya kinakitaan ng malisya o pagkainteres ang mga kilos ng binata towards her.

Napaawang ang kanyang bibig sa direktang akusasyon nito, but she couldn’t say a word–not that she wanted to deny it. Pero huli na nang ma-realize niyang maling hakbang ang kanyang ginawa dahil bigla na nalamang nitong sinunggaban ang kanyang mga labi.

Oh, God!

His lips tasted so sweet sa kabila ng nalalasahan niyang beer sa bibig nito–at alam niya rin kung anong brand ang ininom nito dahil madalas siyang sumasama dito sa inuman. Hindi na tuloy niya malaman kung dahil ba sa alak o dahil sa halik nito mismo kaya pakiramdam niya ay para siyang nalalasing. Para siyang lumulutang sa ulap habang sinasamba ng mga labi nito ang mga labi niya.

Para siyang nawawala sa kanyang katinuan especially when she felt his tongue exploring the insides of her mouth. Hindi na niya alam kung paano pipigilan ang binata sa ginagawa nito. Wala siyang lakas para itulak ito, at mas lalo pa siya nitong niyapos palapit dito. She could feel his manhood slowly waking up na lalong nagpataranta sa kanya.

Mabilis na pinagpalit nito ang pwesto nila, pinning her against the door and holding both her hands up aabove her with his one hand, habang bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. He planted kisses on her skin then slightly bit it kaya hindi niya napigilang mapaungol, “Lu…ke…”

Saglit itong tumigil sa ginagawa. “Say it,” bulong nito sa kanyang tenga, his breath bringing tingling sensations up to her spines.

“S…t…o…p…” nahihirapang sabi niya. Subalit iba ang gusto ng katawan niya, at sinisigaw ng puso niya. She felt her lips and tongue moved in sync with his.

“Is that what you really want?” tanong nito sa pagitan ng mapupusok na halikan nila, habang unti-unting inaalis ang pagkakahawak ng kamay nito sa mga kamay niya.

No! sigaw ng isip niya.

Her hands were already free pero sa halip na itulak ito’y inihawak niya ang dalawang kamay sa ulo nito, pulling him closer to her as she carressed his hair na kahit ilang araw nang hindi nakakatikim ng tubig ay malambot pa rin. Mas lalo lamang naging mapusok ang binata sa kanyang ginawa.

Hindi tama ito. It’s not right, kontra ng isang bahagi ng utak niya.

Yet it feels so good, sigaw naman kabilang bahagi.

Napaliyad siya nang muling bumaba ang mga labi nito sa leeg niya, habang ang isang kamay nito’y nakapisil sa kaliwang dibdib niya. Naalarma siya nang hubarin nito ang hook ng kanyang bra. They were just two steps away from her bed!

Tama na, ‘to! Patuloy sa pagtutol ang kanyang isipan. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya? Nakikitira lang ako sa kanila. Baka isipin nilang isa akong mababang uri ng babae na inaahas ang anak nila. No! Hindi ko kayang sirain ang tiwala nila sa akin. Hindi ko kaya.

Buong-lakas na tinulak niya ang binata. Gulat itong napatitig sa kanya. Kapwa nila habol ang kanilang paghinga kaya ilang sandali rin silang walang imikan.

“Just get out of here, Luke. Please!” sa wakas ay sabi niya rito matapos makalikom nang sapat na lakas ng loob.

Tumingin ito sa kanya subalit umiwas siya. Huminga ito nang malalim, at madilim ang mukhang lumabas ng kanya kwarto.

Pagkasarado niya ng pinto, agad nag-unahang tumulo ang kanyang mga luha.

Simula nang araw na iyon, hindi na niya kinausap pa si Luke nang silang dalawa lang. Iniwasan na rin niyang magtama ang mga paningin nila. Saka lamang bumalik ang pagtrato niya rito nang makapagtrabaho na siya, at nakahanap na ng boarding house na malilipatan. Sinubukan niyang kalimutan ang araw na iyon. Inisip na lamang niyang baka nga lasing lang ito noon, at hindi na rin nito iyon naalala pa.

 

Five months later…

“LUKE, ano’ng ginagawa mo rito?” magkahalong kaba at tuwa ang kanyang naramdaman nang mapagsino ang lalaking kabababa lamang sa motor nito na pumarada sa harapan ng kanilang opisina.

“Galing ako ng Netsky.” Ang pinupuntahan nitong internet shop ang tinutukoy nito. “Dumaan lang ako bakasakaling maabutan kita.”

Lalo lang nagwala ang puso niya sa sinabi nito. Ayaw man niyang aminin pero kinikilig siya.

“Bakit naman?” tanong niya. Sinikap niyang maging normal ang boses.

“Ang dami mong tanong. Sakay na,” tila naiinip na yaya nito. “Bilis!”

Hindi na nga siya nakapalag. “Sorry, guys! Emergency,” natatawang paalam niya sa kanyang mga kasamahan. Sabay-sabay sana silang mag-aalmusal dahil payday nila.

“Byers! Enjoy!” nakakaunawang wika lang ng mga ito.

Hindi niya alam kung saan sila pupunta. Hindi na rin siya nagtanong. She just enjoyed the moment—them alone together and her hugging him tightly from the back. Hindi niya alam na ganoon niya pala ka-miss ang binata.

Hindi iyon ang unang pagkakataon na “itinakas” siya nito dahil madalas naman nilang gawin iyon noong teenagers pa sila. Back then, it was only her who had feelings for him–or at least, that’s what she knew and believed, and never did she put any malice in any of their “trips” dahil malaki ang respeto niya sa friendship nila. But after what happened between them, and after she left that house, pakiramdam niya ay malaya na siyang mahalin ito—kahit pa hindi nito iyon suklian.

After a few minutes, napansin niyang patungo sila sa Mountain Top, the only 24/7 restaurant overlooking the city. Lalo siyang na-excite. That was the first time na makakapunta siya roon na kasama ito–nang silang dalawa lang.

Ipinarada nito ang motor sa parking space ng restaurant katabi ng iba pang mga sasakyan.

“Wow, sosyal! Dito talaga tayo kakain?” tukso niya rito. Alam naman kasi niyang hindi ganoon kalaki ang sweldo nito bilang apprentice sa isang car dealer company para lang ipanlibre sa kanya sa mamahaling restaurant na iyon.

“Aba! Ano’ng akala mo sa akin, can’t afford?” mayabang na sagot nito.

Tumaas ang kilay niya. Pagkuwa’y biglang sumeryoso. “Luke…” she hesitated.

“Huwag kang mag-alala, hindi kita pag-aabunuhin, okay? Nanalo kami sa pustahan namin sa game kagabi. Kita mo naman, hindi ako lasing ngayon,” he assured her. Kilala na siya nito. they were bestfriends for more than fifteen years kaya alam na alam na nito kung paano siya mag-isip.

And she knew him, too. One look in his eyes at malalaman na niya kung nagsasabi ito ng totoo o hindi. Isa pa, kapag lasing ito sa umaga, ibig sabihin wala na itong pera kasi naubos na sa inuman.

“Ang aga-aga, pinagdududahan mo ako,” kunwari nagtatampong sabi nito sabay pisil sa kanyang ilong.

“Hindi naman sa ganoon.”

“Pasok na tayo,” yaya nito.

Hindi niya alam kung gaano kalaki ang napanalunan nito sa pustahan. Ang dami nitong in-order na pagkain na hindi niya akalaing mauubos nilang dalawa. Natawa pa sila sa kanilang mga sarili. Hindi sila makapaniwalang ganoon sila kagutom.

“Ang takaw mo!” nauna nitong tukso sa kanya.

“Tseh! Ikaw nga itong maraming nakain. Hindi ka ba kumain bago umalis sa Netsky?”

“Hindi. Tumakas lang kasi ako sa mga barkada ko.”

“Tingnan mo ito. Siguradong pinaghahanap ka na ng mga iyon.”

Tumawa lang ito.

Tinawag nito ang waiter para sa bill. Nakita niyang humugot ito ng limang libo mula sa wallet nito. “Keep the change,” wika pa nito.

“Naks! May ‘Keep the change’ ka pang nalalaman, ha? Yumayaman ka na talaga ngayon,” tukso niya ulit dito.

Hindi na siya nito pinatulan. Niyaya lang siya nito sa terasa, kung saan matatanaw nila nang maayos ang napakagandang view ng buong syudad.

“Ang ganda talaga rito!” bulalas niya.

“Kasing ganda mo,” nakangiting sabi nito sa kanya.

Biglang nag-init ang kanyang mga pisngi. “Tseh!” kunwari’y asik niya upang pagtakpan ang kanyang damdamin.

Umalis ito sa kinatatayuan. Akala niya’y babalik na sila sa motor nito. Iyon pala’y pumwesto lang ito sa likuran niya at niyakap siya. Hindi siya nakakilos sa sobrang pagkabigla at kaba.

Maya-maya pa’y isinandal nito ang mukha sa balikat niya. Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso.

“L-Luke?”

“Hmm?”

Mahal na mahal kita. Pwede bang ako na lang ang mahalin mo?

“Wala,” wika lang niya. Hindi niya magawang maisatinig ang sinisigaw ng kanyang puso dahil kinakabahan siya. Abot-langit na nga ang kanyang pasasalamat dahil nakasama niya ito nang mga oras na iyon. Magiging kalabisan na siguro kung hihilingin pa niya ang isang napakaimposibleng bagay.

Pero imposible nga ba? Imposible nga bang maging higit pa sa isang kaibigan ang tingin nito sa kanya?

“Ano’ng iniisip mo?” untag nito sa kanya.

Umiling siya.

“Gusto mo na bang umuwi? Inaantok ka na ba?”

Are you kidding me? Kahit habang-buhay ka pang nakayakap sa akin, walang problema sa akin. Ipagpapalit ko ang tulog ko para lang makasama ka.

Sa halip na sabihin ang kanyang iniisip, iba na naman ang naisatinig niya. “Baka kasi nag-aalala na ang mommy mo sa iyo. Kagabi ka pa hindi umuuwi.”

Totoo iyon. Madalas hinahanap ng ina nito ang mga anak sa kanya. Siya lang naman kasi ang madaling nakakaalam kung nasaan ang mga ito. And their mom trusted her that much.

“Alam niyang pupuntahan kita ngayon.”

Napaharap siya rito sa sobrang gulat. Tiningnan niya ito sa mga mata upang suriin kung nagbibiro ba ito. She didn’t realize na napahawak siya sa matigas at malapad nitong dibdib. Agad niya iyong binitiwan nang makaramdam siya ng maliit na boltahe ng kuryente mula rito na para siyang napaso.

“Ano’ng sinabi mo sa kanya?” nag-aalalang tanong niya.

“Sinabi ko sa kanya, ‘Mom, baka ma-late ako ng uwi bukas. Ililibre ko ng almusal si Jackie.'”

“Pumayag siya? I mean, hindi siya nagtanong kung bakit?”

“Bakit naman siya magtataka, eh, alam naman niyang ganoon tayo ka-close?”

Yeah right. We’re so close yet so far.

“Eh, si Helen? Baka hanapin ka niya sa mommy mo.” Ang girlfriend nito ang tinutukoy niya. Maliban kasi sa selosa ito, para din itong jail guard kung makabantay kay Luke.

“Wala na kami,” seryosong sagot nito.

Sa pangatlong pagkakataon, isang nagdududang tingin ang ipinukol niya rito. Gusto mang lumundag sa tuwa ng kanyang puso, hindi pa rin nawala roon ang pag-aalala na baka hindi iyon totoo–or at least not on the girl’s side.

“Totoo ang sinasabi ko,” anito na talagang alam na ang kanyang iniisip. “And this time sana maniwala ka na sa akin.” May himig ng pagsusumamo ang tinig nito.

Tumalikod siya rito at muling binalingan ang tanawin mula sa terasa. Gusto niyang maniwala. Pero ano naman kung hiwalay na ito sa nobya nito? Would that mean magiging sila na? If only ganoon lang kadali at kasimple ang lahat.

“Hindi ka pa rin ba naniniwalang mahal kita, Jackie? Mahal na kita simula pa noon!”

Parang huminto ang mundo niya sa sinabi nito. Hindi niya namalayang kusa na palang tumulo ang kanyang mga luha. Ang tagal niyang hinintay na marinig ang mga katagang iyon—for 15 years—kahit man lang sa panaginip niya. Wala siyang ibang pinangarap kundi ang mahalin din siya nito kahit sa tingin niya ay imposibeng mangyari.

“Patawarin mo ako kung sinaktan kita. Naging duwag ako, at manhid. Akala ko kasi…Akala ko…”

Hindi nito naituloy ang sasabihin nang marinig ang kanyang hikbi kaya agad siya nitong pinihit paharap. Hindi niya mapigilan ang sarili niyang umiyak sa sobrang tuwa. “Jackie…?”

Niyakap niya ito nang mahigpit upang iparating dito ang gusto niyang sabihin. Patuloy sa paghingi ng tawad ang binata at paulit-ulit na sinabing mahal siya nito.

“Ni minsan hindi ko nakalimutan ang araw na iyon—your kisses, your skin, you scent, your caress…Lahat ng iyon ay nagpapabaliw sa akin sa tuwing maaalala kita lalo na nang umalis ka sa amin. Tuliro ako for five months kaya ipinagtapat ko na kay Helen ang lahat. Galit siya pero alam na daw niya noon pa…”

Mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa binata habang nagsasalita pa ito. “Mahal din kita, Luke. Mahal na mahal,” pabulong na wika niya na hindi niya alam kung lumabas ba talaga iyon sa bibig niya o hindi.

Humigpit ang yakap ni Luke sa kanya at hinagkan siya sa ulo, tanda na narinig siya nito. They stayed like that for…God knows how long, bago siya nito inuwi sa bahay ng binata upang ipakilala sa pamilya nito bilang girlfriend nito.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

15 Year-Old Secret Love (A Short Story)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.