Tumingin naman si Dylan kay Adira. “Simon,” tawag niya.
Napalingon naman ito kaagad at bahagyang nagtaka, pero kalaunan ay nagsalita din. “Dumating ka pala.”
Kumunot ang noo niya. “Anong akala mo sa akin hindi darating? Kahit pa nasa ilalim ako ng lupa darating ako basta kailangan mo ng tulong,” masungit niyang saad.
Napangiti naman si Simon. “Ang layo kasi Adira, at saka ang hirap ng ginawa mo lalo pa at kailangan gumamit ng eroplano para lang makabalik dito.”
“Huwag mo ng isipin kung paano ko nagawang makabalik dito ng mabilis. Kumusta ang pakiramdam mo?”
“Okay na ako medyo nanghihina dahil sa natamo kong sugat, pero the rest ay okay lang.”
“Mabuti kung ganon.” Napakunot ang noo niya at tiningnan si Dylan na nanunuod lang sa kanila ni Simon. “Dylan, ano ang sabi ng doctor?”
“Kailangan niyang manatili dito ng dalawa o tatlong araw bago umuwi dahil mas mabuti daw iyon para maghilom agad ang mga sugat niya.”
Bumaling naman ng tingin si Simon kay Dylan. “Sino siya, Adira?”
“Siya ang prinsipe.”
Nakatitig lang si Simon at ilang sandali pa ay nanlaki na ang mata dahil hindi agad na proseso ang sinabi ni Adira.
“Tama ba ang dinig ko? Siya ang prinsipe na kailangan mong—”
“Simon,” may pagbabanta niyang saad.
Umiwas ng tingin si Simon at binati na lang si Prince Dylan. “Kinagagalak kong makilala ka, Prince Dylan.”
“Ako din ay nagagalak na makilala ka. ” Ngumiti si Dylan at bumaling ng tingin kay Adira na seryoso lang ang mukha na nakatingin sa dalawa.
Napabuntong-hininga siya. “Bukas ay puwede ka ng bumalik sa bansa mo.”
Napakunot ang noo ni Dylan “Ako lang?”
“Oo.”
“Bakit hindi ka kasama? Hindi naman ako lumabas sa pinagtataguan ko kanina ‘di ba, kaya kasama ka pa sa pagbabalik ko sa Stalwart Castle.” Bahagyang nabahala si Dylan dahil kitang-kita sa ekspresyon ng mukha nito.
“Kailangan kong bantayan si Simon dito. Ang sabi ng doctor ay hanggang 3 days siya dito, kaya mas mabuting ikaw muna ang bumalik.”
“Ayoko,” seryosong sagot ni Dylan.
Unti-unting kumukunot ang noo niya habang nakatingin sa prinsipe. “Makinig ka sa akin, Dylan. Hahanapin ka ng ‘yong ama, kaya mas mabuting ikaw muna ang bumalik. Magkakaroon ka ng problema pag nalaman ni King Stephen na nandito ka.”
“Hindi ako babalik kung hindi kita kasama.”
Napapikit na sa inis si Adira habang si Simon naman ay nanunuod lang sa kanilang dalawa.
“Mas lalong hindi ako babalik sa ginagawa mo, Dylan.”
Nakipagtitigan ito sa kanya. “Kung ganon ay dito na lang din ako.”
Hinawi niya ang nakatirintas niyang buhok papunta sa likod niya sa pinipigilang inis. “Hindi ka nabibilang dito, at saka hindi mo alam ang pamunuhay dito. Bakit ba ang tigas ng ulo mo nandoon ang pamilya mo wala dito?!” gigil niyang saad.
“Pero nandito ka.”
Natigilan si Adira sa sinabi ni Prince Dylan at hindi niya alam kung ano ang ibig ipahiwatig nito. Nakatitig lang sila sa isa’t-isa.
Biglang nagsalita si Simon. “Lagi ba kayong nag-aaway na dalawa?”
“Ang binibini kasi ay laging mainit ang ulo sa akin.” Tila nagmamakaawa pang sumbong ni Dylan.
Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Dylan. “Huwag kang maniwala sa kanya Simon. Gawain niya ‘yan kahit pa sa pag-eensayo.”
Pinanlakihan naman siya ni Dylan ng mata. “Madalas ka kasing galit wala pa naman akong ginagawa.”
“Anong sinasabi mo diyan?”
Bumaling ng tingin si Dylan kay Simon. “Ganon ba talaga ang ugali ng binibini, ginoo?”
Napangiwi naman si Simon sa tinawag sa kanya ni Dylan. “Pasensya na prinsipe, pero ganon talaga siya kahit pa nandito. Dalawa lang ang ugali niya ang maging seryoso at magalit lalo pa at may nakita siyang mali, hindi ata nakasama ang maging mabait.” Alinlangan pang ngumiti si Simon.
“May rason ba kung bakit?”
Napatingin si Simon kay Adira na malayo ang tingin. “Natural na sa kanya iyon, kaya ako na ang humihingi ng pasensya.”
Umiling ng ilang beses si Dylan. “Huwag kayong humingi ng pasensya, ang binibini naman ang may kasalanan sa akin.”
Biglang tumingin si Adira kay Prince Dylan na naniningkit ang mga mata.
“Isa pang sabi na kasalanan ko, Dylan. Paglalanguyin kita sa dagat pauwi ng bansa mo.”
Sumimangot naman si Prince Dylan at nag-iwas ng tingin habang si Simon ay napapailing na lang sa dalawa habang may maliit na ngiti na sumilay sa kanyang labi.
Nang may pumasok na nurse ay tumayo na si Adira at Prince Dylan, at lumayo ng bahagya kay Simon para bigyan ng space ang nurse. Pero ilang saglit pa ay nagdesisyon si Adira na lumabas muna. Nagpaalam naman siya kay Simon at naiwan si Prince Dylan sa loob.
Nang nakalabas na ng ospital si Adira. Kinuha niya ang telepono sa bulsa ng pants niya at may hinanap siyang number at tinawag ito.
“Hello, heneral.”
“Adira?”
“Ako nga. Kamusta na ang hari?”
“Okay naman na ang hari, pero hindi pa din siya nakakalakad sa labas, kaya hindi pa niya alam na wala sa palasyo si Prince Dylan.”
Napabuntong-hininga siya. “Heneral, bakit niyo naman pinasama ang prinsipe dito sa bansa ko? Manganganib ang buhay niya pag nandito siya.”
“Pasensya ka na Adira, pero nagpumilit sumama si Prince Dylan. Ayoko na sana siyang payagan, pero nakita ko na gustong-gusto niyang sumama. Siguro ay gusto niyang makakita ng bago o pagkakaiba sa iyong bansa.”
Sa isip niya, “Ginamit na naman ni Dylan ang pagpapa-awa na tumalab naman kay heneral.” Napa-iling na lang siya. “Hihingi sana ako ng permiso hanggang tatlong araw para manatili dito. Kailangan ng kasama ko ang bantay sa ospital.”
Medyo nag-alala ata si Heneral Agustin. “Paano ang prinsipe? Hindi siya maaaring magtagal diyan.” Napahilot naman sa si Adira sa noo.
“Sinabi ko na sa kanya na mauna na siyang bumalik, pero ayaw akong pakinggan. Hangga’t hindi ako kasama ay hindi din daw siya babalik sa Stalwart Castle.”
“Minsan talaga ay may katigasan ang ulo ng prinsipe.”
“Anong gagawin ko sa kanya, pipilitin ko bang pauwiin diyan?”
Tila nag-iisip si Heneral Agustin bago sumagot sa kanya. “Sa tingin ko mas mabuting kasama ka na niya sa pagbabalik dito. Hayaan mo muna siyang makita ang ganda ng bansa mo. Medyo hindi talaga maganda ang lagay ng hari, kaya hindi na siya nakalalabas pa ng kwarto. Nagpapadala na lang siya ng pagkain sa loob.”
“Sigurado ka ba Heneral Agustin na okay lang ang hari?”
“Ang masasabi ko lang ay okay pa naman siya ngayon dahil kumakain naman at wala naman siyang malubhang sakit maliban sa trangkaso. Araw-araw naman pumupunta ang manggagamot ng hari simula bukas, kaya kampante na ako do’n.”
“Kung ganon ay pagkatapos ng tatlong araw ay nandiyan na kami.” Ibinaba niya na ang telepono at pumikit.
Samantala si Prince Dylan ay lumabas din ng kwarto ni Simon habang nandoon pa ang nurse. Nagpaalam naman ito kay Simon kaya nakalabas ng kwarto si Prince Dylan. Hinanap niya si Adira sa labas at nakita niyang nakatayo ito sa may malapit na upuan sa labas. Nakita niyang nakapikit ito.
Dahan-dahan na lumapit si Prince Dylan kay Adira.
“Binibini, bakit nandito ka pa?”
Napadilat naman agad siya ng may nagsalita. “Ba’t nandito ka? Ang sabi ko ay maiwan ka muna sa kwarto ni Simon.” Nakakunot na ang noo niya sa prinsipe.
“Nagpaalam naman ako at pumayag naman siya. Nandoon pa din naman ang nurse.”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





