Untitled-design-71-1-jpg.webp

A Gangster’s Mission (Chapter 52)

Si Adira at Prince Dylan ay sa sofa natulog sa kwarto ni Simon. Hindi na bumalik pa si Adira sa isang kwarto dahil okay naman na siya.

Ilang saglit pa ay nagising si Adira dahil nag-iingay na ang tiyan niya. Bumangon siya at hinawakan ang tiyan habang pumipikit-pikit pa ang mata na mukhang inaantok pa.

“Hindi nga pala kami kumain kagabi. ” Tumingin siya kung nasaan si Dylan at tulog pa din ito. “Kailangan kong lumabas at bumili ng pagkain. “

Nakita niya si Simon na gising na din. “Simon, lalabas lang ako sandali. Punta lang akong supermarket para bumili ng pagkain namin ni Dylan. Hindi puwedeng kainin namin ang para sayo na ibinibigay ng ospital.” Tumango naman si Simon.

Habang inaayos na ni Adira ang buhok niya ay nagising si Prince Dylan at mukhang nagtataka dahil nag-aayos si Adira.

“Saan ka pupunta?” tanong nito sa bagong gising na boses.

“Dito ka lang may bibilhin lang ako sa labas.”

Mabilis na tumayo si Dylan at lumapit sa kanya. “Sasama ako.”

Kumunot naman ang noo niya. “Maiwan ka na lang dito sandali lang naman ako. Bibili lang ako ng pagkain nating dalawa.”

“Gusto kong sumama para makita ko ang paligid.”

Sinamaan niya ito ng tingin. Bagong gising palang silang dalawa at mukhang pag-aaway na naman ang almusal nila.

“Oo nga naman Adira. Isama mo na siya sa labas ng makita niya ang paligid, kaysa nandito lang siya. Kahit konti ay makita man lang niya ang labas dahil sa araw na lumabas na ako dito ay tuloy alis naman na kayo pabalik sa bansa niya,” saad ni Simon.

“Magiging okay ka lang ba mag-isa dito?”

Napangiti si Simon. “Oo naman. May nurse naman na tumitingin sa akin kaya safe ako dito. Isama mo na siya.” Samantalang si Prince Dylan ay ngiting-ngiti na.

Napabuntong-hininga siya at tumingin kay Dylan. “Ang bait naman ng pagkakataon sayo mahal na prinsipe, sumunod ka.”

Nauna nang lumabas si Adira, si Prince Dylan naman ay nagpasalamat muna kay Simon bago sumunod.

May malapit naman na supermarket sa ospital. Kailangan lang maglakad para makapunta doon, kaysa sumakay pa ng tricycle, naglakad na lang ang dalawa.

Habang naglalakad sila ay naiiwan si Prince Dylan dahil tinitingnan pa nito ang mga building sa paligid. Lumingon si Adira dito at napakunot ang noo.

“Bilisan mo!” sigaw niya.

Mabilis naman na lumakad si Dylan at tumabi sa kanya. “Parang palasyo pala ang nakatayo din dito,” saad ni Prince Dylan.

Nagtaka naman siya. “Wala bang ganyan sa bansa mo?”

“Wala. Ang meron lang ay tahanan na parang palasyo din, pero maliliit at ordinaryo lang. Kung meron man ay sobrang layo na siguro sa aming lugar.”

“Talaga?”

“Oo.”

Sa isip niya, “Kaya pala sabi ng heneral ay hayaan muna ang prinsipe na makita ang ganda ng bansa ko.” Napailing nalang siya. “Huwag kang lalayo sa akin.”

Tumango lang si Dylan at nagpatuloy na sila sa paglalakad. Ilang minuto lang ay papasok na sila sa isang mall dahil na sa loob ang supermarket. Tila bata namang hinahawakan ni Prince Dylan ang mga plastik ng tinapay at snack habang si Adira ay kumukuha lang ng mga tinapay at inumin. Naisip ni Adira na sa labas na lang siya bibili ng kanin at ulam nilang dalawa.

Kinuha ni Prince Dylan ang isang supot ng tinapay at huminto sa likod ni Adira na bahagya pang nagulat ng lumingon siya.

“Anong ginagawa mo diyan at ganyan ang itsura mo?” tanong niya dahil ang mukha ni Dylan ay parang bata na nagpapabili ng gusto nito.

Ngumiti ito at pinakita ang hawak na isang supot na tinapay. “Gusto ko ito.”

Lumipat ang tingin niya sa hawak nito na isang supot tinapay. “Sigurado kang kakainin mo ‘yan?”

Tumango si Dylan. “Oo.”

“Sige, pero ‘yan lang.” Ngumiti lang si Dylan at nagpatuloy na muli siya sa pagtingin na puwede niyang bilhin.

At dahil nasa likuran ang cart na dala ni Adira hindi niya napapansin na napaparami ang nilalagay ni Prince Dylan sa cart niya kahit pa sinabihan na ang prinsipe ni Adira na ang tinapay lang na ‘yon ang kukunin nito. Mukhang natuwa si Prince Dylan sa nakikita niya at kinukuha ang maganda at masarap sa mga mata niya.

Nang malapit na sila sa counter at magbabayad na, nanlaki ang mata ni Adira ng marami ng nakalagay sa cart niya at halos mapuno ito.

Nanlalaki ang mata niyang tiningnan si Dylan. “Anong…” Ngumiti naman si Dylan na halos hindi na kita ang mga mata nito.

Napapikit siya, pero wala na siyang magagawa dahil sila na ang susunod sa counter kaya wala ng oras para ibalik ang nasa cart na hindi niya naman kinuha. Mabigat ang kamay niyang kinukuha ang mga grocery sa cart.

Samantalang si Prince Dylan ay nakatingin lang sa ginagawa ng cashier. Hinintay ni Adira ang total ng pinamili nila at natigilan siya sa sinabi ng cashier. “2, 500 po ma’am.”

Napatingin siya sa dalawang plastik. “Ganon na kamahal ‘yon?” saad niya sa sa sarili, pero binayaran niya na din. Mabuti na lang at may pera sa pants na suot niya ngayon.

Pagkatapos magbayad ay tumingin si Adira kay Prince Dylan at sinenyas na kuhanin ang dalawang plastik na puno ng pinamili ni Adira pati na din ang mga nagustuhan ni Prince Dylan.

Nang nakalabas na sila ng supermarket ay nagsalita siya. “Dito ka lang. Bibili lang ako ng umagahan hanggang gabi nating pagkain diyan lang sa malapit. Hintayin mo na lang ako dito, may upuan naman diyan kaya hindi ka mahihirapan.”

Kumunot ang noo ni Dylan. “Bakit hindi na lang ako sumama?”

“Hindi na ako na lang. Malapit lang naman saka saglit lang ako, kaya dito ka lang. Aalis na ako, huwag kang aalis dito, maliwanag.”

Tumango si Prince Dylan at tuluyan ng umalis si Adira. Tumawid siya at lumakad pa bago nakita ang isang karinderya.

Ilang saglit pa ay lumabas na si Adira at handa ng umalis sana, pero naka-agaw ng pansin niya ang isang magandang babae at isang bata na marumi ang damit na mukhang palaboy sa lansangan. Lumapit siya ng bahagya para marinig ang sinasabi ng babae na mukhang pinapagalitan ang bata.

“Hindi mo ba alam kung magkano ang damit ko na ‘to ha!” sigaw ng babae sa bata habang madiin ang pagkakahawak nito sa braso ng bata.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

A Gangster’s Mission (Chapter 52)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.