Ilang minuto ang dumaan. Tahimik lang silang nakatingin sa target kung saan nakabaon pa rin ang palaso na ginamit ni Prince Dylan ng magtanong muli si Adira.
“Heneral, tungkol sa prinsipe na dumalaw dito. Kaibigan ba talaga siya ni Prince Dylan?”
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});Nagtataka naman na tumingin sa kanya si Heneral Agustin. “Bakit mo naman na tanong ang tungkol do’n?”
Nagkibit-balikat siya. “Parang hindi ko gusto ang awra niya.”
Napangiti naman ito. “Hindi ako sigurado kung magkaibigan ang dalawa, pero ang ama nilang dalawa ay tunay na magkaibigan mula pa noong kabataan nila. Si Prince Damon at Prince Dylan ay madalang magkita, at kung mangyari man ay hindi ko naman nakikitang nag-uusap ang dalawa, kaya hindi ko masasagot kung magkaibigan nga ba sila.”
“Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pilay ang paa ni Prince Dylan nitong nakaraan na dalawang linggo.”
Natigilan naman ito at napakunot ang noo. “Hindi ‘yan ang sinabi ni Prince Dylan. Ang akala ko ay namali lang siya ng tapak sa lupa habang nag-uusap sila ni Prince Damon?”
Nilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang likuran. “Naglaban silang dalawa, pero mahina pa si Prince Dylan no’n kaya hindi rin niya nagamit ang espada ng maayos. Pero ang gusto ko talagang malaman ay kung gaano kagaling humawak ng espada si Prince Damon.”
Tumingin si Heneral Agustin sa kawalan at parang may naalala. “Si King Felip talaga ang bihasa sa paggamit ng espada.”
“King Felip, sino naman siya?”
“Siya ang hari ng Paradise Castle. Ang palasyo na tahimik at puno ng pag-ibig. Pag siya ang nakaharap mo ay hindi siya ang uuwi na talunan kung hindi ang kalaban niya. Kahit pa si Prince Damon ang maghamon sa kanya ay hindi rin niya kakayanin dahil siya ang binansagan na “The King of Sword“
“May anak ba si King Felip?”
“Meron. Bakit mo natanong?”
“Bakit hindi na lang sa anak ni King Felip makipagkaibigan si Prince Dylan?”
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});“Sabagay, lalaki rin naman ang kanilang anak, pero tahimik lang ang prinsipe na ‘yon. Hindi rin siya sumasali sa patimpalak na puro prinsipe ang kasali.” Napangiti si Heneral Agustin, mukhang may naalala tungkol sa prinsipe ng Paradise Castle. “Hindi mo siya agad makikilala bilang prinsipe dahil sa kasuotan niya. Noong una kong nakita ang prinsipe ng Paradise Castle na si Prince Franco ay hindi ko agad siya nakilala na isang prinsipe dahil sa kasuotan niya na pang alipin. Hindi ko pa nga siya nakikita na magsuot ng pang prinsipe katulad ni Prince Dylan.”
Makikita sa mukha ni Adira na nagtataka talaga sa prinsipe ng Paradise Castle. “Okay lang ba sa magulang niya ang gano’n? Isa siyang prinsipe ng palasyo nila dapat ay umakto siya katulad ng ibang prinsipe.”
Malungkot na ngumiti si Heneral Agustin. “Ang balita ay may mabigat na dahilan kung bakit hindi nagsusuot ng damit pang prinsipe si Prince Franco at ‘yon ang hindi ko na alam. Kaya kung sakali man baka makita mo siya na ang suot ay pang alipin, pero maiisip mo rin na kahit ganon ang suot niya ay parang isang maharlika pa rin ang anyo niya.”
Ang dami niyang nalalaman sa bansa na ‘to. Hindi rin pala maganda ang mga buhay nila kahit pa na sa isang palasyo sila at nakasuot ng mamahalin na damit at maghihintay na lang rin ng maghahain sa lamesa kung saan sila kakain. Tama nga ang kasabihan, hindi din magiging masaya ang isang tao kung may kulang pa sa pagkatao niya kahit pa ang lahat ay nasa kanya na. Ang mahalaga ay maging masaya kahit pa halos sumuko na sa buhay kahit pa hindi ka nabibilang sa isang maharlikang pamilya.
Lumingon muli siya kay Heneral Agustin. “Ang dami palang palasyo dito?”
“Tama ka, pero ang iba ay hindi naman gaanong kilala. Ang Stalwart, Valiant, at Paradise Castle lang ang pinaka-kilala sa aming bansa.”
“Ano naman ang katangian ng Valiant Castle?”
Sumeryoso ang mukha nito. “Ang palasyo na maraming kawal, matapang, at hindi umuurong sa laban ang Valiant Castle. Sila ang walang awa pagdating sa kalaban. Kaya hangga’t maaari pinipili ng iba na makipagkaibigan kay King Cyrus kaysa ang maging kaaway nito.”
Napa-isip siya at may ilang guhit na sa noo niya dahil sa sobrang pagkunot ng noo, “Kaya gano’n na lang ang tapang ni Prince Damon dahil din sa katangian ng kanilang palasyo.”
“Mabuti na lang at kaibigan ni King Stephen si King Cyrus kaya walang problema sa dalawang palasyo. “
“Pasensya na sa dami kong tanong, ang Stalwart Castle. Ano naman ang katangian?”
“Matatag at may mabubuting puso, mabait, at madaling makuha ang loob. Payapa ang mga nasasakupan dahil parehas na may malambot na puso ang hari at prinsipe.”
“Kaya ang hirap turuan ni Prince Dylan,” bulong niya.
“Ano iyon, binibini?”
Alanganin siyang ngumiti. “Wala iyon, heneral. Aayusin ko lamang ‘tong ginamit namin ng prinsipe.”
“Kung ganon ay maiiwan na kita.” Yumuko ito ng bahagya at naglakad na paalis.
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});Samantalang naiwan si Adira na tila ang lalim ng iniisip.
“Habang tumatagal ako dito. Hindi lang problema kay Prince Dylan ang nalalaman ko. Sumasakit ang ulo ko lalo na sa palasyo ng Valiant Castle dahil sa prinsipe na si Prince Damon.” Napailing siya at sumunod na din sa heneral dahil naayos niya na ang pana at palaso sa lagayan nito.
Nang nakapasok na si Adira muli sa palasyo ay nakita na naman niya ang babaeng katulog na nagdala ng tsaa noong nakaraang araw kay Dylan. Habang may dala na mga damit ay nakatingin ito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin nito. Pero ng may dumaan na kawal ay umiwas na ito ng tingin. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mawala na sa paningin niya. “Isa ka sa magiging target ko dito sa palasyo. Mas mabuting mag-ingat ka dahil sa oras na malaman kong isa ka sa salarin. Walang buhok ang matitira sa ulo mo.” Tuluyan na siyang pumunta sa kwarto niya dahil sa pagod sa pagtayo at pagtuturo kay Dylan.
“Ganon ba, pero kung gusto mo talagang malaman. Si Prince Damon ang pinakamagaling sa lahat ng prinsipe dito sa aming bansa at sa ibang bansa. Ngunit hindi espada ang gamit kung hindi pana at palaso. Ang paggamit niya ng espada ay bahagi lang ng pagiging prinsipe dahil kailangan talaga nilang malaman kung paano gumamit no’n. Sa pana siya pinaka-mahusay hindi sa paggamit ng espada.”
“Magaling siya kung ganon kahit hindi espada ang pinaka-gamay niyang gamitin.”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Last update na pala to hahaha salamat otor sa magandang mga chapters abangan ko ulit ang nga susunod pa haha thanks
Sino naman kausap niya sa huling dialogue